54. Sayang Nagdulot Ng Kalungkutan

196 32 0
                                    

"Ang hirap kalimutan,
ang saya ay nagdudulot ng labis na kalungkutan."

'Sayang Nagdulot Ng Kalungkutan'

Sa pagpatak ng ulan, nakikita ang mga ala-alang lumisan.
Mga kasiyahan ng nakaraan na ngayon ay nagdudulot na ng lungkot sa kasalukuyan.

Nais kong muli kang mahagkan at mga kamay mo'y muling mahawakan. Ngunit paano ko magagawa ito kung napalitan na ako na minsang minahal?

Bakit kailangang humantong sa hiwalayan?
Sinubok lang naman ang pagmamahal, nguni't imbis na ipaglaban, ay binitawan.
Di lang ba kinaya, o ang pagsubok ay dinahilan lang?

Alam kong wala nang puwang upang mangatuwiran, ngunit hindi ko lubos na maunawaan na ikaw na minsang nagbigay sa akin ng liwanag at kanlungan ay siya ring maglalagay sa akin sa madilim na kalalagyan.

Ang hirap kalimutan,
ang saya ay nagdudulot ng labis na kalungkutan.

Binigyan mo ako ng pag-asa nguni't sa huli ay binawi mo rin naman.

Naniwala ako na iba ka sa lahat, ngunit katulad ka rin pala ng lahat na naghahanap ng iba.

Ngunit kahit ganun bakit ang hirap mong iwaglit sa isipan?
Bakit sinasabi ng puso ko na ikaw pa rin ang mahal?
Na kahit pinalitan mo na ako't hiniwalayan, umaasa pa rin akong babalikan?

Alam ko, napakamartir ng aking puso't isipan.


Love's Tapestry: Weaving Words of RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon