𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 𝓢𝓲𝔁: Dahlia

768 26 6
                                    

" Alfie, you are late!"

Salubong sa kanya ng mga pinsan at kaibigan sa VIP room ng high-end bar na lagi nilang pinupuntahan. Agad niyang tiningnan si Bassy na abala sa pagkain nito.

" Bakit hindi ka dumaan sa opisina, Bassy? I asked Danson to tell you to come."

Puno ang bibig nito na sumagot sa kanya. Halata ang gutom nito sa sunod sunod na pagsubo. Naiiling na lang siya dito at tinapik ng bahagya sa balikat.

Nabitin ang kanyang sasabihin ng makita ang babae sa isang gilid. Sumilay ang ngiti niya ng makilala ang babae.

" Sam? Samantha del Mundo?"

Hindi niya maitago ang pagkagulat ng makita ang dalaga. Ilang beses na niya itong nakita pero kakaiba ito ngayon. Bago pa man may lumabas sa kanyang bibig ay tumayo na ito at lumapit sa kanya.

"Can we talk outside, Mr. Soler?"

Isang matamis na ngiti ang sumilay sa kanyang labi ng magtangis ang panga ni Adamson. Hinawakan niya ang kamay ni Samantha na nakahawak sa braso niya.

" Sure, sweetheart! Let's go outside."

Pagyaya niya dito at iginiya na ito palabas sa VIP room na okupado nilang mag p-pinsan. Binitiwan lang niya ito ng makarating sila sa bar counter.

" So, why the beautiful and seductress Samantha del Mundo became old-fashioned?"

Tanong niya habang sumenyas kay Angelo na nasa bar counter. Hindi nagtagal at inabutan siya nito ng scotch on the rock.

"It's Mrs. Frias's idea. And being like this is her only requirement. Advantage na din sa akin, because honestly, I wanted to be like this. Simple at hindi kumplikado. I don't want to deal with numerous indecent proposals from executives."

Mahabang paliwanag niya. At hindi niya napigilan na matawa ng malakas. Humalo sa malakas na musika ang halakhak niya.

" I knew it. Tita Ava got her way somehow. So, how's Adamson as a boss?"

Tanong niya dito na hindi maalis sa isip ang na bagong routine ni Adamson.

" Okay, lang."

Matipid nitong sabi. Bahagya niyang pinag aralan ang mukha nito.

" Kung hindi lang kita nakikita sa mga convention. Effective naman ang disguise mo. Pero ingat ka kay Adamson. May dahilan si Tita Ava why she prefers an old-fashioned lady. Mahilig iyon."

Sinamahan pa niya ang ngisi ang sinabi.

" Sobrang hilig naman niya kung pati ang tulad ko pag intresan niya."

Komento nito na inayos ang malaking salamin sa mata na alam niyang walang grado. Isang kakaibang ideya ang pumasok sa isip niya.

" Halika na. Bumalik na tayo doon. And we will find out kung gaano kahilig ang boss mo."

Tumayo na siya sa stoll at bumalik sila sa VIP room. Pag pasok pa lang nila ay nanunuri na ang tingin ni Adamson. He is grumpy at wala sa mood. Patunay ang salita na naabutan nila pagpasok nila.

" In love? I may be too horny, kahit hindi sexy kahit hindi maganda pinag iintresan ko na!"

Mukha naman na walang alam si Samantha sa sinabi ni Adamson. Nakatungo lang itong bumalik sa dati nitong pwesto.

" So, how did you know Miss del Mundo?"

Tanong agad ni Adamson sa kanya na hindi niya mapigilan ang paglapad ng kanyang ngiti sa madilim nitong aura.

" Isa sa mga babae na dumaan sa buhay ko."

Balewala niyang sagot na nagpatangis lalo ng bagang ni Adamson. Nasa mood yata siya upang magbiro. Kahit si Bassy na kanina lang ay nagpa init sa ulo niya. Dahilan upang pumunta siya dito sa bar ni Angelo kahit wala sana siyang plano.

Hindi niya akalain na babalik ito mula sa bathroom break na paalam nito. Kadalasan ay hindi na ito bumabalik dahil may isasama na ito sa kung saan.

Sa unang pagkakataon nakitataan niya ng tension ang kapatid ng tumabi dito ang babae na sige din biruin ni Luigi.

" Heather, pare. At hindi tayo talo."

Pakilala nito kay Bassy na umuwang ang mga labi. Wala itong ideya na bakas ang pagkabigla sa tinuruan ng dalaga. For sure, magugustuhan ni Bassy ang dalaga dahil sa malakas na charisma nito. Beautiful, confident, and strong type of personality.

" Bassy, narinig mo. Hindi kayo talo."

Biro niya sa kapatid na tinapunan siya ng masamang tingin. Gusto sana niyang biruin na dismayado ito, pero nanguna na si Luigi na asarin ang dalaga.

" Lalaki kasi ang subukan mo."

Panunukso pa ni Luigi. He knows Heather kaya nagagawa nitong kausapin at biruin. Mataman lang siyang nakikinig at pinapanood si Bassy na napapadalas ang pagkuyom ng palad.

" Tsk! Lalaki? May matino pa bang lalaki ngayon? Saka tigilan mo ako, Lui. Kahit I reto mo ako sa lahat ng alipores mo, ayaw ko! Sipa ang matitikman nila sa akin at hindi ako!"

Gigil nitong sabi. Tumiim ang anyo ni Bassy at sumulyap saglit sa dalaga. He's wondering if they met before.

" How about from horny playboy? Kulang ka lang sa himas ng lalaki, Heather."

Pang aasar pa muli ni Luigi. Hindi nila mapigilan ang pag ngisi dahil sa naririnig at nakapanood nilang reaksiyon ni Bassy.

" Bwisit ka talagang lalaki ka!"

Malakas na natawa si Luigi dahil sa galit ni, Heather.

" You try, Heather. Baka iyon lang ang kulang sa iyo para maging babae ka ng tuluyan."

Muling sulsol pa ni Luigi.Tumaas ang kilay ng dalaga.

" Why not?"

Sabi ni Heather maya maya. Sa pagkakataon na iyon, tuluyan na tumingin si Bassy. Parang kulang na lang magtaas ng kamay para i presinta ang sarili.

" Wooh! That's good news. Matutuwa si Pareng Ian, niyan."

Napahampas pa sa armrest ng upuan si Luigi.

" Threesome. That's a good idea."

Nasamid si Bassy sa sagot ng dalaga na hindi nila mapigilan na magtawanan, kasi nanlaki pa ang mata nito sa sobrang gulat sa narinig.

" Masyado ka naman excited, Bassy. Gusto mo ba?"

Tinapik tapik ito ni Heather na hindi makapagsalita.

" Tatawagan ko na si Pareng Ian. Sabihin ko iuwi ka na at naghahanap ka ng threesome."

Natatawa pa din na sabi ni Luigi at dinukot ang cellphone at nag tipa ng mensahe. Muli itong humarap kay Heather na malaki pa din ang ngiti. Aliw na aliw ito kay Heather iyon ang nakikita niya.

" Just a hypothetical question, Heather. Sino ang gusto mong maka threesome sa mga lalaki dito?"

Tanong ni Luigi. Matapos igala ang paningin sa kanila ay itinuro nito si Bassy.

" Ito na lang mukhang willing."

Lalo siyang nasiyahan sa nakitang reaksiyon ni Bassy na napalunok laway.

" Bassy, minsan lang iyan."

Pukaw ni Luigi.

" For a change, Bro."

Pag approved niya at nag thumbs up katulad ng iba pang nasa silid dahil halata naman na interesado si Bassy sa dalaga.

Noon naman bumukas ang pinto ng VIP room. Pumasok si Angelo na may kasunod na babae.

" Hey, Dahlia."

Tumayo si Luigi at agad na binati ang bagong dating na nakatuon ang tingin kay, Heather. Natuon ang pansin niya sa dalaga nạ nakatayo malapit sa pinto.

" I'm here to take Heather."

Tinig nito napakalambing. Soft-spoken and very feminine. Sandali niyang pinagmasdan ang dalaga. She's tall, fair complexion contrast sa maitim nitong mahabang buhok.

" The goddess came."

Malakas na sabi ni Heather.

" Yeah! She is a goddess!"

Iyon ang nasa isip niya habang nakatingin sa dalaga na hindi sumulyap sa kahit isa sa kanila doon. Maliban kay Luigi at Heather.

𝓗𝓸𝓻𝓷𝔂 𝓟𝓵𝓪𝔂𝓫𝓸𝔂: 𝓐𝓵𝓯𝓲𝓮 𝓢𝓸𝓵𝓮𝓻Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon