CHAPTER 94

977 36 1
                                    

A/N:  Sorry late update!! Nabura kasi yung nagawa ko! I don't know why huhuh!!.... Cheer up guys 😊😎


ZENDAYA WESLEY POV

"Hindi nga pwede zen, Wag ka nang Makulit"


Napanguso akong napatingin kay kuya nang humindi sya sa gusto ko. Hindi pako napasok dahil maaga pa. Mag papractice lang naman kami sa ball dance event mamaya ay walang lecture at lesson na magaganap daw ngayon.



Nandito pako sa bahay dahil kinukulit ko si kuyang nakaupo sa sofa habang nanonood anong tv at nag kakape. Sa Sabado kasi ay wala akong gagawin at naisipan kong sumama at Dumalaw sa kompanya namin. Matagal nakong hindi nakakapunta doon simula nang last na bumalik si kuya sa japan.



Pero ang kuya ko....... Hindi ako payagan!!!.



"Kuya naman ih! Isama mona ako! Wala akong gagawin naman eh" pagpupumilit sa kanya habang inuuga uga ang balikat nya. Sa tv lang naman ang atensyon nya ay halatang hindi tinatablan sa ka-cutan ko!.



"Hindi nga pwede zen, kung gusto mo I will give my card to you and you can buy anything you want zen"
Pagkumbinsi naman nya sakin pero hindi ko parin tinanggap.



Anong bibilhin ko? Libro? Halos nabili kona lahat nang librong gusto ko sa pera ni daddy. Wala nakong balak bilhin!! Gusto kong pumunta sa kompanya namin!!.


"Kuya naman ih!! Parang hindi ka kapatid ah!! Isama mo na ako!! Please!!"


"Zen, wag ka nang Makulit!!"

"Kuya naman ihh!!"


Malakas ba napabuntong hininga si kuya at hinarap sakin, bakit ba ayaw nya? Huhuhu! Nakakatampo ha! Wala naman akong gagawin doon.


"Zen" hinawakan ni kuya ang balikat ko kaya napatingin ako sa sakanya. " Pagpunta ka sa company, Hindi kita mababantayan dahil sunod sunod ang Meeting namin, baka hindi kita maasikaso doon" mahabang paliwanag Nya sakin.


Napanguso naman ako. Kaya naman pala eh!, Hindi daw ako mababantayan! " Kuya, kaya ko sarili ko, saka nandun naman si gowon diba? Adi may kasama ako magala magala doon, saka ok lang saakin kung sa office moko! Basta Makapunta ako!" Parang batang sabi ko naman sa kanya kaya narinig ko ang mahinang tawa nya.



"Your so cute zen, I can't believe i have a little sister like you" i know!! Im the cutest little sister in wesley!!.


"But still no"

Isa lang ang masasabi ko. Hindi ako mahal ni kuya, hindi nya ako mahal. Hindi nya ako bati, parang hindi naman ako kapatid tratuhin ni kuya! Gusto ko nang magtampo.


"Pero papayag ako kung ipapasama kita sa ilang bodyguard ko, mahirap na zen, baka mawala ka"


Nagkamali ako, mahal pala ako nang kuya ko. Oo mahal na mahal ako nan. Syempre kapatid ako! Ako masusunod hahah.


"Talaga kuya!" Excited kong sabi sabay niyakap sya at pinanggigilan ang pisngi nya. " Yiee love you kuya! The best ka talaga!!" Dagdag ko sabay halik sa pisngi nya dahilan para matawa sya.

"Anything for my princess"


Buti nalang may kuya akong tulad nya, meron akong napapanood sa palabas na hindi nagkakasundo ang mga magkapatid lalo na kung ang isa ay anak sa iba. Nagpapasalamat nalang talaga ako dahil nagkaroon at natanggap ako ni kuya kahit sa iba akong anak. Sya nalang din ang meron ako.


Queen Of Section A |✓ Part One: Beginning (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon