𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 𝓞𝓷𝓮:College Days

2.2K 31 12
                                    

" Alfie! Alfie! Alfie!"

Malaki ang ngiti at itinaas niya ang palad sa nagkakaingay na mga estudyante. Inter school league ngayon at dinumog ang covered para sa game nila. Championship para sa basketball.

" Walanghiya, Soler! Walang kupas ka talaga sa mga fans."

Sabi ng kanyang teammate. Siya ang team captain ng basketball ball ng kanilang school.

" Last na ito kaya lulubusin ko na. Kailangan mag champion tayo. Sagot ko ang victory ball."

Sagot niya dahil huling taon na niya sa kolehiyo. Magsisimula na ang obligasyon niya sa kanilang kompanya. Siya ang panganay na lalaki, at ang kanyang Ate Tami ay nalinya sa cosmetic surgery.

" All right!"

Parang na inspired ang mga ito sa sinabi niya kaya malaki ang ngiti sa kanyang labi ng magsimula ang laro.Kailangan manalo ang kanilang team at tanghalin siyang MVP. At least hindi lang madaming girlfriend ang alala niya sa college days niya.

Nang magsimula ang laro,hindi magkamayaw ang mga fans nila sa pag cheer. At iyon ang naging inspirasyon ng kanilang team upang pagbutihin ang laro.

" Maiiuwi mo yata si Hestia."

Sabi ni Voltaire sa kanya na malakas na defense ng team nila dahil sa malaki itong tao. Ito ang madalas nasa ilalim at taga rebound ng bola. Samantalang kilala siyang three-pointer. Kaya malakas ang tilian sa kanya pag hawak niya ang bola.

"Shoot! At pwede ka din maka shoot sa akin!"

Mula sa crowd ay narinig nilang sigaw na umani ng malakas na kantiyawan. Lihim lang siyang napangiti.As usual, karaniwan na iyong sigaw sa kanya kapag hawak ang bola. Pinakawalan niya ang bola at hindi siya nabigo.

"I love you, Papa Alfie!"

Malakas na tili mula sa mga babaeng manonood.Sumulyap siya sa cheerleader ng kanilang campus.At alam niya ang ngiti nito.Alam na niya na hindi lang sa basketball ang score niya.

"Congrats team!"

Isa isa silang nag apir at binati ang mga ka teammates. Mapalad silang nanalo sa inter-school na liga na iyon.

" Ang pangako mo."

Pag papaalala sa kanya ng mga ito.

"I know. Let's hold it on our farm, this coming weekend. Open for everyone. Kahit mag invite kayo."

Nakangiti niyang baling sa mga ito.Hinanap ng mata si Hestia,ang cheerleader ng kanilang school campus.Nilapitan niya ito at personal na nilapitan.

"Please come to my party on Saturday."

Kininditan pa niya ito na matamis na ngumiti.

" I will."

Sabi nito kaya malaki ang ngiti niya na tinungo ang kanyang Ducati. Mas prepare niya iyon kaysa sports car na hilig ng kapatid na si Bassy. O kaya ng mga pinsan na Frias twins. Adamson and Louie.

" I should invite them too."

Iniisip pa lang niya ang party sa darating na Sabado ay masaya na siya. Babae at alak,masaya iyon sa tulad nilang binata. But he will try to pursue Hestia.Type niya iyon dahil maganda at achiever. She's confident too.

Kaya ng dumating ang sabado,hindi siya makapaniwala sa mga bisita na dumating.

"Yow, Soler. Napakaganda naman ng place mo."

Sabi ni Voltaire na nakatanaw sa lake.

"Pwede kang mag dive diyan mamaya pag nalasing ka.Pansamantala kong ikinulong ang alaga kong buwaya."

Nasa mukha nito ang pagkagulat na ikinatuwa niya.

" Just kidding!"

Natatawa niyang sabi na tinapik ito sa balikat. Hinarap niya ang mga bisita na ang iba ay nagtuloy sa floating platform na nasa lawa.

" Help yourself guys! And enjoy!"

Itinaas niya ang hawak na bote ng beer sa ere.

" Yes! Enjoy!"

Sagot ng mga ito. At ang sumunod na oras ay ginugol niya sa pakikipag sosyalan at pakikipag inuman. Patuloy pa din ang pagdating ng mga bisita na hindi na niya na trace kung sino.

Ang alam niya nag e enjoy siya sa party na iyon.

" Shot! shot! shot!"

Bukod sa malakas na cheer ay ang ingay ng mga ito sa paghampas ng kahoy na mesa. Magkaharap sila ni Voltaire sa tequila shots. At kung sino ang makauna ay naghihintay ang isang member ng cheerleading team.

" Patalo ka Voltaire!"

Sigaw nito na nasa dulo ng mesa. Itinukod nito ang braso and lean over. Pinasilay nito ang cleavage.

" Oh, la la!"

Komento ng mga nandun. At isang pilyong ngiti ang ibinigay niya dito.

" Ready, get set! Go!"

Simula ng laro at nagpaunahan sila ni Voltaire.

"Go! Go! Go!"

Cheer ng mga nasa paligid at sa sobrang kasiyahan ni Voltaire ay ito ang nanalo.He knows he likes that girl.

" Yes!"

Tumaas ang kamay nito sa ere at saka bumaling sa babae at hinalikan sa harap nila.

" Good, job!"

Pumapalakpak niyang sabi. Ginala niya ang tingin, pero wala si Hestia. Ipinag kibit balikat na lang niya iyon.

" Maybe she has an emergency."

Aniya sa sarili at iginala ang paningin sa mga bisita. Lumapit siya sa isang babae na alam niyang kanina pa nakatingin sa kanya. Lumapit siya dito at binigyan ng charming na ngiti.

" Hi."

Bati niya dito na agad na ibinibigay ang atensyon sa kanya.

"I'm Alfie."

Pakilala niya na mahina itong natawa.

" Everybody knows you, Mister Soler."

Humawak ito sa kanyang braso. At pinaglandas ang daliri. Hinabol niya ng tingin ang kamay nito. Her nails were done in red color nail polish. Naging mas maputi tuloy ang kamay nito.

" I don't understand why you lose. Your family owns a wine factory."

" It's a family business. But my cousin is in full management of a wine company. I'm more in the airline company."

Sabi niya at tinitigan ito.

" Is that so? But can you guess this wine?"

Kumikislap ang mga mata nito na itinaas ang isang bote ng alak na alam niyang vintage.

" Let me taste it. And I can tell you."

Sabi niya at inilahad sa harap nito ang hawak niyang wine glass. She pours a glass of wine. Sinipat niya iyon at bahagyang inalog saka uminom.

"It's good."

Nakangiti niyang sabi at mas kumislap ang mga mata nito.

" Let's finish this then."

Sabi nito na pinagbigyan niya. Pero hindi pa sila nagtatagal ay may humatak na sa kanya upang sa mga ito naman makisalamuha.

" I will see you around."

Kumindat siya sa babae at tumayo. At iyon ang ginawa niya hanggang ng paglalim ng gabi ang lalong pagka buhay ng party. Nagsimula na ang maharot na tugtugan at sayawan. Ang iba ay naka panlangoy at nagtutulakan sa floating platform.

Hindi lang ang party ang mas nabuhay. Maging ang kanyang katawan ay nakakaramdam ng kakaiba. Hindi niya gusto ang init na nararamdaman.

" Damn it!"

Mura niya lalo na ng halos hindi niya na makilala ang mga tao na nasa paligid niya.

A/N: Pasilip lang kay Alfie. Connected siya sa story ni Bassy😊. At gusto ko ang font, na exite ako.😅

𝓗𝓸𝓻𝓷𝔂 𝓟𝓵𝓪𝔂𝓫𝓸𝔂: 𝓐𝓵𝓯𝓲𝓮 𝓢𝓸𝓵𝓮𝓻Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon