CHAPTER ONE;
SECTION A
*PEEEPPPPP!!!* ay pakshet!
"HOY BAKA GUSTO MO TUMABI"
Napatingin ako sa lalaking nag da drive ng jeep na sinisigawan ako dahil nasa halos gitna nako ng kalsada,so ano? Kasalanan kong hindi ako marung tumawid? Kasalanan ko kuya? Sumagot ka nanggigigil ako sayo!.
Pano naman kasi, hindi ako marunong tumawid tapos ang dami pang sasakyan na nadaan tapos walang hintuan. May mga natawid nga kaso hindi ako makasabay, hindi ko Kaya yung flash mode nila. Grabe!.
Nakakainis napatingin nako sa relo ko at 7:30 na ng umaga. male late nako nito, pano ba naman si kuya ace kinuha yung kotse ko sa condo dahil nasira yung kotse nya at pinapagawa pa, kaya ang loko walang paalam na kinuha yung akin na tahimik na nakaparada sa gilid.
Shit!! unang araw ko pa naman ngayon tapos eto mangyayari saakin, baka mapahiya pako nito pag dating sa room ko. Unang araw tapos late ka? Wow, good student.
(ONE HOUR LATER) ayokong sabihin na traffic kasi hindi kayo maniniwala... De joke lang, nag habol talaga ako ng jeep, ayaw ako hintuan eh!.
Hingal na hingal akong napahinto dito sa tapat ng gate ng school ko,need ko ng oxygen!.
Halos kalabanin ko pa yung driver dahil sa sobrang bagal nyang mag paandar ng jeep,Nakakainis! Mas matindi matindi pa sa pakshet!. hindi ko naman pinangarap mag commute eh. Adi sana nag balak nalang akong mag eroplano yung ganto din mangyayari sakin. Hmp!.
Nang makapag pahinga ako ay pinagpagan ko ang palda ko. O diba? Papasok pa lang ako pero ang itsura ko ay pang uwian na!. Habang inaayos ang sarili ko ay napatingin ako sa pangalan ng school.
"Bernard high university" basa ko sa nakasulat sa gate, pansin ko din ang lawak ng loob at sobrang ganda, malalaking building agad ang tatambad sayo kapag nakapunta ka sa loob.
Napatingin ako sa relo ko at ganun nalang ang takbo ko papasok sa loob ng makita ko kung anong oras na.
8:25 na ng umaga at halatang late na late nako. Gusto ko nalang maging hangin! Palipad lipad ka lang!.Mabilis na tumakbo ako sa loob ng school sabay hablot sa papel na nasa bulsa ko. Nakikita ko ang mga taong nagugulat dahil sa pag daan ko pero wala akong pake sa kanila basta makapunta ako ng section ko.
"Section A? Kingina,mag hahanap pa ata ako nito"
Hingal na hingal kong sabi sabay basa sa papel, ang totoo nan ay hindi ko alam kung saan ako unang mag hahanap para lang dito sa section ko.
Need ko atang tawagan si Dora, kaso baka lalo lang matagalan, huwag na.Kaliwa, kanan,kaliwa,kanan, train train, pot!pot !
Halos libutin ko na lahat ata ng building dito pero wala akong makitang panglan ng section a,
Ng malaman ko na sa kabilang building pala ito ay mabilis na tumalon ako sa kabilang terrace ng building at mabilis na tumakbo ulit."Uy gago tumalon"
"Hala baliw ba sya"
"Kala ko mahuhulog sya"
BINABASA MO ANG
Queen Of Section A |✓ Part One: Beginning (COMPLETED)
Roman pour Adolescents[C O M P L E T E D] Welcome to section A, section na puro lalaki at wala kang makikitang babae, section na puro away at gulo ang alam, section na misteryoso at madaming kalaban. pero mag babago ba sila kung dumating ang isang babaeng hindi nila ina...