" Dahlia, wait!" tawag niya kay Dahlia na nagmamadali maglakad.
She's wearing a bodycon black minidress with flesh-colored leather stiletto sandals. Pero halos hindi siya maka agapay sa bilis nitong maglakad.
" San ka pupunta? Kadarating mo lang ah." hinawakan niya ito sa braso bago pa makasakay ng elevator.
" Nagbago na ang isip ko. Gusto ko lang maging fair sa iyo. Sinamahan mo ako sa pamimili. Kaya balak kong samahan ka mag bar. Nawala sa isip ko na madali ka naman makakukuha ng kasama. Kaya babalik na lang ako." paliwanag nito na binawi ang braso.
" Pero ikaw ang gusto kong kasama, Dahlia. I mean, she's my cousin. Kapatid ni Louie."
Natigilan ito saglit at tumingin sa kanya. Itinaas niya ang kamay. " I swear! I'm not lying."
"Bumalik ka na doon may kasama ka naman. Magpapahinga na lang ako." sabi nito at tinalikuran siya.
Pero muli niyang inabot ang bisig nito at saka pinigilan na sumakay sa elevator.
" Nandito ka na. Besides, sayang naman ang bihis mo kung itutulog mo lang." aniya na pinasadahan ng may paghangang tingin ang kabuuan nito.
Tumingin si Dahlia sa kanya ng ilang minuto parang tinitimbang ang sarili.
" Okay." maigsi nitong sagot maya maya.
" Good. Hindi naman kita pababayaan." pagbibigay assurance niya at inalalayan niya ito pabalik sa rooftop bar.
" Tequila?" tanong niya kay Dahlia na nagpalinga linga. Tumango lang ito.
" Beautiful, isn't it?" tinabihan niya ito sa leather sofa habang nakatingin sa mailaw na siyudad.
" It is. Pero hindi ko naapreaciate ang ganda ng kahit anong lugar dahil sa naging karanasan ko."
mapait itong ngumiti na nakapagpatahimik sa kanya." Kahit nightlife wala ako. Literal na nawala ang kabataan ko." dugtong nito. Mataman niyang tinitigan si Dahlia na nakatingin pa din sa malayo.
"Do you blame him?" tanong niya, pero sa kalooban niya sinisisi niya ang sarili. Pero wala siya sa tamang pag iisip noon. Nagkataon lang talaga na tinamaan siya, kay Dahlia. Sa kainosentihan nito o kung anuman ang damdamin na binuhay nito noon.
" I'm not sure. Alam ko marami na siyang karanasan sana man lang pinaligpas na niya lang ako."
" I'm sorry." nasabi na lang niya saka pilit na ngumiti. " Di, ba sabi mo huwag na natin pag usapan ang nakaraan? Hindi na natin iyon pag uusapan. Hindi naman mahalaga ang nakaraan mo sa akin."
Tumingin si Dahlia sa kanya at hindi niya inilayo ang tingin dito. Walang namagitan na salita sa kanila. Nakatingin lang sila sa isa't isa.
" Your drinks, sir." naputol ang titigan nila ni Dahlia sa nagsalita.
" Thank you." pasalamat nito at inilapag sa kanila ang mamahalin na bote ng alak.
Nagsalin siya sa shot glass nila Dahlia.
" Leave the past behind." toast niya at iniangat ang kanyang shot glass na ipiningki ni Dahlia ang shot glass sa kanya.
" Leave the past behind." sabi nito at ininom ang tequila nito.
Pero hindi talaga mapagkakatiwalaan ang epekto ng alak sa isang tao. Dahil ng malasing si, Dahlia. Ang nakaraan nito ang bukam bibig.
BINABASA MO ANG
𝓗𝓸𝓻𝓷𝔂 𝓟𝓵𝓪𝔂𝓫𝓸𝔂: 𝓐𝓵𝓯𝓲𝓮 𝓢𝓸𝓵𝓮𝓻
Roman d'amourAng dahilan ng kanyang pagiging playboy ay ang pag asa niyang muling makaniig ang babaeng nagdala sa kanya ng masarap na alala na iyon. He is looking forward to making love with her again. The beautiful stranger he spent a magical night during his c...