𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 𝓣𝔀𝓮𝓵𝓿𝓮 Unexpected Call

414 16 4
                                    

Kumunot ang noo niya ng makita ang numero na tumatawag.

"Hello." Mabilis niyang sinagot ang tawag dahil baka magbago ang isip nito. Narinig niya ang pag buntung hininga nito bago nagsalita.

" Can we meet?"  Tanong nito na nakapag pangiti sa kanya.

" Pag iisipan ko." Sagot niya. He heard her groans of annoyance.

" Mr. Soler! We have to talk about the arranged marriage that you proposed." Hindi nito maitago ang inis sa tinig.  Mahina naman siyang natawa. For sure mas nagiging matingkad ang kulay ng mata nito. He is fascinated by how she has dark eyes in contrast to her fair complexion.

"Pag iisipan ko nga! I've been dying to hear you say my name, Dahlia. At pag nakipag kita ako sa iyo. I'm giving you a reason not to call me by my name.  Bukod kasi sa gwapo, macho at mayaman. May isa din akong salita.  And we agreed on three weeks." Paliwanag niya sa pagtanggi na makipag kita dito. Dalawang linggo pa lang kasi mula ng huli nilang usapan.

" At mayabang!" Dagdag nito na tinawanan lang niya.

" But still, may isang salita. At proud ako na pag sinabi kung gusto kita! Gusto talaga kita-"

" Shut up!" Putol niya sa sasabihin niya na parang inis na inis.

" Come and see me, Alfie! Masaya ka na?" sabi nito na mas nakapag pagngiti sa kanya.

" Madali din akong kausap. Sure! I'm on my way." agad niyang sagot. Nawala naman agad ito sa kabilang linya.

" Ang ikli ng pasensya talaga sa mga gwapo." masaya niyang sabi na agad nag komento si Louie.

" Malapit na akong maniwala kay Skye na kailangan mo ng appointment sa psychiatrist."
Inabot nito sa kanya ang baso ng brandy.

Dahil wala si Adamson, sa kakambal naman nito siya naglalagi. Hindi sila identical twins pero napaka laki ng pagkakahawig. Lalo na sa hilig sa babae. Anyway, lahat naman sila. Lalo na noon ngayon lang siya nag lie low dahil, kay Dahlia.

" Tsk. Nakatagpo lang ng nagpapasaya, baliw na?" aniya na inisang lagok ang nasa baso.

" Bibigyan ko ng trabaho ang Sikorsky mo." patungkol sa luxury helicopter nito na naka himpil sa helipad ng bahay bakasyunan nito sa labas ng Maynila.

" What?!" awang ang labi nitong sabi pero tumayo na siya.

" You will pilot or me?" tanong niya na mabilis itong sumagot.

" Of course me!"

" Good! Let's go. Ayaw kong maghintay si Dahlia." tagumpay niyang sabi at nagpatiuna ng pumunta sa helipad nito na nasa rooftop ng villa nito. Narinig niya ang mahina nitong pagmumura na inignora niya.

" Ipakuha ko na lang ang car ko sa susunod na araw." sabi niya kay Louie na nakasunod sa kanya.

" Siguraduhin mong ipa pakuha mo agad. Kung matagalan sa junk shop mo na iyon makikita."banta nito na tinawanan lang niya.

" Ang init ng ulo. May ipa pakilala ako sa iyo mamaya. Malay mo siya ang magpapasaya sa iyo." tinapik pa niya sa balikat si Louie lalong nalukot ang gwapo nitong mukha.

" Masaya na ako, Alfie. Baka ang ibig mong sabihin eh mag papa wala sa sarili.  Katulad ng pinaggagawa mo ngayon." halata pa din ang inis nito. Naiintindihan naman niya ito. Kadarating lang nito mula sa Brazil dahil sa obligasyon nito sa kompanya ng ama. At alam niya kaya ito nasa bahay bakasyunan ay para magpahinga. Iyon din naman ang plano niya kaya siya nandito. Hindi naman niya akalain na ang three weeks na palugit ni Dahlia ay maging dalawang linggo.

" I will not ask you to understand me. Dahil hindi mo ako maiintindihan. Pero Louie, para siyang magnet na gusto kong madikit sa kanya." sabi niya na sinamahan ng matamis na ngiti.

Narinig niya ang pagpalatak ni Louie.

" Tsk, baka isang tikim mo lang wala na ang interes mong iyan. Ilang babae na ba ang dumikit sa iyo, Alfie ha?" tumaas pa ang kilay nitong sabi. Asar talaga sa kanya. Pero kahit may source siya ng helicopter ay ito ang pinakamabilis na paraan para makarating, kay Dahlia. Kaya tanggapin na lang niya ang sumpong ni Louie.

" Madami. But I can feel she's different. Malakas ang hatak niya sa sistema ko, Louie." pinaseryoso niya ang tinig. Nagpawala na lang ng malalim na buntong hininga si Louie.

" Okay, let's meet this Dahlia of yours." pagsuko nito at lumulan na sila sa luxury helicopter nito.

" She's not mine yet. But she will be mine. I will make sure of that." aniya na muling sumilay ang ngiti sa kanyang labi sa isipin na magiging kanya si Dahlia.

" Tsk, I wonder what's her difference among the women you bedded." ani Louie na parang mas tumindi ang kuryusidad nito kay Dahlia.

" Ayaw niya sa akin." diretsahan niyang sagot. Dahil iyon naman ang totoo. Pinaka unang babae na ayaw sa kanya. Kung ang iba ay humahabol sa kanya. Si Dahlia ay pinagtutulakan siya palayo.

Noon na natawa si Louie sa narinig sa kanya.

" May umaayaw pala sa isang Alfie Soler." komento nito na naiiling pa.

" Siya lang. Pero I will try my best to make her fall in love with me." lihim siyang napamura sa sinabi. Lumakas ang tibok ng kanyang dibdib.

" Love?"

He heard Louie snorted.

" Are you scared? May sapi ka yata ngayon, Alfie. Umaalingasaw ang pagkabalisa mo."dagdag nito na nakangisi na bahagya siyang nilingon.

" Palit na lang tayo, I will be the one to pilot." aniya na sinimulan na ni Louie paandarin ang luxury helicopter nito.

" Why don't you admit it, Alfie? You became uneasy, hindi dahil ako ang pilot mo. Kundi lumabas sa bibig mo ang salitang mahal. Nagmamahal na ba ang isang Alfie Soler na tirador ng mga kulot na babae?" tanong nito at swabe na pinalipad ang helicopter. Pareho silang natawa sa huling sinabi nito.

" There is a story behind the curly hair I bedded." maikli lang niyang sabi patungkol sa pagiging attracted niya sa mga babaeng kulot ang buhok.

" Dahlia is not curly. And I'm also surprised that I felt a strong attraction to her. Hindi pa man pagmamahal, pero papunta na yata doon, Louie." seryoso niyang sabi na hindi tumitingin sa pinsan. Ayaw niyang makita ang nakakaloko nitong ngiti.

" I'm happy to hear that, Alfie. Baka panahon na para hindi naman kulot ang maikama mo." komento nito. Tanging ngiti lang ang sagot niya sa pinsan.

A/N: Hindi pala na published. ✌️
Feb. 20, 2024
AfH
Muscat, Oman.

𝓗𝓸𝓻𝓷𝔂 𝓟𝓵𝓪𝔂𝓫𝓸𝔂: 𝓐𝓵𝓯𝓲𝓮 𝓢𝓸𝓵𝓮𝓻Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon