MABIGAT... Sa bawat hakbang ko sa hallway ay Pabigat nang pabigat ang Pakiramdam ko. Mabilis ang tibok nang puso ko, Hindi ko alam kung tutuloy pa ba ako sa kanya.
Gising na sya
Iyun ang nasaisip ko, Simula nung sinabi sakin nang isang kumag na gising na si Nicholas sy mabilis na tumakbo ako doon at iniwanan si kole. Hindi ko na alam Ang gagawin ko kaya Tumakbo nalang ako... Pero umurong ata ang paa ko dahil nang malapit na ako ... Bumagal ang paglakad ko Na parang ayaw kong tumuloy.
Pagdating ko sa harap ay nagtataka ako kung bakit wala akong naririnig na ingay mula sa loob. Nasan sina milan? Ang alam ko kasi dapat maingay sila dahil hindi naman ka layuan ang Pader dito.
Iiyak na ba ako?
Huminga ako nang malalim at Hinawakan ang doorknob. Hindi ko alam kung nasaan sina milan, Baka may pinuntahan pero alam kong alam na nya na gising na ang lalaki...... Suntukin ko kaya sya?.
"Tutuloy pa ba ako?" Bulong ko sa sarili ko habang nasa harap nang room. Parang Natatae na ko.
"Wag na kaya?" Sayang naman alaga ko kung Hindi pa ako tumuloy. Pumunta nga ako dito para alagaan sya tapos Aatras pako. Pinahipan ko lang sarili ko.
Wala nakong nagawa at bumuntong hininga. Unti unti kong binuksan ang
Pinto kasi Hindi ko kaya.... Never give up nga diba! pumunta ako dito para makita sya... Bakit ako aatras?.Nang tuluyan ko nang nabuksan ang pinto ay pumasok ako..... Parang umatras ang paa ko Nang tuluyan na akong makapasok. Namuo agad ang luha ko At Ready na ako humikbi.
"N-nicholas"
Nakaupo sya sa kama habang nakasandal, wala na din ang mga nakasaksak sa katawan nyang machine. Magulo nang konti ang buhok nya at nakatingin sa labas nang bintana kaya Kalahati nang mukha nya ang nakikita ko lamang.
Totoo nga
Gising na sya.
Mukhang narinig nya ang boses ko kaya kumunot ang noo nya at mabilis na lumingon sakin. Walang ekspresyon ang tumambad sakin.
Hindi kaya.
Hindi nya ako maalala.
"Nicholas" Nag iiba na boses ko habang nakatayo hindi kalayuan sa kanya. Namumuno na din luha ko pero pinipigilan ko lang. Hindi manlang sya nag react pero deretso syang nakatingin sakin.
"N-naalala mo ba ako?" Tanga man pakinggan, gusto kong makasigurado.
Malay mo Tawag ako nang tawag sa kanya pero hindi nya pala ako maalala.Pero... Hindi sya umimik, nakatingin lang sya sakin habang Seryoso ang mukha. Hindi ko na tuloy alam ang sasabihin At mapait na ngumiti. "Hindi?.... Ganun?..... Sayang"
Pinunasan ko ang luha ko.Tama nga ako... Hindi nya ako maalala. "Nag hintay lang ako sa wala" bulong kopa pero alam kong naririnig nya yun.
"Sige, Una nako... Wrong room lang pala " i lied. Umatras ako Sabay tumalikod, Unti unti akong naglakad sa pinto pero hahawakan ko sana ang doorknob nang matigilan ako...
"Of course I remembered you"
Sa narinig ko tuluyan nang Bumagsak ang luha ko. Napatakip ako nang bibig dahil nagsisimula nakong humikbi.
Putangina, Muntik nakong mag wala sa labas.
BINABASA MO ANG
Queen Of Section A |✓ Part One: Beginning (COMPLETED)
Jugendliteratur[C O M P L E T E D] Welcome to section A, section na puro lalaki at wala kang makikitang babae, section na puro away at gulo ang alam, section na misteryoso at madaming kalaban. pero mag babago ba sila kung dumating ang isang babaeng hindi nila ina...