𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 28: Secret

547 23 10
                                    

" Ano hindi pa din ba?" tanong niya kay Dahlia na kinukulit niya na naman.

" Don't distract me, Alfie please." pakiusap nito sa kanya na bahagya lang siyang tinapunan ng tingin.

Abala ito sa pag decorate ng bagong unit nina Bassy. Darating na ang dalawa kaya minamadali nito ang lahat. Fully furnished na ang penthouse ang mag asawa na lang ang kulang. Mga maliliit na detalye na lang ang ginagawa ng dalaga. Tulad ng mga vase at painting na pinagkakaabalahan ni Dahlia ngayon.

"What makes you feel undecided, ba?" tanong niya sa dalaga na pilit umiiwas ng tingin sa kanya.

" Pag may lakas ng loob na akong kausapin ang pamilya ko. I need to ask for their approval." alam niya pagdadahilan lang ng dalaga iyon.

Gusto na niyang bumawi sa sama ng loob na naranasan nito noon.

" At saka hindi mo ba naiisip na mag asawa na ang magkapatid natin?Ano na lang ang iisipin ng parents natin?" hinarap na siya nito at pinameywangan.

" Eh di masaya! Isa lang ang balae nila."

" Pilisopo ka!" sagot nito na dinuro siya dibdib.

Hinuli niya ang kamay nito at saka dinala niya sa kanyang labi.

" I want to wake up every morning beside you, Dahlia." nakikiusap ang mata niya na nakatingin dito.

Binawi nito ang kamay at inirapan siya. " Hindi mo ako madadaan sa pa cute mo!"

" Anong kailangan mo para magkaroon ka ng lakas ng loob? Ang mabuntis ka?" tanong niya dito na sinamaan siya ng tingin.

" Wag kang magbibiro ng ganyan, Alfie."

"It's not possible, Dahlia. I did not use-"

" I get myself protected. Kaya pag gising mo wala
ako bumili ako ng pills okay? I did not go for a walk sa pharmacy ako galing." mabilis nitong putol sa kanya.

" Sayang! I was hoping pa naman magkaroon tayo ng baby made in Singapore."

" Asa ka!" pagtataray nito na pumunta sa water dispenser at kumuha ng tubig.

" Did you know, I am made in Switzerland? That's why my name is Alfie, from the Alps. And Ate Tami in Japan, her name is from the tatami bed they used." malaki ang ngiti niyang kwento kay Dahlia na nakatingin sa kanya.

" But Bassy and Mara our grandmother's name them. Nakasunod sa Lolo Simon Ibarra namin."
Hindi pa din nawawala ang kasiyahan niya at kislap ng mga mata.

" I'm excited to name our child, Dahlia." baling niya sa dalaga na hindi maitago ang amusement na nakatingin sa kanya.

" Pala desisyon ka, Alfie. Nagawa mo na ba ang pinagagawa ko sa iyo?" pag iiba nito ng usapan.

" I already arrange it with Nash. May chain of restaurant ang Mommy niya. At sa wine, Angelo will provide."

" Good! Gusto ko ng magpahinga." sabi nito na nagtuloy na sa pinto.

Sumunod naman siya dito at ng maramdaman na nakasunod siya ay hinarap siya nito.

" Saan ka pupunta?" tanong nito.

" Sasama sa iyo. Aakyat ng ligaw." Sabi niya na sinamahan ng kindat.

"Ang aga Alfie ha? Wala ako sa mood." Iningusan siya nito.

" Let's have lunch together then." Pagyaya nito dahil malapit na din naman magtanghalian.

" Hindi mo ako titigilan hanggang hindi ka napagbibigyan?" Nakataas kilay nitong tanong.

" Hindi." Tumaas taas pa ang kilay niya. Isang naiinis na ungol ang pinakawalan nito.

" Halika na." Sabi nito at nagtungo na ito sa elevator. Ngiting tagumpay naman siyang sumunod dito.

Dinala niya si Dahlia sa isang seafood restaurant.

"Alam mo ang favorite ko ha?" Sabi nito na iginala ang paningin.

" Ganun ako ka interesado sa iyo, Dahl."

Tiningnan siya nito na parang tinitimbang ang sarili.

" You behave as if you owe me something." himig biro nito, pero alam niyang pinipilit lang nitong ibahin ang usapan o itago ang nararamdaman.

" Kung alam mo lang, Dahlia kung gaano kalakas ang epekto mo sa buhay ko. It is mixed emotions, but one thing I am sure of. I will make you mine. Gagawin kitang Asawa at mamahalin ng buong puso at kaluluwa." seryoso niyang sabi. Umawang ang labi nito at nag aapuhap ng sasabihin.

" Tindi mo, Alfie!" maya maya ay sabi nito na umiling iling pa.

" Matindi kasi ang tama mo sa akin. Nakuha mo ako sa, 'is it like this? Masarap?" sabi niya na kumindat. Nagtatanong ang mata nitong nakatingin sa kanya.

" Secret!" mahina siyang tumawa.

Tumahimik lang si Dahlia at tiningnan ang menu. Matapos na mag order ay muli siyang hinarap.

" I also have a secret, Alfie. Pag may lakas ng loob na akong sabihin sa iyo. At handa na akong tanggapin ang lahat. I might consider being in a relationship with you." sabi nito na hindi makatingin sa kanya.

" Whatever it is, Dahlia. Nothing will change. Pipiliin at pipiliin kita."  inabot niya ang kamay nito at pinisil.

Mapait itong ngumiti.

"Sana nga, Alfie. Ganun kadali."

"I swear to God! I will never let you go again, Dahlia." mas humigpit ang hawak niya sa kamay nito.

Nagtatanong ang mga mata nitong nakatingin sa kanya na biglang naglaho ng dumating ang order nila.

" Oh, I'm starving." sabi nito.

Napangiti naman siya at binitiwan ito saka hinayaan na kumain.

" I want to invite you to our farm." sa pagitan ng pagkain ay pag anyaya niya sa kaharap na magana kumain.

" Hindi ako pwede ng weekend. Umuuwi ako sa hacienda." sagot nito na bahagya lang siyang sinulyapan.

" At saka kailangan nating asikasuhin ang housewarming ni Heather at Bassy. I will invite Heather's friend at ikaw na ang bahala mag invite sa friends ng kapatid mo." pag papalala nito sa nalalapit na pag uwi ng bagong kasal.

"Well, kahit hindi mo i- invite ang horny playboys darating ang mga iyon. Excited silang alamin kung naka lusot ba si Bassy kay Heather." sinamahan niya ng tawa ang sinabi.

Umismid naman si Dahlia sa sinabi niya.

" Lokohin lang ni Bassy ang kapatid ko. Ikaw ang mananagot sa akin."

" Mapagmahal kami, Dahlia.Huwag kang mag alala. Mana kami sa tatay ko." pagmamalaki niya.

" At nagmana ako kay Mommy." mahina nitong bulong na nakarating sa pandinig niya. Dumaan sa mukha nito ang lungkot.

" Sana magkaroon ka ng time makapunta sa farm
namin."

Baka pagmakapunta ito ay maalala nito ang nakaraan. Saka niya aaminin dito ang lahat. Baka tanggapin na nito ang nangyari at makapag simula silang muli.

A/N: Almost there!
South Mawaleh
Muscat, Oman
5 May 2024
0200H

𝓗𝓸𝓻𝓷𝔂 𝓟𝓵𝓪𝔂𝓫𝓸𝔂: 𝓐𝓵𝓯𝓲𝓮 𝓢𝓸𝓵𝓮𝓻Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon