Pinaglipat lipat ni Dahlia ang tingin sa kanila ni Louie.
" Hindi siya si Bassy." agad niyang sabi sa dalaga upang kunin ang atensyon nito at sa kanya lang tumingin.
" I know." umirap pa ito sa kanya at parang nababagot na iminuwestra nitong maupo sila.
" He will leave. Di ba, Louie aalis ka na?" bumaling siya sa pinsan at dinaan sa tingin upang iwan silang mag isa ni Dahlia.
" Matapos mong gamitin ang Sikorsky ko ipagtabuyan mo ako? Masama ang ugali nito Dahlia. Kung manligaw sa iyo bastedin mo." walang pakisama nitong baling kay Dahlia. Hindi niya inaasahan ang pagngiti nito.
" Mabuti sinabi mo. Hindi yata siya aware na masama ang ugali niya." sabi nito na napamaang siya dahil sa friendly nitong pakikitungo kay Louie.
" Louie nga pala." pakilala ni Louie na inilahad ang palad na walang pagdadalawang isip na inabot niya Dahlia.
" Dahlia." pakilala nito kay Louie at nag palitan ang mga ito ng ngiti.
" Louie!" tawag niya sa pinsan na nilingon siya.
" Mag uusap kami ni Dahlia. Let's just meet at Angelo's bar." kung mapansin man ni Louie ang naiinis niyang tinig. Ipagpapasalamat niya.
" Well, baka bigwasan na ako ni Alfie kaya aalis na ako. Nice meeting you, Dahlia." charming pa din nitong paalam kay Dahlia na tinanguan naman nito at gumanti ng ngiti kay Louie na labis niyang ikinaiinis. Kung nais ni Louie na makabawi sa kanya ay tagumpay ito.
Paglabas nito ay agad na nagsalita si Dahlia.
" So, Heather agreed. And-."
" Kaya mo naman pala ngumiti sa lalaki. Akala ko ayaw mo sa lahat ng lalaki." putol niya sa sasabihin nito at padaskol na naupo. Hindi niya itinago ang inis na naramdaman.
" Depende sa kaharap kong lalaki!" sagot nito na masama ang tingin sa kanya.
" The likes of you I loathe, Alfie!" kumuyom ang palad nito. Tinawag nga siya sa pangalan ang pangit naman ng pangungusap nito.
" Why? Anong ang pagkakaiba ko sa ibang lalaki at partikular ang galit mo sa akin?" tumayo siya at humakbang palapit kay Dahlia na agad na umatras upang makalayo pero hinagip niya ang kamay nito at pinigilan na makalayo sa kanya.
" Itinatanong mo pa!" galit nitong sabi at ipiniksi ang braso pero hindi niya binitiwan.
" Oo, I'm asking you because I don't understand! Anong mali sa akin?" tanong niya dito at mas hinila ito palapit sa kanya. Dumikit ang katawan nito sa kanya at agad itong napasinghap.
" Let go of me, Alfie." pakiusap nito at pilit na kumakawala sa kanya. Pero hinapit pa niya ang beywang nito upang mas magdikit ang katawan nila.
" Not until you answered me. Bakit nagagawa mong ngumiti kay Louie at sa akin hindi?" ulit niya na yumukod upang mag lapit naman ang mukha niya. At hindi siya makapaniwala sa takot na nakita niya sa itim nitong mga mata.
" Dammit! Don't make me hate you more, Alfie." dinaan nito sa galit ang takot sa pagkaka lapit nila. Muli itong nagpilit na makawala at pinagbigyan niya ito.
" I don't want that, Dahlia. But if you hate me because I like you. Wala akong magagawa." nagkibit balikat siya at muling bumalik sa sofa at naupo. Maang naman na nakatingin si Dahlia sa kanya.
" Let's talk about the wedding of our siblings then." alok niya ng hindi ito magsalita saka iminuwestra ang upuan na maupo ito.
" Gaano na kadami ang babae na dumaan sa buhay mo?" sa halip tanong nito at siya naman ang napamaang. Nanatili itong nakatayo at humalukipkip.
" Hindi ko mabilang." sabi niya dito at agad naman itong umismid.
" See? That's why I hate the likes of you Alfie. Pinaglalaruan mo lang ang mga babae. Nagagalit ako sa iyo kasi gusto mo pa akong ibilang sa koleksiyon mo ng mga babae." galit nitong sabi at naupo na sa katapat niyang mesa na matalim ang tingin sa kanya.
" Dumaan lang sila sa buhay ko, Dahlia. But you, I want you to keep. I want you to stay. That's the difference!" madiin niyang sabi na deritsong nakatingin dito. Saglit lang itong natigilan pagkatapos ay umiling.
" You're a playboy. And you clearly admit it." inirapan pa siya nito.
" Well, hindi ka naman maniniwala. Pero sasabihin ko pa din. I only loved a woman once, but she's gone. I was with different women hoping I could feel the same feeling I felt for her but there was none. Until I saw you. You're name suits you, Dahlia, a flower and I am like a bee attracted to you." wala siyang inhibition na sabihin kay Dahlia ang nasa isip at puso niya.
" Let's forget about this, Alfie. Kalilimutan ko ang narinig ko sa iyo ngayon. Sana maging sapat na tinatawag kita sa iyong pangalan. Don't ask for more, dahil wala akong kayang ibigay." hindi niya alam pero nararamdaman niya ang lungkot nito.
He just let out a deep sigh. Hindi dahil payag siya at tanggap ang sinabi nito. Kundi gusto niyang bigyan ito ng break. Mukhang naging exhausted ito sa topic nila.
" Let's just talk about the wedding, then." pag iiba niya ng usapan na agad naman itong tumango.
" How much budget do you have for the wedding?" prangka nitong tanong sa kanya.
" Money is not the problem. Kahit magkano makasal lang silang dalawa." tumango si Dahlia at tumayo na.
" Okay, if that's the case I will hire the most expensive wedding planner. Kahit arranged lang ang kasal nila I still want it lavish." pahayag nito na sinang ayunan niya.
" Prepare the wedding as if it is your wedding." sabi niya na nakatingin kay Dahlia na bahagyang natigilan. Wala itong salita at kinuha ang folder sa ibabaw ng office table nito at inabot sa kanya.
" This is Heather's details. If Bassy wants to see Heather, let me know. Para ma arrange ko." bilin nito na tinanggap niya ang folder. Binuklat niya iyon at pinasadahan ng tingin.
" I wonder what Bassy will feel if he found out it's Heather." nakangiti niyang sabi at muling isinara niya ang folder.
" I hope none of them will run away."hindi sinasadya na lumabas sa bibig nito, dahil agad nitong itinikom ang bibig.
" Then tayo na lang ang magpakasal kung isa sa kanila ang mag back out. Especially we're planning to spend millions on this wedding, sayang naman." aniya na pinandilatan siya nito mata.
" That's the reason why I can smile at Louie at hindi sa iyo! Wala siyang interest sa akin and he's not making me uncomfortable, hindi katulad mo!"sabi nito sa naniningkit na mga mata.
" I have to go, I owe Louie a drink." mabilis niyang paalam bago pa madagdagan ang galit nito.
A/N: South Mawaleh, Muscat
Feb. 5, 2024 @ 1030pm
BINABASA MO ANG
𝓗𝓸𝓻𝓷𝔂 𝓟𝓵𝓪𝔂𝓫𝓸𝔂: 𝓐𝓵𝓯𝓲𝓮 𝓢𝓸𝓵𝓮𝓻
عاطفيةAng dahilan ng kanyang pagiging playboy ay ang pag asa niyang muling makaniig ang babaeng nagdala sa kanya ng masarap na alala na iyon. He is looking forward to making love with her again. The beautiful stranger he spent a magical night during his c...