𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 17: Kiss Me

390 18 4
                                    

" I wonder what will happen to their first night together." komento niya habang nakatingin sa bagong kasal.

Katabi niya si Dahlia na marahil nasa masayang okasyon at madaming tao sa paligid kaya civil ito sa kanya.

" Hindi katulad marahil ng karaniwang bagong kasal." seryoso nitong sagot habang nakatingin din sa bagong kasal.

" Hindi din naman normal ang pagsisimula nila. But seeing Bassy now, at ang panakaw nakaw niya ng tingin sa kapatid mo is a good start. Magmamahalan din sila. Like our parents." aniya at ininom ang hawak na champagne.

Ganundin si Dahlia na panaka nakang sumisimsim ng champagne sa kopita nito.

" They're beginning is far different from our parents. At iba si Heather, she's rebellious. It will take time for Bassy to get what he wants in Heather." nasa tinig ni Dahlia ang lungkot, marahil sinisisi na naman nito ang sarili.

" Bassy is up to the challenge. Lahat ng ito ay bago sa kanya kaya sigurado akong hindi niya susukuan ang kapatid mo." sa pagkakataon na iyon ay kay Dahlia siya nakatingin.

" Mukha ngang wala sa bokabolaryo ninyo ang sumuko." anito at inirapan siya. Isang ngiti naman ang ganti niya dito.

" Not in this lifetime I will let you lose, Dahlia."
simpatiko niyang sabi na pinagdiinan nito ang mapulang labi. Marahil para hindi makapag bitaw ng salita sa kanya na hindi maganda at madaming makarinig.

" You will, Alfie." nakipagtitigan ito sa kanya at parang binabasa ang sinseridad niya. Hindi siya kumurap man lang. Nais niyang malaman nito seryoso talaga siya sa kanyang nararamdaman.

" Are you that persistent because you want to take me to bed?"  Walang kakurap kurap nitong tanong sa kanya.

" Ganyan ba ang tingin mo sa akin?" ganting tanong niya sa dalaga na titig na titig sa kanya.

"Kung sasabihin kong let's do it. Para matapos na ang kuryosidad mo at tigilan mo ako. What you will do?" naghahamon nitong tanong sa kanya. He can see from her rosy cheek that she's drunk.

Ibinaba niya ang hawak na kopita na hinawakan ito sa mga palad.

" Halika na. Baka magbago ang isip mo." pagyaya niya sa dalaga na balak bawiin ang kamay pero hindi niya hinayaan.

" It's your idea. Don't dare chicken out, Miss Dahlia. Iisipin ko wala kang isang salita!" bulong niya dito. Gusto niyang matawa sa hitsura niya. She's so tense! Marahil doble ng nararamdaman nito nong nagaayos ng kasal ni Bassy at Heather.

Wala itong salita na pero ramdam niya ang panlalamig ng mga kamay nito na kanyang hawak at hindi niya binitiwan dahil baka tumakbo ito palayo.

" Mara, ikaw na ang bahala diyan. And Dahlia wants to get some fresh air. Ikaw na ang bahala to give some excuses, wag mo na kaming hanapin."
bilin niya kay Mara na kanyang tinawagan bago niya paandarin ang sasakyan.

Narinig pa niya ang nakakaloko niyong komento pero hindi niya pinansin. Gusto niyang masolo si Dahlia.

" Where are going to take me?" sa labas ng bintana ito nakatingin.

" Akong bahala. Just relax!" sabi niya na may nakakalokong ngiti sa mga labi. Kahit ang kanyang tinig ay punong puno ng panunukso.

" I want it done! You're getting on my nerves, Alfie." sabi nito na hindi pa din tumitingin sa kanya.

" Siguro nga. Para wala ng confusion. Ganito ba ako kasi hindi pa kita naikakama. At baka, pag narasanan mo ang init ng pagmamahal ko ay hanapin mo na ako. Ikaw naman ma adik sa akin." binuntutan niya ng tawa ang sinabi. Pero isang nakakainis na ungol lang ang sagot nito.

Pakiramdam niya ay nag travel siya overseas dahil sa inip na naramdaman bago makarating sa kanilang destinasyon.

" Welcome to my humble abode." aniya at iminuwestra ang kamay na pumasok ito sa loob.

Nagmamadali kasi siyang ma solo si Dahlia at ang condo niya ang pinakamalapit na pwede niyang pagdalhan dahil nasa sentro ito ng siyudad.

Inilibot nito ang tingin at dahan dahan na lumapit sa kaniyang sofa at naupo. Tumayo siya sa harapan nito at tiningnan itong mabuti. Ramdam niya ang tensyon nito kaya lumapit siya sa kanyang mini bar at nagsalin ng alak sa dalawang kopita.

" Here, take this para mawala ang tension mo."
agad naman nitong inabot ang kopita at mabilis na ininom.

" Easy!" natatawa niyang sabi.

" One more!" hiling nito at inabot sa kanya ang kopita. Sa halip na abutin ay tumayo siya kinuha ang bote ng alak at ipinatong sa center table.

" Wag kang magpakalasing baka hindi natin magawa ang plano natin." biro niya dito na pinapanood itong sunod sunod na nagsalin sa baso.

Hinarap siya nito na mas naging mapula ang pisngi dahil bahagya nitong tinapik.

" I'm so numb!" sabi nito na manga ang mga mata. Tinitigan lang niya ang dalaga na ngayon ay mahina ng tumatawa dahil sa kalasingan.

" But still pretty." papuri niya dito dahil iyon ng totoo.

Mula ng maglakad ito sa isle kanina ay hindi na niya ito hiniwalayan ng tingin.

" I'm sure I'm not the only pretty girl you have seen." sa pagkakataon na iyo ay nasa kanya ang atensyon nito at wala sa alak.

" Yeah, I have dated a lot of beautiful women." hindi niya pagtanggi sa karanasan niya sa mga babae.

" Tapos nagsawa ka na?" sumandal ito sa backrest at ipinikit ang mga mata.

" Wala sa kanila ang hinahanap ko."maikli niyang sagot na nakamasid pa din dito na nakapikit.

" At sa palagay mo nasa akin?" tanong nito na hindi nagmumulat ng mga mata.

" Lasing ka naman hindi mo siguro matatandaan ang sasabihin ko." sabi niya na katulad nito ay sumandal siya sa back rest. Pero sa halip na pumikit ay itinuon ang tingin sa chandelier.

Hindi ito nagsalita kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita.

" I met a girl before in college. I don't know her, never had a chance to know her name. Pero naramdaman ko sa kanya na kompleto ako. Siya lang sapat na. I want to do it again and again to her at hindi ako magsasawa, ganun na pakiramdam." hindi niya mapigilan na mapangiti sa isipin na iyon.

" I dated girls hoping I could have the same feeling I had with her but I couldn't. Until I saw you, Dahlia. Interesado ako sa iyo hindi dahil
gusto kitang ikama. Kundi tulad nito, you are just next to me and I'm contented. This past few days just seeing your face, and hearing your voice has been my source of comfort. Napapangiti mo alo kahit sinusungitan mo ako." nakangiti niyang sabi at nilingon si Dahlia na hindi niya akalain na nakatingin na sa kanya.

" Kiss me." utos nito sa kanya at inabot ang kanyang batok.

Sino ba naman siya para tumanggi?

A/N: Lintian nga😂
South Mawaleh
Muscat, Oman
March 7, 2024
1430H

𝓗𝓸𝓻𝓷𝔂 𝓟𝓵𝓪𝔂𝓫𝓸𝔂: 𝓐𝓵𝓯𝓲𝓮 𝓢𝓸𝓵𝓮𝓻Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon