" Something wrong, Alfie?"
Lumingon siya sa pinanggalingan ng tinig. Hindi niya alam na nakalapit na ang mga magulang. Ngumiti siya kahit na alam ng mga itong pilit lang iyon.
" Ma, Pa."
Lumapit ito sa kanya at saka siya tinapik sa balikat. Naupo ang mga ito sa upuan na nakaharap sa lawa. Ito ang cabin house na matagal ng nakatayo. Paglipas ng taon meron nagbabago para sa renovation. Pero malaki ang parte nito sa buong pamilya Soler.Kaya nanatili ito doon at nakagawian nilang puntahan kung gusto nilang mag isip o mapag isa.
Ang dating tirahan nila na nasa kabilang bahagi ay naging bahay bakasyunan na lang nila. Katabi ng glass house ng kaniyang Uncle Finn na si Angelo ang namamalagi ngayon.
" Hindi mo nakakalimutan pumunta dito kapag umuuwi tayo dito."
Ngumiti lang siya at hindi niya sinabi ang dahilan kung bakit lagi siyang pumupunta dito.
" May problema ba, Alfie?"
Tanong ng kanyang ina na sinusukat ang kanyang reaksiyon.
" Wala, Ma."
Matipid niyang sabi at ininom ang beer na napangiwi siya dahil nawala na ang lamig noon.
" Babae ba?"
Deritsong tanong ng kanyang ama. Tumawa siya ng mahina at hindi sumagot.
" I was like that with your mother."
Bumaling siya sa mga ito na naka hawak sa beywang ng kanyang ina ang kanyang ama.
" I search half of the globe to look for her. Kasi alam ko sa kanya lang ako sasaya."
Sumilay ang kuntento nịtong mga ngiti sa labi. At tama lang siguro na sabihin niya ang matagal na niyang itinatago sa dibdib. Nagpawala muna siya ng malalim na buntong hininga bago nagsalita.
"I don't know her. I just had one stand with her and that's it!"
Nagkatinginan ang kanyang mga magulang.
" And I didn't forget her since then."
Dugtong niya. Alam niya nababakas sa mukha niya ang lungkot.At hindi siya sigurado kung rational pa ba ang nararamadaman sa babae na minsan lang niyang nakasama.
" That's complicated. No name?"
Umiling siya.Kahit ang kabuan ng mukha nito ay blurred sa alala niya.Ang naramdaman lang niya sa piling nito ang hinahanap hanap niya.
" More complicated!"
Komento ng kanyang ama.
" Anak, until when you will wait?"
Napatingin siya sa kanyang ina na malungkot na nakatingin sa kanya.
" We've been there before, Kaya naiintindihan ka namin. And we know it's not easy. Pero sana subukan mong buksan ang puso mo sa iba. Baka may dahilan kung bakit hindi na kayo nagkita."
Saglit siyang natigilan.Iyon na nga ba ang kailangan niyang gawin?
"Did you do that Mama? Sinubukan mo bang kalimutan si Papa?"
Ang kanyang ina ang naisip niyang tanungin dahil kung ano ang sagot nito. Iisipin niyang ganun nga ang ginawa at nararamdaman ng babae na minsan niyag nakasama.
" Paano ko makakalimutan ang Papa mo? He gave me your Ate Tami as a reminder of him."
Parehong nagka tinginan ang mga magulang at ngumiti sa isa't isa at muli siyang hinarap.
" At magkaiba tayo ng sitwasyon, Alfie. Hindi kami one night stand ng Mama mo. Magka sintahan kami. At hinintay ko siya ng matagal."
Sabi ng Papa niya. At hindi niya napigilan na magpawala ng malalim na buntong hininga.
" Paano pa kung girlfriend ko siya at iniwan ako?"
Tanong niya na para sa sarili.
" I can't imagine."
Narinig niyang sabi ng kanyang Papa na pumapalatak pa.
" She's such a lucky girl. She doesn't know that in this part of the planet, there is someone who can't stop thinking of her."
Sabi naman ng kanyang Mama at lumapit sa kanya.
" You're a loving person, para kang Papa mo. At naniniwala ako na may nakalaan para sa iyo. Someone who will love you the same. Don't wait for her anymore Alfie. Find someone else."
Tinapik siya sa balikat ng ina at masuyong nginitian. Tumango siya pero hindi sigurado kung magagawa niya ang payo ng mga ito.
"Iwasan mo na din ang bumalik dito, para makalimutan mo siya."
Bilin ng kanyang ama na muli niyang tinanguan.
" Okay, Alfie. Babalik na kami sa resthouse. Say goodbye to her and this place."
Alam niya may himig biro na sabi ng ama. Pero tinanguan niya. Susubukan niyang kalimutan na ang babaeng iyo.
Inihatid niya ng tanaw ang mga magulang na magka akbay na naglalakad pabalik sa kanilang resthouse.
Ilang villa na din ang nakatayo sa malawak na ektarya ng grape farm na ito na pag aari ng Soler. Pero ang pamilya ng kanyang Uncle Finn ang sa production ng wine at ang panganay na anak ng kanyang Auntie Ezah ang nasa farm.
Sa ancestral house ng Soler nakatira si Charlemagne, panganay na anak ng kanyang Auntie Ezah at Uncle Stan. Masaya na itong namumuhay sa farm kasama ang asawa at anak.
" Tsk! Sasabihin na naman noon na mag asawa na ako."
Naiiling niyang sabi at pinagpaliban ang plano na bisitahin ang pinsan.
Tumayo siya at pumasok sa loob ng bahay. At lagi siyang hinihila ng mga paa sa ikalawang palapag. Lumapit siya sa kama at naupo sa gilid niyon. Ilang taon na ang nakakalipas pero kapag pumapasok siya dito parang naririnig niya ang boses nito na umungol sa masarap na bagay na pinagsaluhan nila. Kahit ang kanyang ungol ay parang umaalingawngaw din sa kanyang guni-guni.
" I must move on, sweetheart."
Mahina niyang usal na nagpapaalam sa alaala nito. Tumayo siya at lumapit sa built-in cabinet at kinuha ang pinakatago tago na kumot na saksi sa kanila noon. Still wrap and secured in the garbage bag.
" I will burn you now."
Aniya at lumabas na ng silid bitbit ang garbage bag ng kumot na may mantsa ng dugo. Inilagay niya iyon sa lugar na pwede niyang sunugin.
Habang nagliliyab ang kumot ay pinapakawalan niya ang lahat ng alaala niya sa babae.
" I never had a chance to say thank you for that wonderful night. Thank you at minsan sa buhay ko nakaramdam ako ng ganun. And I might say you are my first love. But I have to say goodbye now. Hindi na ako aasa pang makikita pa kita. Pero umaasa akong mararamdaman ko sa ibang babae ang naramdaman ko sa iyo, sweetheart."
Isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi. Parang gumaan ang kanyang pakiramdam. Lumingon pa siya sa cabin house saka lumapit sa kanyang ducati at umalis sa lugar na iyon. Matatagalan na siguro bago siya bumalik dito.
A/N: Hello to your new sweetheart.
BINABASA MO ANG
𝓗𝓸𝓻𝓷𝔂 𝓟𝓵𝓪𝔂𝓫𝓸𝔂: 𝓐𝓵𝓯𝓲𝓮 𝓢𝓸𝓵𝓮𝓻
RomanceAng dahilan ng kanyang pagiging playboy ay ang pag asa niyang muling makaniig ang babaeng nagdala sa kanya ng masarap na alala na iyon. He is looking forward to making love with her again. The beautiful stranger he spent a magical night during his c...