"Mabuti pumayag ka na dito i celebrate ang birthday ni Dylan." nilapitan niya si Dahlia na nasa floating platform at nakamasid sa lawa habang may hawak ng baso ng champagne.
" Nag expect na ang pamilya mo. Besides, Dylan is also excited to meet your family." nilingon ni Dahlia ang anak na pinagkakaguluhan ng kanyang pamilya.
Naririnig pa niya ang masayang sabi ng kanyang ina na nakuha nito ang natural na kayumanggi nitong kulay.
"Why you did not tell them the DNA result?" sabi nito na sumimsim ng alak.
"He is mine so are you, Dahlia. Unless may plano kang hanapin ang tunay niyang tatay." tinitigan niya si Dahlia na sinalubong din ang kanyang tingin.
" Magseselos ka ba kung sasabihin kong 'oo'?" nakangiti nitong sabi saka pinaglandas ang hintuturo sa kanyang pisngi.
" Don't tease me, kung ayaw mong mawala tayo sa celebration ni Dylan." nakangisi niyang sabi na tinawanan lang ni Dahlia.
Balak siya nitong talikuran marahil para makaiwas sa kanyang planong pag flirt dito. Pero maagap niyang nahawakan ang braso nito. Sa pag harap nito sa kanya ay nabuhos ang laman ng champagne sa kanyang katawan.
" Oh my! I'm so sorry, Alfie." hingi nito ng paumanhin sa kanya na agad dinama ng palad ang kanyang polo na nabasa ng alak. Pinunasan pa nito ng palad ng kanyang damit na akala mo matutuyo nito sa ganung paraan.
"It's okay. Kasalanan ko." aniya at tumigil si Dahlia sa ginagawa at tumingin sa kanya. Saka inutusan siyang magpalit.
" Magpalit ka na. You're making me blush." sabi nito na umirap pero may ngiti sa mga labi.
" Wait for me here. May itatanong ako sa iyo pagbalik ko." bilin niya sa dalaga na tumango at ginantihan siya ng ngiti.
Nagtuloy siya sa loob ng cabin house pagkatapos kunin ang mga gamit sa trunk ng kanyang sasakyan.
" May gumagamit ng bathroom diyan. Iyong nasa taas ang gamitin mo." sabi ni Bassy na nasa sofa at katabi si Heather na malaki ang ngisi sa kanya habang abala sa pagkain ng prutas na ngayon lang niya nakita.
"Guess, I have no choice then." aniya na nagpawala ng buntung hininga.
"Hindi pa din ba maka move on?" malaki ang ngisi at may halong pang aasar na sabi ni Bassy.
"I only think of Dahlia. Si Dahlia lang ang nasa isip ko." Madiin niyang sagot habang paakyat sa hagdan.
"Eh bakit alanganin kang gamitin ang kwarto sa itaas?" nasa tinig ng kapatid ang pang aasar.
" I moved on!" sigaw niya na nagmamadali ng umakyat sa silid na kanyang ginamit noon.
Pagpasok niya saglit niyang iginala ang tingin sa buong silid at matapos ipatong sa kama ang damit na pamalit ay pumasok na siya sa banyo.
Hindi siya nagtagal sa banyo at lumabas siyang nakatapis lang ng tuwalya.
" Dahlia?!" gulat niyang sabi ng paglabas niya ng banyo nakatayo ang dalaga sa pinto malapit sa switch ng ilaw.
" What are you doing here? Mag start na ba ang party?" tanong niya ng hindi ito sumagot at gumala lang ang mata sa silid. Tumigil ang tingin nito sa kama.
Akma siyang lalapit ng magsalita ito.
" Lights on or lights off?" napakunot ang noo niya sa tanong nito. Kahit alas dos pa lang ng hapon kapag pinatay ang ilaw ay magdidilim ang silid dahil sa blackout curtains na floor to ceiling.
Hindi pa siya nakakasagot ng patayin nito ang ilaw. Nanatili lang siya sa pwesto niya dahil naramdaman niya ang paglalakad ni Dahlia palapit sa kanya.
"Bakit mo pinatay ang ilaw? Hindi tuloy kita makita." aniya at hinapit ang beywang nito ng maramdaman na nakalapit na sa kanya ang dalaga.
" I want to feel you, Alfie. Katulad noon." bulong nito sa tenga niya.
" Dahlia?!" lumakas ang tibok ng dibdib niya sa sinabi nito. Hindi niya pansin ang paglalakbay ng palad nito sa katawan niya.
" Make love to me again, sweetheart the way you did to me when you first had me in this room." muli nitong sabi na para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Nag doble ang tibok ang kanyang puso na para siyang nabibingi.
Alanganin man ay kumuwala siya sa yakap ni Dahlia at lumapit sa switch ng ilaw at binuksan iyon. Pag liwanag ng silid ay napako ang tingin niya kay Dahlia na nakatingin sa kanya.
" Ikaw yon?" tanong niya na parang sumisikip ang dibdib sa antisipasyon.
Tumango si Dahlia saka binuksan ang palad at tumambad ang kapares na hikaw na naiwan nito.
" Nasaan na ang kapares nito na naiwan ko dito, ha?" tanong nito. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman ng mga sandali na iyon. Mabilis siyang lumapit sa dalaga at mahigpit na niyakap ito.
" Oh, Dahlia!"ilang saglit silang magkayakap at kumawala siya at lumuhod sa harap ng dalaga.
"I'm so sorry Dahlia. Malaki ang nagawa kong pagkakamali. Sarili ko lang damdamin ang iniisip ko ng panahon na iyon.Hindi ko naisip ang outcome ng kapusukan ko. I'm so sorry. Patawarin mo ako. Babawi ako sa iyo at kay Dylan." hingi ng paumanhin niya sa dalaga na yumuko at pumantay sa kanya.
" Nakabawi na ako. Noong nalaman ko na ikaw pala iyon ang inis ko sa iyo ay dinaan ko na lang sa pagpapalit ng DNA result ni Dylan." anito saka ngumiti.
" At nakabawi ka na din dahil kahit na pinalabas kong di mo anak si Dylan ay willing ka pa din maging ama niya at hindi mo kami iniwan. Kaya hindi ko na pipigilan ang sarili kong nararamdaman." hinalikan niya si Dahlia ng madiin pero mabilis din kumawala at naghintay ng sasabihin nito.
" Thank you, sweetheart, I love you too." sabi niya na ikinulong sa mga palad ang mukha nito.
" Nag I love you na ba ako?" tanong nito na kunot noo. Dahil sa kanilang posisyon kita niya ang pagkislap ng mga mata nito.
" Hindi ba iyon ang sasabihin mo?" nakangiti niyang tanong. Alam niya nakikita ni Dahlia sa kanyang mata ang labis na kasiyahan niyang nararamdaman. Si Dylan ay anak niya! At si, Dahlia ang babae na noon pa lang ay minahal na niya!
Ngumiti ito at tulad niya ay sinapo din ng palad ang mukha niya at inilapit ang mukha nito sa kanya.
" Marry me, Alfie!" sabi nito na pinipigil ang luha sa kasiyahan.
" Sure! I will marry you now, my Dahlia." Hindi ito nagreklamo sa sinabi niya na pag aangkin sa dalaga sa halip ay hinalikan siya sa labi.
She did not say 'I love you' pero ramdam niya sa halik at yakap nito ang katumbas na pagmamahal niya sa dalaga.
A/N: Isang chapter na lang.
Thank you All🥰
BINABASA MO ANG
𝓗𝓸𝓻𝓷𝔂 𝓟𝓵𝓪𝔂𝓫𝓸𝔂: 𝓐𝓵𝓯𝓲𝓮 𝓢𝓸𝓵𝓮𝓻
Roman d'amourAng dahilan ng kanyang pagiging playboy ay ang pag asa niyang muling makaniig ang babaeng nagdala sa kanya ng masarap na alala na iyon. He is looking forward to making love with her again. The beautiful stranger he spent a magical night during his c...