'Kayamanan ay Parang Katawang Lupa ng Tao'
Sa Punto De Vista ni Ehsher Gustafson sa Kwentong Pinamagatang 'Every Breath You Take'
Ang yaman ng mayamang tao ay ang kaniyang matibay na bayan,
at gaya ng matayog na kuta sa kaniyang sariling isip.Nguni't ang katotohana'y hindi ka nito maikukubli sa kaarawan ng kamatayan.
Walang matayog na kuta ang maaaring magkubli sa iyo sa katotohanan ng buhay, maging dukha ka man, o maging isang mayaman, maging pantas o maging isang mangmang, maging hayop o maging taong nilalang. Iisang daan lang ang ating patutunguhan, at iyon ang kamatayan.
At kung ang tao ay mamatay, wala naman siyang dadalhin. Magtamo man siya ng pinakadakilang kaluwalhatian, hindi ito bababang susunod sa kanya. Sapagka't kung paanong hubad siyang lumabas sa bahay-bata ng kanyang Ina, hubad din siyang aalis.
Tila makabuluhan at bukal ng buhay ang kayamanan sa naghahangad nito. Ngunit hindi gayon sa akin. Sapagkat sa kayamanan, wala roon ang aking puso. Sapagka't kung nasaan ang kasiyahan ng aking puso, doon din ang aking yaman.
Maraming mga tao ang nagsusumakit sa sanglibutan, sapagka't dinadaya sila ng kayamanan. Ito ay tila sinasabi sa kanila na siya ang paglingkuran, sapagka't siya ang kabuluhan ng buhay, at marapat na mabuhay ka para lamang sa kanya.
Ngunit ang kayamanan ay nasisira ng tanga, gayon na rin ng kalawang. Nasisira rin ito na gaya ng katawang lupa ng tao.
At naisip ko na ayokong mabuhay para ingatan lamang ang mga bagay na may hangganan at nasisira.
Hindi ko sinasabi ang mga bagay na ito dahil ipinanganak akong nagtataglay na nito. Sinasabi ko ang mga bagay na ito ayon sa kaisipan at pagkaunawa ng aking puso na hindi nasisiyahan dito.
Na nagbubulay-bulay araw at gabi sa pag-unawa kung ano ang pakinabang ng magtamo ng yaman na wala namang kabuluhan.
Kayamanan na hindi makapagliligtas ng buhay sa araw man ng kamatayan.
BINABASA MO ANG
Love's Tapestry: Weaving Words of Romance
PoetryThis is a collection of poems written by Jcena Mortiff that revolves around various forms of love. These words long to break free, the letters yearn for liberation, all gathered from the depths of the author's heart and mind. They are assembled here...