3. Rome Miguel Fitzwilliam: Holding Hands Firmly

289 40 0
                                    


Sulat ni Rome Miguel kay Areum sa kwentong pinamagatang 'Bien Tomados De La Mano'

Para Sa Sinisinta
Kong Areum,

Nais kong makatakas sa nakakandadong hawla at makaahon sa dumuduming lawa. Kaya naman iginuhit ko sa papel at tinta ang mga titik na maaaring magpalaya sa ikinukulong na kaluluwa.

Kasalanan bang matatawag ang tumuligsa sa malupit na pamamahala?
Kasamaan bang maituturing ang labanan ang pamahalaang nagpapahirap sa ating sariling bansa?

Nakatapak nga tayo sa ating sariling lupa, ngunit ginagawa nila tayong sunod-sunuran na mga tuta. Hindi ba't kaawa-awa? Sapagka't ginagawa tayong alipin sa ating sariling bansa.

At ang isang simbahan na sana'y magpapaginhawa ng kaluluwa ay nagpatigmak pa ng pasakit at luha.

Nguni't hindi nangangahulugan na nilimot ko na ang mga panata ko sa iyo. Ang aking paglaban ay hindi nangangahulugan ng pagsuko.

Pag-ibig din ang naging sandata ko. Nguni't hindi ko inaasahang ang pag-ibig din na ito ang maglalayo sa ating nagkakaisang puso.

Alam kong nagdala ako ng hirap, lungkot at pasanin sa iyo. Nguni't ngayon ay nais kong makapagdalang tapang itong aking puso at sa lalong madaling panahon, ako'y paparoon sa iyo.

Ngayong gabi ay magkita tayo sa ating tagpuan. Ang mga bagay na hiniling ng iyong puso ay maluwag kong ipagkakaloob sa iyo. Babatakin kita at tatakbo kang kasama ako.

Hawak kamay nating lisanin ang mundong ito.

Nagmamahal,
Rome Miguel Fitzwilliam.

Love's Tapestry: Weaving Words of RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon