𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 36: The result

447 27 6
                                    

" Danson, available na ba ang pina follow up ko sa iyo na laboratory results?" tanong niya sa kanyang secretary pagkatapos ng board meeting.

Masyado siyang occupied ng paternity test dahil gusto na niyang aminin kay Dahlia ang totoo. Nais din niyang mag propose sa dalaga sa birthday ni Dylan na gaganapin sa susunod na linggo.

" Nasa table na po ninyo, Sir."

Pagkarinig noon ay mas nilakihan niya ang mga hakbang. Hindi na niya nagawang umupo. Agad niyang dinampot ang envelope ng makita ang logo ng laboratory na pinagawan niya ng paternity test nila ni Dylan na lingid sa kaalaman ni Dahlia. Ang magulang ni Dahlia at pamilya niya lang ang nakakaalam.

Pakiramdam niya nakainom siya ng isang drum na kape kaya sumubra ang kanyang palpitation.

" Damn it!" Mahina niyang mura ng halos mabingi siya sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib.

At ng makita niya ang resulta ay parang tumigil ang lahat. Ang oras, ang ingay, maging ang kanyang paghinga.

" How come it's not me?" mahina niyang bulong na muling pinasadahan ng tingin ang laboratory result.

Hindi sila match ni Dylan! Hindi siya ang ama! Hindi si Dahlia ang babae noon?

Hinamig niya ang sarili saka naupo sa kanyang swivel chair. Dinampot niya ang picture frame ni Dahlia na kinuha niya sa hacienda Daleon.

Parang may dumakot sa puso niya na matigas na bakal at nasasaktan siya! Nasasaktan siya para kay Dahlia at Dylan! Akala niya maitatama niya ang pagkakamali nila noon at may pagkakataon na siyang bumawi.

Akala niya magiging kompleto na si Dahlia at Dylan kung malalaman ng mga ito na siya talaga ang totoo ama ni Dylan.

Hanggang kailan na naman maghahanap si Dylan ng totoong Daddy?

" Shit!" napamura siya ng mapansin na napaluha na pala siya.

" Sir may bisita po kay-" hindi natuloy ni Danson ang sasabihin ng makita ang hitsura niya.

" Alfie." nag anggat siya ng mukha ng marinig ang tumawag sa kanya. Mabilis niyang inayos ang sarili saka binati ang bisita.

" Hello, po, Tito. Good afternoon Tita Mago." bati niya sa magulang ni Dahlia na kanya palang bisita.

" Have a seat. Pasensya na po sa nadatnan ninyo."
Hingi ng paumanhin at iginiya ang mga bisita sa sofa.

" Danson, please bring.."

" Don't bother, iho. Hindi kami magtatagal." pigil nito sa kanya. Tumango lang siya at naupo sa pang isahan na sofa habang magkatabi naman ang mag asawa sa mahabang sofa.

" Dumaan lang kami to ask you about the paternity test. May result na ba?" tanong ng ama
ni Dahlia na sa kamay niya nakatingin.

Noon niya narealize na hawak pa din niya ang papel. Muli niyang tiningnan iyon saka malungkot na bumuntung hininga. Inabot niya iyon sa ama ni Dahlia.

" It will not change anything. I am still Dylan's father and I want Dahlia to be my wife." sabi niya na napamaang ang mga magulang ni Dahlia.

" You love my daughter that much?" ang ina ni Dahlia ang nagtanong.

"I don't know how she does that. But she's holding my heart. I will never be the same without her. I really feel sad about them, sana ako na lang para hindi na maghanap ng totoong Daddy si Dylan. At hindi na sumagi sa isip ni Dahlia kahit kailan ang lalaki na iyon."

Nagkatinginan na lang ang mag asawa sa sinabi niya.

" Dahlia is still hesitating. Maybe she is still hoping she can cross paths again with Dylan's father. Kahit na gagawin ko ang lahat upang maging ama ng anak niya sa lahat ng aspeto. I can't change the fact that at some point in his life, he will look for his biological father. It will make his life complete. At hindi ako ang makakapag bigay noon." naihilamos niya ang palad sa mukha.  Saka pinisil ang tungki ng ilong para pigilan ang maiyak. Hindi niya akalain na makaramdam na ganito na parang helpless.

" Good thing Dahlia doesn't know about the paternity test." mahina sabi ng ama ni Dahlia na tumikhim.

" Yeah. But I was hoping that Dahlia would be happy if she found out It was me. At ako talaga ang Ama ni Dylan. Ang gusto Ko lang naman Maging masaya silang dalawa."

Saglit na namayani sa kanila ang katahimikan.

" Why not confess to Dahlia? Let's see what she will say. Simulan ninyon maging open sa isa't isa." payo ng ina ni Dahlia na sinangayunan nila.

" I will do that. This DNA result did not change the love I have for Dylan and Dahlia. Mas nakaramdam pa ako mas matinding damdamin that I have to protect them."

Nagkatinginan ang mga kaharap sa kanyang sinabi.

" I am planning to propose to Dahlia during Dylan's birthday. Humihingi po ako ng permiso sa inyo." magalang niyang paghingi ng kamay sa magulang ni Dahlia.

" We have nothing against it. But still, Dahlia will be the one to say yes." nakangiti na sabi ng ina ni Dahlia. Kumislap ang berde nitong mga mata at sumulyap sa asawa nito na hindi napigilan na mapangiti.

"Mago, don't look at me like that. I'm still lost in your eyes." reklamo ng asawa nito na tumayo na at inilahad ang palad sa asawa.

" Still in love?" biro nito.

" Nothing changed, my dear." anito at inakbayan ang asawa.

Nakatingin siya sa mga ito at naalala ang mga magulang kung gaano ka sweet din sa harapan nila.

" Confess everything to Dahlia, Alfie." bilin nito sa kanya.

" Yes po." magalang niyang sagot at saka inabot ang papel na galing sa laboratory at itinapon sa basurahan.

" Danson, I will leave early today." paalam niya sa secretary niya na tumango sa kanya.

" Are you okay, Sir?" tanong nito na tinapik niya lang sa balikat bilang sagot.

Susundin niya ang payo ng magulang ni Dahlia. He will confess to Dahlia everything.

Dumaan mula siya sa isang kilalang flower shop at bumili ng mga bulaklak. Isang bouquet ng bulaklak na dahlia ang napili niya. Dumain din siya sa toy store at ibinili ng laruan si Dylan.

Nandun ang kanyang matinding kaba sa magiging reaction ni Dahlia pero umaasa siya na maunawaan nito ang ginawa niyang pagkuha ng paternity test nila ng wala nitong pahintulot.

𝓗𝓸𝓻𝓷𝔂 𝓟𝓵𝓪𝔂𝓫𝓸𝔂: 𝓐𝓵𝓯𝓲𝓮 𝓢𝓸𝓵𝓮𝓻Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon