" You found her finally!" nagpalakpakan pa ang mga kaibigan sa kanyang harapan.
"Nagkaroon na ng mukha ang first love mo." tukso pa ni Adamson.
Hindi naman mawala ang kanyang ngisi sa kaligayahan na nararamdaman. Nakausap na din niya ang mga magulang at hinihintay lang niya ang paternity test nila ni Dylan.
" The long wait is over mga 'pre." Masaya niyang sabi.
" Nasa tamang landas na ba?" tanong ni Navin na malaki ang ngisi.
" Nasa tamang kandungan ang mas tamang term." Proud niyang sabi. Ang kasiyahan ay litaw sa kanyang magandang aura. Lalo na at nagsasama sila ni Dahlia at Dylan sa iisang bubong.
" We are happy for you, Alfie!" kanya kanyang tapik sa balikat ang mga ito. Mukha naman na sincere ang mga pagbati. Hindi alintana na nababawasan na ang meyembro ng kanilang Horny Playboy club.
" Thank you. Maghanda na kayo ng regalo sa kasal ko." Positibo niyang sabi. Hindi pa man nag imbita na siya.
" Pala desisyon." Sabi ni Bassy saka tumawa ng nakakaloko.
" Bakit? May chance bang mapurnada?" curious na tanong ni Alessandro.
" Walang alam ang pakakasalan niya." sagot ni Bassy na lumayo sa kanya dahil inambaan niya Ito ng suntok.
" Pambasag sa kaligayahan eh. Porke walang sex life." sumimangot ito sa sinabi niya.
" Doon na din naman ang punta namin. I'm just waiting for the paternity test." re assurance niya sa sarili.
" Alam ba niya na ikaw ang lalaki na kumuha ng kabataan niya?" tanong ni Louie.
" Hindi pa. Kapag may resulta na ang paternity test namin ni Dylan. I will tell her and I will ask her to marry me."
" Oh- oh! Kasalan ba talaga o bangkayan ang ending pag malaman niya?" tanong in Navin na tumaas pa ang sulok ng mga labi. Obvious tuloy na inaasar siya.
" Sino naman ang gugustuhin na maulila ang anak nila, aber?" taas kilay din niyang tanong.
" May punto siya." tumango tango pa si Adamson.
" How you will tell her anyway?" curious na tanong ni Louie.
" I will bring her to the cabin house. At mag propose ako. Doon kami nagsimula at doon pa din magsisimula ang buhay namin bilang isang pamilya." masaya niyang sabi.
" Planado na planado na pala eh. Good luck, bro." sabi ni Adamson at ipiningki sa shot glass niya ang hawak nitong shot glass.
" Thank you!" sabi niya at uminom. Tiningnan niya ang oras sa mamahaling relong pambisig.
" Enjoy the night guys. Uuwi na ako. I promise Dylan we will watch his favorite movie." paalam
niya sa mga kaharap na kanya kanyang komento. Ang iba nakakaintindi. At karamihan ay nang aasar." Ah, dumaan lang para ipagyabang ang status ng puso niya." sabi ni Louie na hindi na lang niya pinansin. Dahil totoo naman. Wala siyang pagsidlan ng kaligayahan kaya ibinahagi niya ang nararamdaman sa mga kaibigan. Kung pagyayabang ang tingin nila. Problema na nila iyon.
" Someday you will be in my shoes then you will understand me, Louie boy." sabi niya kay Louie at tinapik sa balikat.
Kasunod niyang tumayo si Bassy.
" Uwi na din ako." paalam nito na hindi pinigilan ng mga kaharap.
" Okay. Balitaan mo na lang kami kung may kasalan ba." pahabol ni Adamson sa kanya.
" Sure! Pahiram ng private Island mo para sa honeymoon namin." biro niya dito.
" Oo na." sagot nito at sumenyas na lumabas na siya.
Magaan ang loob na lumabas siya ng bar na halos malaki ang bahagi sa buhay binata niya. Nag iiba talaga ang prioridad ng tao, iyon ang napagtanto niya.
At ang pag uwi ng bahay na alam niyang may naghihintay sa kanya ay mas mag papa excite sa kanya higit pa sa sex escapade na pinagdaanan niya.
" Daddy!" sigaw ni Dylan pagbukas ng pinto. Parang hinihintay talaga siya.
" Hello, Kiddo." ganting bati niya at lumapit dito saka tinabihan sa sofa ang anak.
" O, why are you starting to watch without me?" tanong niya ng makita na nanood na ito ng movie.
"Akala ko hindi ka makakauwi ng maaga." si Dahlia ang sumagot at iniabot kay Dylan ang popcorn at naupo sa kabilang gilid nito.
"I made a promise to Dylan. At hindi ko sisirain iyon." sabi niya at hinagod ng tingin si Dahlia na naka cotton shorts at spaghetti strap.
He mouthed 'sexy'at kinindatan si Dahlia na agad humawak sa dibdib. Nahuli din niya ang panumula nito ng mukha.
" Dad, look!" kuha ng atensyon sa kanya ni Dylan. At dahil sa eksena na nakakatawa kaya sabay silang natawa.
" Now I know why that is your favorite." aniya at saka bahagyang ginulo ang kulot nitong buhok. Sumulyap siya kay Dahlia na sila pala ang pinapanood.
" Alam ko din kung ano ang paborito mong panoorin, Dahlia." nakangisi niyang sabi. Pero inirapan lang siya nito. Mahina siyang natawa at pa simpleng iniunat ang mga braso, diretso sa balikat ng dalaga at bahagyang pinisil. Hindi naman ito pumiksi.
" Favorite din ni Mommy ito. Di ba Mommy?" sabi ni Dylan na mabilis naman sumangayon si Dahlia.
"Favorite na nating lahat ito." sabi niya. Hinaplos haplos niya ang buhok ni Dylan na hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng comfort sa ginagawa.
" I wish I could turn back time Dylan. I want to see you when you were still a baby." wala sa loob niyang sabi na kinabig ang anak at isinandal sa kanyang dibdib.
" Bakit nga ba Daddy wala ka noong baby pa ako?" tanong ni Dylan na umayos ng higa. Umunan ito sa hita niya at ang mga binti naman ay nasa kandungan ni Dahlia.
" Natakot kasi ang Mommy mo mag asawa agad. She was still young when we had you." paliwanag niya na alam niyang convenient para sa kanila ni Dahlia ang dahilan na binigay niya.
"Well, since I'm a big boy now. Why not make a new baby na lang kayo ni Mommy?" Suhestiyon ni Dahlia na hindi niya mapigilan na humalakhak.
" Dylan!" sawata naman ni Dahlia sa anak.
" That's a good suggestion, Dylan. Anong gusto mong kapatid? Babae o lalaki?" tanong niya na inignora ang masamang tingin ni Dahlia.
" Hmm, boy na lang ulit." mabilis nitong sagot.
Malaki ang ngiti at sumasayaw ang kanyang mata sa kasiyahan na tumingin kay Dahlia.
" Agree ka ba, Dahlia?" tanong niya sa dalaga na hindi maitago ang pamumula ng mukha.
" Matulog na kayo. Enough watching movies." sa halip sabi nito at tumayo.
" Matulog ka na daw Dylan at gagawa na kami ng baby ni Mommy." sabi niya na sinadya niyang iparinig kay Dahlia na muli siyang hinarap.
" Alfie!" sigaw nito sa kanya na tinawanan niya. Hindi niya alam kung naiintindihan ni Dylan at sumabay din sa pag halakhak niya.
A/N: Hangggang Chapter 40 lang.🦾
South Mawaleh
Muscat, Oman
25 May 2024
0125H
![](https://img.wattpad.com/cover/328804588-288-k628299.jpg)
BINABASA MO ANG
𝓗𝓸𝓻𝓷𝔂 𝓟𝓵𝓪𝔂𝓫𝓸𝔂: 𝓐𝓵𝓯𝓲𝓮 𝓢𝓸𝓵𝓮𝓻
RomanceAng dahilan ng kanyang pagiging playboy ay ang pag asa niyang muling makaniig ang babaeng nagdala sa kanya ng masarap na alala na iyon. He is looking forward to making love with her again. The beautiful stranger he spent a magical night during his c...