"Hi." bati niya sa naka uniporme na katulong na nakita niya sa pasilyo.
" Magandang umaga po, Sir." Nakangiti nitong sabi.
"Pwede makahingi ng kape?"
" Sige po Sir, saan ninyo po gusto dalhin ang kape ninyo?" Tanong nito na napakamot siya sa ulo.
San nga ba?
" Sa likod bahay po Sir kadalasan silang nagkakape. Sa may garden po." Hindi nawawala ang ngiti na sabi sa kanya. Kaya tumango na lang.
" Sige doon na lang." Aniya at saka tinunton ang garden na sinasabi nito matapos na bigyan siya ng instruction.
Napangiti siya ng sumalubong sa kanya ang garden. "Mukhang masarap nga dito mag breakfast." Nagtuloy siya sa garden set na upuan na gawa sa rattan. Saka nagpalinga linga.
" What a cozy place." sabi niya sa sarili at naalala ang villa sa grape farm nila sa Spain.
Hindi nagtagal at isinerve na ng katulong ang mainit na kape sa harap niya.
" Thank you." Pasalamat niya at tumalikod na ito.
Sinilip niya ang mga emails sa kanyang cellphone habang nagkakape. Hanggang may maupo sa katapat niyang upuan.
Napatingin siya dito na mataman din nakatingin sa kanya. Napakunot siya ng noo. Napaka cute nito.
" Hello, handsome." Titig na titig ito sa kanya na nginitian niya.
" Who are you?" Tanong nito na parang pinag aaralan ang mukha niya.
"I'm Alfie. Alfie Soler." Pakilala niya na nakangiti. Iniisip niya kung ano ang kaugnayan nito sa mga Daleon.
" I'm Dylan. Bakit ka nandito? Ngayon lang kita nakita." Saka pinasadahan na naman siya ng tingin. Hindi niya mapigilan ang ma amuse dito.
" Dylan?" Ulit niya parang pamilyar ang pangalan nito.
" Yeah. Dylan."
Tumango tango siya at gustong abutin ang buhok nito.
" Ang dami mong paiiyakin na babae. Napaka gwapo mo." Komento niya na tinitigan pa din ito.
" Not in my plan. Ang mga babae minamahal, sabi ni Papa Ian ko." nagpout pa ito na mas nakapag palawak pa sa kanya ng ngiti.
"Ianthe? So you're Ianthe's son?" Tanong niya at ipinatong ang mga braso sa mesa at bahagyang dumukwang upang mas matingnan ito ng malapitan.
" No. He is not my real Papa. Pero sabi ni Papa Ian I can call him Papa. Hanggang wala pa akong papa." Sabi nito na ginawa siya kaya mas naging malapit sila sa isa't isa.
Kumunot ang noo niya lalo na ng makita niya sa mga mata nito ang lungkot.
" Oh! Where is your papa then?" Tanong niya at inabot ang ulo nito.
" I don't know. Naghahanap nga ako ng Papa eh. Pero ayaw ni Mommy sa mga elite." Sabi nito at pasimple na iniiwas ang ulo.
" Elite? Mga gwapo iyon ah. Ayaw ng mommy mo sa gwapo? Sino ba ang Mommy mo?" Tanong niya na parang lumilinaw ang mukha nito. His dark brown eyes, and his curly hair.
" Ang pinaka magandang babae sa balat ng lupa."
Nakangiti nitong sagot."Really?" Sabi niya na nakapag pangiti sa kanya ng maluwang.
"Yeah, my Mommy Dahlia." Sabi nito na halata sa tinig ang pagka proud sa ina.
Ang kanyang ngiti sa labi ay nawala. Napalitan iyon ng pagkabigla.
Mas tinitigan niya and batang kaharap.
" Damn!" Hindi niya napigilan na mura sa sarili.
" He has my eyes. And Dahlia's face and my mother's skin color." Pag analisa niya kay Dylan na nagtaka sa pagbabago ng kanyang reaksiyon.
" How old are you?" tanong niya at hinaplos niya ang pisngi nito na agad naman umiwas.
" Ayaw niya na hinawakan siya sa mukha." Tinig mula sa likod na agad nakapag patalon kay Dylan mula sa upuan at tumakbo sa nagsalita.
" Dadi Lo!" Sigaw nito at nilingon niya ang tinawag nitong Dadi Lo.
" Sir." bati niya sa bagong dating na masayang kinarga si Dylan. Tumango lang ito at saka hinarap ang bata.
" How's your stay in Highland Resort? Nag enjoy ka ba?" Tanong nito na halata ang kasiyahan sa apo.
" Yes, po. Dadi Lo. Pero wala akong makita na pwede kong maging Daddy. For sure Mommy will not like them. Lahat sila pogi, sabi ni Mommy ayaw niya ng pogi."
Natawa naman ang Lolo nito sa narinig sa apo.
" Don't tell to your Mom you are looking for a Daddy. She will feel sad."
Nakamasid lang siya kay Dylan na parang sinasakal ang kanyang puso.
" She will understand. Mommy is the best." Nakangiti nitong sabi.
" Pinuntahan mo na ba ang Mommy mo?" bahagya nitong hinawakan ang ulo ng apo na agad nanlaki ang mata.
"She's here? Wala siyang work?"
" There's an emergency kaya siya napauwi bigla. And-."
" I want to see Mommy."masaya nitong sabi at balak na tumakbo pero nahawakan niya sa balikat.
" I want to see your Mom also, Dylan. Gusto kong makita ang best mommy mo." sabi niya sa bata na saglit nag isip pagkatapos ay agad na pumayag.
" Okay, let's go. My mommy is the best and very pretty." Masaya nitong sabi at punong puno ng excitement.
Siya man ay excited na makaharap si Dahlia at alamin mula dito ang presence ni Dylan. Kung nagbunga ang gabing iyon at anak nila si Dylan. Hindi na niya patatagalin pa na malayo sa mag ina niya.
" Mommy!" tawag ni Dylan pagbukas ng silid ni Dahlia.
Sumalubong sa kanya ang mabangong amoy ng silid. Dumako ang tingin niya sa kama at kay Dahlia na nakahiga.
" Sshhh!" ani Dylan at saka mahinang humagikhik. Patingkayad itong naglakad para hindi makagawa ng ingay. Wala sa loob na ginaya niya ito. Ng mapalingon si Dylan sa kanya ay sabay silang napangiti sa isa't isa. Parang natunaw ang puso niya sa ngiti nito.
" I will surprised, Mommy." bulong nito na tinanguan niya.
Huminto siya sa paanan ng kama. Habang si Dylan ay dahan dahan na umakyat mula sa gilid kung saan nakaharap na patagilid si, Dahlia. Saka ito tumalon talon sa kama upang gisingin ang natutulog na ina.
" Good morning, Mommy!" sigaw ni Dylan na nakapag pamulat kay Dahlia.
" Dylan!" sabi nito saka hinawakan sa braso at hinila pahiga.
Malakas na tumawa ang bata ng kalungin ni Dahlia ng yakap at paghahalikan sa mukha. Nang magsawa ay kiniliti naman nito na mas nakapag pahagikhik ng tawa sa bata.
Parang pinipiga ang puso niya sa eksena.
" How I will make it up to both of you?" para lang sa sarili pero hindi niya akalain na maibubulalas niya.
" Alfie?"
" 'Pre?"
Sabay na baling ng mag ina sa kanya. Napaawang siya sa tinawag sa kanya na wala pa man DNA ay alam niyang anak nila ni Dahlia.
A/N: Dali ka na 'Pre ka ng panganay mo Alfie 😂
South Mawaleh
Muscat Oman
9 May 2024
0925H
BINABASA MO ANG
𝓗𝓸𝓻𝓷𝔂 𝓟𝓵𝓪𝔂𝓫𝓸𝔂: 𝓐𝓵𝓯𝓲𝓮 𝓢𝓸𝓵𝓮𝓻
RomanceAng dahilan ng kanyang pagiging playboy ay ang pag asa niyang muling makaniig ang babaeng nagdala sa kanya ng masarap na alala na iyon. He is looking forward to making love with her again. The beautiful stranger he spent a magical night during his c...