CHAPTER 81

1K 37 2
                                    


ZENDAYA WESLEY POV

Matapos ang kaladgarang  byahe para lang makapunta kina benick... Sa wakas,nakapunta rin kami, Ang sikip kaya nang daan tapos naglakad pa kami papuntang skinita.

"Kumain muna kayo, nag abala pa kayong pumunta dito" Sabi ni benick at inilapag sa lamesa ang tray nang tinapay at kape.

"Siguro kaya nag kakasakit yang anak mo eh!, Madumi ang lugar nyo" mabilisang sabi ni nicholas habang sinusuri ang buong loob nang bahay.

Dahil sa sinabi nya ay bahagyang napayuko si benick kaya masama na tumingin ako sa kanya.

"Wag mo syang pansinin, palibhasa anak mayaman ang Aliparot nayan"
Bulong ko sa kanya. " Tara samahan moko sa kusina,mag luluto tayo nang binili naming sopas" dagdag kopa sabay hila sya papuntang kusina.

Masyadong masakit mag salita si nicholas, anak mayaman kasi eh, hindi nakikiramdam sa damdamin nang kasamahan nya! Sarap sunugin nang mansion nang Aliparot!.

Iniwan namin sina nicholas sa kusina,habang si milan ay nilalaro sa sofa si ced, nauna pa nyang buksan ang laruan si ced sa sobrang excited.
Si Nicholas naman ay nanonood sa tv nila, cable ata kasi malabo eh.

Pagpunta namin sa kusina ay sinimulan na naming ayusin ang lulutuin, hiwa here! Hiwa there! Hiwa hiwa everywhere!!.

"Ang dami nyo namang laruang binili zen, Baka masira lang ni ced yan" si benick habang nag hihiwa nang carrot.

"Ayus lang yan,saka para hindi mag isa yung bata, alam mo naman... Mahirap ang maging mag-isa lalo at walang magulang sa paligid" sagot ko naman habang naghihiwa rin sa tabi nya.

Naranasan ko na ang maiwan sa bahay nung bata ako, malungkot at sobrang hirap, bata palang ako nun pero naranasan kona agad ang magisa.

"K-kaya nga eh!" Mahinang sabi nya at narinig kopa ang buntong hininga dahilan para tingnan kosya. " Wala kasi akong pera, kailangan ko nang trabaho para pambili nang gatas, ako rin ang mag aalaga sa pag-uwi" dagdag pa nya.

Nakaramdam naman ako nang awa, mahirap talaga kapag mag isa mong binubuhay ang anak mo.

"Hindi ko nga alam kung bakit iniwan nya ako, siguro ayaw nya sakin, mahirap lang ako, wala akong trabaho, ang hirap mag isa zen-" putol nya habang naiiyak na. " Gusto kong marinig ang dahilan nya kung bakit nya ako iniwan.... Nahihirapan nako zen, natatakot ako"

Dahil sa sinabi nya ay mabilis na niyakap ko sya at nakaramdam nang awa, bakit ganun? Hindi manlang sya nag mamakaawa nun nung nasa Section A ako. Bakit hindi sya agad humihingi nang tulong?.

"Shh ok lang yan, babalik yun, baka may ginagawa lang sya, basta tandaan mo nandito lang ako ha, ready kaming lahat tumulong" 

Sabihan nyo na akong pakielamera pero... Kaibigan ko din si Benick, section A sya, section kung saan nakakuha ulit ako nang mga tunay na kaibigan. Kaya gagawa rin ako nang paraan para tulungan nila ako.

Mabilis na humiwalay sakin si benick at pinunasan ang luha nya, naawa ako sa kanya, matalino sya,bagay na bagay sa sa opisina pero masyadong bata pa kami.

"Ano bayan! Naiyak tuloy ako!"

Parehas kaming natawa at nagsimula nang mag luto, kainis kasi!! Nasan na ba asawa ni benick! Isa! Ako papalit sayo kapag hindi ka dumating!!.

Nilagay namin sa bowl Ng sopas at isa isang nilagay sa sala. " Mauna kana! Hahaluin kolang to-" putol ko sabay bigay sa kanya nang tray na may mangkok" dalhin mo na ito dun kina aliparot, baka mag reklamo pato dun!"

Queen Of Section A |✓ Part One: Beginning (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon