CHAPTER 90

954 38 3
                                    

A/N: HAPPY BIRTHDAY BABY MILAN!!!. 🎉🎊😘😎

No Gift No entry -- milan pogi:)

JOHN MILAN CARLION POV

"Saan ba kasi tayo pupunta? Nine naman ih, nagugutom nako!"

"Tumigil ka nga! makakapag-intay ang pagkain Milan!,Birthday mo diba? Syempre bago ang lahat kailangan nating magsimba at mag pasalamat, diba guys?!"

"Oo oo, tama"

"Oo nga! Para tumangkad ka naman!"

"Samba samba lang pag may time!"

"Maaga pa naman oh!"

"Kaya nga naman!! Maaga pa mag inom!"

Mga tarantado sila!! Kaaga aga ay dadalhin ako sa Quiapo na simbahan. Akala ko dati sabi nang papa ko hindi raw makakapasok sa simabahan ang masarang tao!....bakit nakapasok ako!!. .... Saka hindi ko alam ang pumasok sa utak nang mga kasama ko, Dati ayaw nilang mag simba pero ngayon...... Halatang makataong simbahan na silang lahat.

"Anong gagawin natin dito?" Makangusong tanong ko. Ano nga ba!!.

"Tanga lang milan" malakas na batok ang natanggap ko kay jacob kaya napaaray ako sa sakit. " Ano bang ginagawa sa simbahan? Sympre nag dadasal diba!.....  Anong Tingin mo dito? Inuman?" Sigaw nya sakin kaya masama na tiningnan ko sya.

Tinanong ko lang naman ha!! Malay ko bang prayer pala ganap sa Quiapo!.


"Kelan ba huling punta mo dito?" Tanong sakin nine na naka shades ngayon. Pogi ha! Sarap itapon.

Kelan nga ba?.

Hmm? Uhmm?.


"Hmm!, Siguro.... Mga..... seven years ago?..... Seven?..... Ahh!! Oo seven year na nga!!" Proud na sabi ko sa kanila. Oo nga pala!! Buti naalala kopa! Ha! Galing ko talaga!.

Pero.. nang tingnan ko silang lahat ay nakangiwi silang lahat sakin na parang may mali akong sinabi. Hah? Totoo naman ha, siguro kung hindi pako pumunta ngayon pang eight years kona hehehe. Dapat kasama ko si zen eh, kaso malimutan na nya birthday ko! Hindi na nya ako mahal! Sayang din sina mommy kaso nasa USA sila! Nagpadala Lang sila nang pera at regalo sakin.

Ok na rin!! Atleast may pangbili na dora!!.


"Seven years?" Malumanay na tanong ulit ni nine. "Kaya pala hindi ka pinagpapala nang papa lord natin! Kaya pala hanggang ngayon hindi nalaki utak mong bata ka!"
Panunura pa nya sakin kaya gusto kong umiyak!! Isusumbong ko yan kaya zen!! Huhuhu!!.

"Hays, tama na yan! Pumasok na tayo sa loob nang matapos na ang lahat at makabalik!"

Makabalik? Saan?

Mabilis na hinila nila ang damit ko at pumasok sa simbahan. Halos mapanganga ako sa hanga dahil sa laki nang loob nang simbahan! Nakita ko agad si Lord sa gitna kaya lalo akong natuwa. Seven years huling punta ko dito!! Grabe walang pagbabago!!!... Puno parin nang snatcher sa labas!.

"Grabe! Ang laki! Parang Puregold lang ha" natutuwang sabi ko nang makaupo kami sa upuan malapit sa gitna.

Bigla akong nagtaka kung bakit nakaluhod silang lahat sa parang foam na upuan. Lahat sila!! Ako lang nakaupo!!

Queen Of Section A |✓ Part One: Beginning (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon