𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 14 Meet the Family

433 19 4
                                    

" Why you're late?" agad na sita sa kanya ni Mara pagpasok niya ng kanilang mansion. Hindi niya inaasahan ang biglang pagtawag sa kaniya para sa family meeting daw.

" I am in the middle of the meeting. What is this urgent family meeting all about?" kunot niyang sabi habang niluluwagan ang kanyang necktie.

"Malalaman mo din." malaki ang ngiti na sabi ni Mara at hinawakan siya sa braso at dinala siya sa dining hall ng mansion.

Napamaang siya ng makita ang hindi inaasahan na bisita.

" They are Bassy's future in-laws." bulong ni Mara sa kanya at naupo sa bakanteng upuan.

" Hello, everyone!" malaki ang ngiti niyang bati sa mga bisita.

" My name is Alfie. My brother Bassy is the one who will marry  Heather ." pakilala niya sa mga ito dahil sa kanya nakatingin ang mga bisita.

" They know, Alfie. We request only the dinner so we can meet Heather." nakangiti na sabi ng kanyang ina na sumulyap kay Heather. Although she's wearing an oversized t-shirt and cargo pants.  She is still pretty.

" Don't worry about Bassy, Heather. Matutuwa iyon na ikaw ang bride niya." baling niya kay Heather na alam niyang napipilitan lang ito sa pagtitipon na iyon. Naalala pa niya ang panakaw na pag sulyap ni Bassy dito.

" So, they met already?" tanong ng kanyang ama na tinanguan niya.

" Yes, Papa. And Heather caught his attention." sumilay ang mapanukso niyang ngiti na tumingin kay Heather na tikom lang ang bibig.

" That's good.  Sabi ko nga sa kanila walang broken marriages sa pamilya natin. And Bassy promised us na paninindigan niya ang kasal niya." sabi ng kanyang ama na sinang ayunan niya.

" Of course, saka bagay na bagay sila ni Bassy." aniya na natatawa.

" Matigas ang ulo?" sa unang pagkakataon ay sabi ni Heather.

" Saka pasaway." dagdag niya.

" Heather, used to be sweet and gentle. She just changed because of what happened in our family that I can't discuss. Nangyari na iyon and what happened before, we can't undo it anymore. I hope this marriage will return Heather to what she used to be." sabi ng ina ni Heather na malungkot ang tinig. Habang nakatungo naman si Dahlia. Si Heather naman ay nagpawala ng buntong hininga.

" Wala din kaming hangad bilang magulang ni Bassy kundi maging maayos ang pagsasama nila ." sabi ng kanyang ina.

" They will be fine. May isang salita si Bassy. Heather is in good hands." iniisip na niya ang magiging reaksiyon ng kapatid. Napili na niya ang araw ng kasal ng mga ito.

" Kumusta na ang paghahanda sa kasal?" tanong ng kanyang ama.

" The venue, date, and entourage are already settled. Mga small details na lang ang kulang diba Dahlia?" tanong niya kay Dahlia na tahimik.

Nag angat ito ng tingin saka tumango. " Kami na po ang bahala sa preparation." saka tipid itong ngumiti.

" Kung may kailangan kayo, don't hesitate to ask help from us." sabi ng kanyang ina. Agad naman na nag volunteer si Mara.

" I will help, Dahlia. If you can't reach Alfie, just give me a call."

" Sure, I think you are the best person to ask opinions about flowers and bouquets." nakangiti nitong sabi na mas naging excited si Mara.

" Of course, I will help Heather choose a bouquet." pinagkikis pa ni Mara ang palad dahil sa excitement.

" I will leave everything to Dahlia. Prepare the wedding as if siya ang ikakasal. Bahala siya." sagot ni Heather na hindi kababakasan ng anuman na emosyon.

" That's what I told her." aniya na nakatingin kay Dahlia na puno ng paghanga. She is wearing a simple dress fit for the occasion. She's also wearing light makeup. Simple and elegant, iyon ang tamang description niya sa dalaga.

" Masyado nga kayong abala na parang kayo ang ikakasal." komento ni Heather na agad naman sinansala ni Dahlia at ama nito.

" Heather!" sabay nitong sabi at agad naman itong tumungo.

" Why don't you see the place, Heather? Mara, give her a tour around the house." utos ng kanyang ina kay Heather. Agad naman na tumayo si Heather at tipid na ngumiti sa kanila.

" Thank you. I'd love to see the place." bumaling ito ng tingin kay Mara na mabilis naman na tumayo. Hinabol na lang nila ng tingin ang mga ito na lumabas ng dining hall.

" I really hope they will get along." narinig niyang sabi ng kanyang ina. Alam niyang sina Heather at Bassy ang tinutukoy nito.

" Mama, Bassy is smitten by her. That's why when I learned about Heather looking for a groom. Si Bassy ang naisip ko." pagbibigay niya ng pag asa na mag work ang pagpapakasal ng dalawa.

" That's good to hear. Heather only needs a man who can charm her, para bumalik siya sa dati. Maniwala na hindi naman heartache lang ang dulot ng lalaki sa buhay ng babae." komento ng ama nito.

" She was heartbroken before?" hindi mapigilan ng ina niya na magtanong.

" No. It is because of me." si Dahlia ang sumagot sa mahinang tinig. Inabot nito ang baso ng tubig saka tipid na ngumiti.

" If you'll excuse me. Magpahangin lang ako." paalam nito at tumayo. Agad din siyang tumayo.

" I will give Dahlia a tour." paalam niya sa mga nasa hapag. Malaki ang hakbang na umagapay siya kay Dahlia na nagmamadali na lumabas ng mansion.

" I know the best place for you to relax." sabi niya dito nang makalapit sa dalaga na parang nag iba ang mood. Literal na nasira ang mood nito.

" Lead the way." sagot nito at binigyan siya ng daan. Pero hinawakan niya ito sa kamay at wala itong nagawa kundi sumunod sa kanya.

Hanggang makarating sila sa gazebo na may man-made lagoon. Madami doon na iba't ibang kulay ng koi fish.

" Kailangan talaga nakahawak kamay?" tanong nito at binawi ang palad na hawak pa din niya.

" Para ka kasing nawala sa sarili. I hold your hands to let you know that I am here. Ako ang nandito at hindi ang lalaki na nagbigay sa iyo ng pangit na karanasan na pati si Heather ay nadamay." sabi niya at naupo sa katapat na upuan nito para makita niya ang mukha nito.

" Kaya nga sumang ayon ako sa Papa about this arranged marriage for her para makabawi ako kahit papano. Vouched your brother he will not make Heather cry. Dahil ikaw ang mananagot sa akin!" banta nito at dinuro pa siya. Pero seryoso lang siyang nakamasid dito.

" Who broke your heart, Dahlia?" sa halip ay tanong niya. Gusto niyang malaman kung sino ang dahilan ng pagkasira nito ng tingin sa mga lalaki.

A/N: Ikaw ang dahilan, Alfie!
South Mawaleh, Muscat
Feb. 9, 2025 @ 9 am

𝓗𝓸𝓻𝓷𝔂 𝓟𝓵𝓪𝔂𝓫𝓸𝔂: 𝓐𝓵𝓯𝓲𝓮 𝓢𝓸𝓵𝓮𝓻Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon