*ZENDAYA WESLEY POV*
4:20 na ng hapon at nandito parin kaming tatlo sa mall, nagawa na namin lahat, pati sa mga department store pumunta narin kami para pumili ng damit. Sulit naman dahil nilibre ako ni kole ng ilang large na tshirt na favorite ko.
Nandito kami ngayon sa waiting area habang nakain ng corndog. Nakakagutom ulit kahit kumain na kami kanina, isama nyo pa itong si milan na lahat ng madadaanan na tindahan kahit homemade walang pinapatawad.
"Malapit na pala ang foundation day, kelan ba tayo mag memeting?"tanong ni milan.
Oo nga pala, sa biyernes na yun, martes na ngayon pero wala pa kaming napag uusapan. Hindi kopa nga alam ang sasalihan ko.
"Bukas, nakausap ko si nicholas para dyan" singit naman ni kole na nakain ng corndog.... Pangatlo na yan.
"Ikaw zen, may sasalihan kana ba?"
"Wala pa, hindi kopa nga alam ang contest"
Ng matapos kami kumain ay napagdesisyunan naming maglakad sa national bookstore, balak kong bumili ng libro dahil wala nakong mabasa. Merong ilang aklat na hiniram ni kuya tapos pinamigay ko yung iba, naka gowon din ang iba dahil wala syang kasama sa hospital.
Oo nga pala!!!
Kamusta na kaya si gowon. Wala nakong time makapunta sa hospital dahil sa daming ginagawa, isama mopa yung foundation day sa susunod na araw.
Pagkapasok namin sa national bookstore ay pumunta agad si milan sa....... Coloring book?. Huh?
Sumama naman sakin si kole dahil libro din ang balak nyang bilhin."You like to read fiction" napalingon ako kay kole ng bigla syang magsalita. May dala kaming tig-isang basket para lagyan ng libro.
"Ah, oo eh maganda kasi yung mga stories kaya medyo nagustuhan ko na rin" paliwanag ko.
"Oh, sometimes I also read when I have time" sabi nya sakin, napa ohh naman ako sa sinabi nya. Nag babasa din sya? Wow ha!!!.
Syempre pumunta kami sa fiction area. Doon madami. Lalo na kapag madaming panibagong published nakakabili agad ako.
The rain in the españa
My husband is a mafia boss
Charm academy
Safe skies, archer
Hell university
Yan!! Yan ang mga nakuha ko, syempre nabasa kona yung iba kaya hindi kona kinuha. Medyo gusto ko yung makakapal na book para matagal basahin. Minsan nakikita ko nalang yan wala na sa bookshelves ko dahil hinihiram ni kuya.
Habang nakuha ay napatingin ako kay kole, nasa tabi ko sya pero ang hawak nya ay about science and technology halos mahilo ako dahil pamagat palanh halatang hindi ko kayang basahin.
"Aanhin mo yan?" Tanong ko sabay turo sa librong hawak nya.
Napatingin naman sya sakin sabay ngumiti, bakit ganun? Ang gwapo nya kapag nakangiti tapos isama mo pa yung may salamin!!. "Babasahin ko sa bahay, medyo relate kasi sa lesson natin" paliwanag nya sakin.
Ang unfair ng mundo!!!. Bakit ganun. Nasan nayung kole na nanunungit sakin!!!!!.
"Bakit ganun?" Suntok sa buwan kong tanong, ewan ko pero biglang lumabas sa bibig ko yun. Napatingin tuloy sakin si kole.
BINABASA MO ANG
Queen Of Section A |✓ Part One: Beginning (COMPLETED)
Teen Fiction[C O M P L E T E D] Welcome to section A, section na puro lalaki at wala kang makikitang babae, section na puro away at gulo ang alam, section na misteryoso at madaming kalaban. pero mag babago ba sila kung dumating ang isang babaeng hindi nila ina...