𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 21: Sweet gesture

414 22 3
                                    

" What are you doing here?" kunot noo na tanong ni Dahlia ng mapagbukasan siya ng pinto ng penthouse nito. Sa Buenavista realty pala ito nakakuha ng unit.

Well, halos lahat ng condominium at subdivision pag aari ng mga Buenavista.

" Bakit bigla ka na lang umalis?" tanong niya na nakatitig dito. Masama kasi ang tingin sa kanya nito.

Inirapan siya nito. " Nakakaistorbo na ako. Saka wala naman akong plano magtagal sa condo mo noh?" nasa tinig nito ang inis.

" Matapos ng ginawa natin bigla ka na lang umalis?"

" Anong ginawa?" nanlalaki ang mata nitong tanong.

" Nakalimutan mo agad? Tapos yong naka one night stand mo hindi mo makalimutan. Dapat sigurdo pinatikim ko sa iyo ang-"

" Shut up!" pigil nito at tinakpan ang bibig niya ng palad nito. Naamoy niya tuloy ang mabango nitong hand cream.

Hinawakan niya ang braso nito at saka bahagya itong itinulak upang makapasok siya sa loob ng penthouse nito.

" Alfie, nakakainis ka!" angal nito sa kanya at binawi ang braso sa kanya.

" Ano ba ang ikinaiinis mo? Si Agnes ba?"
tanong niya na hindi inaalis ang mata sa mukha nito. Kaya kitang kita niya ang pagsimangot nito sa huling sinabi niya.

" Feeling mo naman!" pagtanggi nito at tinalikuran siya.

Sinundan niya ito na naupo sa leather sofa.

" Anong kailangan mo? Sabihin mo na at pupunta ako ng hacienda. Hinihintay ko lang ang sundo ko." anito na humalukipkip habang nakasimangot na nakatingin sa kanya.

" Sa hacienda nyo na lang natin pag usapan."

" No!" malakas nitong sabi. Napailing na lang siya. Dapat talaga pinatikim na niya ito ng malupit niyang talent. Para hindi na siya sungitan.

" Fine! My parents wanted to buy them a house. I want your insight."

" Mabuti naman. Baka mamaya araw araw na may pupunta na babae sa condo ni Bassy at guluhin si Heather."

" Tsk! Sabi na nga ba eh nag selos ka kay Agnes."
Malaki ang ngisi niya na pinandilatan siya ng mata.

" Playboy! Feeling nito ma fall ako sa iyo ng ganun ganun na lang? You just remind me of that man!" defensive nitong sabi at hindi nito napigilan ang lumabas sa bibig na agad kinagat ang labi.

Naningkit ang mga mata niya sa sinabi nito.

"Damn it, Dahlia! Don't compare me to him. He is an asshole and I am not." tiningnan niya ito ng matalim. Nakaka bad trip lang.

"I'm sorry." mahina nitong sabi. Ipinikit ang mga mata at bahagyang ipinilig ang ulo.

" I will make you forget him." mababa na at nakakaintindi ang kanyang tinig na ginagap ang palad nito at bahagyang pinisil.

Nagmulat ito ng mata at tumitig sa kanya ng ilang minuto.

" Your brown eyes."  parang sa sarili lang nito sabi pero naka abot sa tenga niya.

"The Spanish trait that I inherited from my grandfather." Sabi niya at hinaplos ang pisngi nito. Para kasi itong lutang at nangangarap.

Nagising ito sa ginawa niya at ipinilig ang ulo.

" Same as Dylan. " nakayuko nitong sabi.

" Who?"

" Wala." pagtanggi nito at muli siyang hinarap.
" Si Bassy na lang ang tanungin mo. Para silang mag asawa ang mag decide kung saan nila gustong tumira." 

" That's a good idea. But for sure Bassy will
prepare to buy a new house with his own money.  Pansamantala lang naman ito habang nagsisimula pa sila." aniya.

" Paano mo naman nasabi na ganun ang gusto ng kapatid mo, aber?"

" Kasi ganun kaming mga lalaki ng pamilya. Gusto namin itira at bumuo ng pamilya sa pera na pinaghirapan namin." sabi niya. Tumaas lang ang kilay nito.

" Akala ko para hindi ma trace ng ex ninyo ang bago ninyong bahay." sarkastiko nitong sabi na tinawanan lang niya.

" Tsk! Ipakilala kita kay Agnes minsan." suhestiyon niya na laking tanggi nito.

"Wag na!" tanggi nito na inirapan pa siya.

" Sige mag selos ka lang kay Agnes para patas tayo. Nag seselos din naman ako sa lalaking hindi mo makalimutan." pag amin niya dito.

Inirapan siya nito. " Hindi ako nagseselos." tanggi nito.

" Bakit ka umalis ng walang paalam?" tanong niya at sinisukat ang katapatan sa sinabi nito.

" Mag ano ba tayo para mag paalam ako? O kaya mag selos ako sa babae na bisita mo?" balik tanong nito na napataas ang kilay niya.

" We kissed Dahlia!" paalala niya dito.

" So? It's no big deal! Lasing lang ako kaya ko nasabi at nagawa ang mga bagay na iyon." madiin nitong sabi.

" Hindi ako lasing at hindi ko babawiin ang sinabi ko. Liligawan kita, hanggang maging akin ka Dahlia." pahayag niya ng damdamin dito.

Napabuga ito ng hangin at saka tumayo.

" Iwan ko sa iyo Alfie. Bahala ka sa buhay mo."

" Seryoso akong manliligaw sa iyo." sabi pa niya na malaki ang ngiti.

Umiling iling na lang ito saka iniba ang usapan.

" There is no problem with Heather. Kahit saan pwede siyang tumira. But I prefer kung malapit lang siya para alam ko kung magdadala ng babae ang kapatid mo sa bahay nila if Heather is not around."

"That's a good idea. Akong bahala, mas mabuti na magkapit bahay kayo para ma monitor mo silang pareho." hindi napigilan ang mapangiti dahil iniisip na niya na ang madalas niyang pagdalaw sa kapatid.

" Fine. Ako na ang bahala sa mga furniture and all." pagkatapos nito sa usapan saka tumingin sa kanya na nakikiusap.

" You have to leave, Alfie. May lakad ako."

Tumango siya at tumayo na.

" Okay, aalis na ako pero asahan mo na makikita mo ako lagi."tiningnan lang siya ni Dahlia na hindi niya alam ang nasa isip.

" Bye, Dahlia. Mag iingat ka." paalam niya na lumapit na sa pintuan.

" Alfie!" alanganin nitong tawag kaya muli siyang bumaling dito.

" Yes?"

"Is it really not a matter even if you are not my first?" alanganin nitong tanong.

" I will be your last and you will be my one and only. That is all that matters Dahlia." matamis siyang ngumiti sa dalaga na bahagyang napaawang ang mga labi.

" I once lost the woman who makes me feel complete. I was not okay for a long time. And, I feel the same for you, Kaya ayaw kong pakawalan ka Dahlia. Naranasan ko na ang mawalan ng babae na gusto kong mahalin at makasama. Pero hindi ko pa nararanasan ang makasama ang babae na mahal ko. Allow me to experience that. I promise you will not regret it." matamis siyang ngumiti at lumapit kay Dahlia na parang ipinako sa sahig.

He gives her a peck on her forehead and whispers.

" I really like you, Dahlia. I feel like you're my other half. You are the one who will complete me." banayad niya itong hinalikan sa labi na para naman itong namantanda.

𝓗𝓸𝓻𝓷𝔂 𝓟𝓵𝓪𝔂𝓫𝓸𝔂: 𝓐𝓵𝓯𝓲𝓮 𝓢𝓸𝓵𝓮𝓻Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon