Nasasaktan ako kapag sinasaktan ka niya. Hindi niya kasi alam kung gaano ka sa akin kahalaga.
Kaya minsan naisip ko na sana ako na lang at hindi siya, dahil gusto kong mapunan ang sakit na iyong nararamdaman at palitan ito ng saya.
Alam kong mahal mo siya, pero sana itanong mo naman sa akin kung bakit ako nag-aalala.
Palagi akong lumuluha sayo samantalang ikaw lumuluha sa kanya.
Sana nga kaya kong palitan siya sa puso mo, kasi ang hirap na makitang nasasaktan ang taong nagiging dahilan ng pagngiti ko.
Bakit ba kailangang siya pa? Wala naman siyang ibang ginawa kundi saktan ka.
Ganyan ba talaga kalakas ang tama mo sa kanya, kaya okay lang sa'yo kahit paulit-ulit na ang pagkakamali niya?
Nasasaktan ako dahil sinasaktan ka niya, pero wala akong magawa.
Alam kong kahit siya ang dahilan ng sakit na iyong nadarama, alam kong siya pa rin ang makakapagpawi nito upang mapalitan ng saya.
Nasasaktan ako dahil kahit ang pagmamahal na ipinapakita ko, hindi man lang nakakapagbigay sayo ng saya.
Palagi naman akong narito, pero bakit kung sino pa ang wala, siya pa ang palaging nakikita?
Ako ang palaging nasa tabi mo sa tuwing sinasaktan ka ng taong mahal mo, pero kahit kailan hindi ko nakitang sumaya ka sa piling ko.
Takbuhan mo lang ako ng iyong sakit at kalungkutan, pero sa kasiyahan ay nawawala ka habang ako naman itong nasasaktan.
Alam ko namang sa puso mo ay wala akong puwang, pero sana naman kahit minsan ay mapansin mo. Kasi kahit nasasaktan ako, pinipilit ko pa rin na maging masaya para sa'yo.
BINABASA MO ANG
Love's Tapestry: Weaving Words of Romance
PoetryThis is a collection of poems written by Jcena Mortiff that revolves around various forms of love. These words long to break free, the letters yearn for liberation, all gathered from the depths of the author's heart and mind. They are assembled here...