CHAPTER 78

1K 44 5
                                    

ZENDAYA WESLEY POV


TULALA, kanina pako tulala dito sa desk ko, simula nang magkasagutan kami ni Nicholas ay sinanay ko ang sarili kong dumestansya, hindi ko alam na sumosobra na pala ata ako, Minsan akmang lalapit sya sakin pero nag dadahilan ako na madami akong gagawin.

Magandang balita rin!!! Nakapalabas na sila benick at ced sa hospital at kami na nina kole ang nag bayad nang bills nang bata, ganun nalang ang pwede naming itulong. Saka nahanap kona ang location ng asawa ni benick,pinahanap ko kay kuya ang pangalan kaya madaming nahagap.

Ako lang to!!!!

Habang nag kaklase ay ramdam ko din ang titig nang mga kumag sakin, minsan naririnig kong May nag bubulungan about sakin, hindi ko naman pinapansin dahil madaming iniisip pa utak ko.

Tapos aak----

"It's not over tonight, just give me one more chance to make it right, i make it through the night, I won't go home without you!"

Sa ilang oras na katahimikan ay mabilis na kinuha ko anh phone ko sa bag nang bigla itong mag ring, mapatingin lahat nang kumag sakin lalo na ang teacher namin sa unahan.

Unknown number

      Calling...

Kita ko sa phone ko, nahihiyang tumayo ako. Masama ang tingin sakin nang teacher naming babae kaya wala akong nagawa kungdi ang yumuko at tumayo sa harap nya.

"S-sorry po ma'am, sasagutin kolang po"

"It's ok Wesley, basta wag mo ulit uulitin yan sa gitna nang pag de-descussion ko" paalala nya sakin. Ngumiti naman ako at nag paalam na lumabas.

Mabilis na tumakbo ako sa hallway, hindi na ulit tumawag ang unknown kaya hindi nako nag abala pang bumalik ulit, nakakatamad kaya naman pupunta muna ako sa garden.

"Zen" napahinto ako sa pag lalakad nang tawagin ako nang pamilyar na boses sa likod ko.

Hays, heto na naman po tayo!!

Paglingon ko ay nakita ko si bellia habang nasa tabi nya si cloud. Nakatingin silang pareho sakin pero si bellia lang ang may ngisi sa labi. Tsk pangit neto!.

"Anong kailangan nyo?" Bored na tanong ko.

"Saan ka pupunta zen? Mag papakain nang anak mo?" Nakaka pang asar na tanong ni bellia sakin pero hindi ko pinakitanh napipikon ako.

"Bellia shut up!" Pag papapigil ni cloud pero ayaw mag paatonag nang malandi.

"Bakit? Talaga naman ah! Balita nang malandi ka daw dito, pati taga section A inasawa mo pa, tapos nilalandi mo sina Zachary at Nicholas" malakas na sabi pa nya sakin kaya taas kilay akong tumingin ako sakanya.

"Ah talaga? Hindi sana kakalat kungdi mo pinagkakalat! Wag kang bobo,.saka bakit ko lalandiin ang mga yun eh mga kaibigan ko yun! Ikaw ang malandi dito not me!" Sabat ko naman sa kanya. Bigla syang sumama ang tingin sakin kaya napangisi ako sa loob. Pikon na malandi!.

"Zen tama na" pag pipigil ni cloud kaya masama na tumingin ako sa kanya.

"Bakit ako? Dapat yang kasama mo pinapatigil mo! Putak nang putak kala mo kung sino!" Inis na sabi ko sa kanya, bigla namang naging maamo ang mukha nya pero hindi ko ito pinansin.

"Kasi nga malandi ka! Akalain mo yun, isang Wesley na kagaya mo MALANDI pala!! Tama nga ang sabi nang mama ko! Manang mana ka sa papa mong iba iba nang asawa!!"
Dahil sa sinabi nya ay hindi ako nakapag salita, ramdam kona agad ang bulungan sa paligid.

Queen Of Section A |✓ Part One: Beginning (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon