" Alfie!" Gulat na napabalikwas si, Dahlia. Pero mas nagulat ito sa narinig sa anak.
Siya naman ay napangiwi. " 'Pre talaga?"
" Dylan, ano ang kalokohan na itinuro ng elite sa iyo?" pareho ng nakaupo sa kama ang mag ina.
"They are calling each other 'pre. Sabi Nila okay lang ganun din tawag ko sa kanila. At mommy, Pareng Dylan ang tawag Nila sa akin." Masaya nitong sabi. Napatampal na lang sa noo si Dahlia.
" Bawasan mo na ang pag punta doon, Dylan ha?"
Hinawakan ni Dahlia ang anak sa balikat." Eh, nandun kalaro ko. Wala akong kalaro dito."
Humaba ang nguso nito." Mag five ka na pwede ka na mag school. At doon madami ka makakalaro."
" Gusto ko mga pare ko." Sabi nito na humalukipkip."Ipapakilala kita sa friends ko, para lahat sila pare mo na din." Singit niya sa usapan ng mag ina. Tiningnan niya sa mata si Dahlia na kumunot ang noo. Nagtatanong ang mata nito kung paano siyang nakapasok sa silid nito.
" Pare na niya ako. Gusto niyang ipakilala ang maganda at the best niyang mommy." Sabi niya.
" Why you did not tell me, Dahlia?" Tanong niya at hindi itinago ang lungkot.
"Why not wait for me downstairs Dylan? Isama mo siya palabas." Itinuro siya ni Dahlia. "Mag bibihis lang ako."
Naglipat lipat ang tingin ng bata sa kanila. Saka ito muling bumaba ng kama at hinawakan siya sa kamay.
" Let's go, 'pre." Pagyaya nito sa kanya. Kahit na Hindi niya gusto Ang tawag nito sa kanya sa ngayon ay Wala siyang magagawa.
Kasalanan niya! Wala siyang reserbasyon noon. Hindi na naisip na baka mangyari ito.
" I'm sorry, son." Iyon ang paulit ulit niyang sabi habang nakasunod sa anak na hindi pa din binibitiwan ang kamay niya.
Nagtatanong ang mata ni Bassy ng makita sila.
" I will tell you later." sabi niya sa kapatid na matiim na tumingin kay Dylan.
" So, you meet Ate Dahlia's precious son?" nakangiti na sabi ni Heather na para bang walang ginawang gulo.
Pero nagpapasalamat siya dito dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na makarating ng hacienda at makita ang itinatago ni Dahlia na anak.
" Hello, Gwapo." bati ni Dylan na napahalakhak si Heather.
" Pwede mo na akong tawagin na Tita, Dylan." Sabi ni Heather na inabot nito ang kamay ng bata at saka hinila upang mahalikan sa pisngi.
" Ayaw ko mas okay gwapo para pareho tayo."
" Ang dali mo talagang lokohin. Joke ko lang iyon, tita na ako ngayon." sabi pa ni Heather na bahagyang ginulo ang buhok.
" Weeh?" hindi makapaniwala nitong sabi.
" Sige magpapahaba na ako ng buhok." natatawa na sabi ni Heather. " Pag hindi mo ako tinawag na Tita supot ang itatawag ko sa iyo." banta ni Heather na humalukipkip pa.
Kinagat nito ang ibabang labi. Halata na pikon.
" Isusumbong kita kay Mommy!" banta naman nito kay Heather.
" Kahit kay Papa Ian mo pa or Dadi Lo. Kasi totoo naman na supot ka." saka malakas na tumawa is Heather.
"Heather." pasimpleng pagsaway ni Bassy kasi sininyasan niya ito.
" Hmp! Kapag may totoo na akong Daddy hindi na kami titira dito ni Mommy. Hindi mo na ako aaway!" galit nitong sabi na naiiyak na.
Nasaktan siya sa sinabi ni Dylan. Paano niya sasabihin na posibleng siya ang Daddy na hinahanap nito.
" Biro lang, gwapo. Nakita ko na ang Daddy mo."pag alo ni Heather at hinawakan ito muli sa kamay pero umiwas ito.
" Lagi mo akong j-joke!" naiinis nitong sabi.
" No, it's true! Kaya nga nandito ang Mommy mo kasi ipapakilala ka niya sa Daddy mo." muling sinubukan ni Heather na abutin si, Dylan. Hindi na ito umiwas.
" Totoo? Magkakaroon na ako ng Daddy, katulad ni Khynan saka ni Tristan saka ni Clai?" parang nabuhayan ito ng loob. Siya naman ay nadagdagan ang habag sa bata.
" Yes! Siya oh." sabi ni Heather sabay turo sa kanya.
" Heather, masyado mo naman pinag t- tripan pamangkin mo." sansala ni Bassy sa asawa.
Lumingon si Dylan sa kanya na nanlalaki ang mga mata.
" Totoo? Ikaw ang Daddy ko?" tanong nito sa kanya na nakatingala. Kaya tumalungko siya upang magpantay sila.
" Yes, I'm your Daddy." hindi niya napigilan ang pag pamumula ng mata at pinipigilan niyang maluha.
" Daddy? Ikaw ang Daddy ko?" ulit nito at hinawakan ang pisngi niya. Tumango siya at niyakap si Dylan na napaiyak.
" Hoy, anong nangyayari dito? Bakit umiiyak si Dylan?" nagtatakang tanong ni Dahlia na kababa pa lang.
" Mommy. Nahanap mo na pala ang Daddy ko." baling nito sa ina at tumakbo saka yumakap sa beywang nito.
" Ang saya saya ko Mommy." dugtong pa nito habang nakatingala sa ina. Masuyo naman na yumukod si Dahlia at pinahid ang luha nito.
" Dylan-"
" Ate Dahl, wag mong sirain ang mood ni Dylan." agad na sabi ni Heather. Kaya bumaling si Dahlia dito.
" What did you say?" tanong nito na parang pinipigilan na sigawan ang kapatid.
" Parang nasusuka ako, Bassy." pag iwas ni Heather at tinakpan ang bibig.
"Heather!" banta ni Dahlia pero wala na itong nagawa ng tumayo ang kapatid na umalis sa living room kasunod ang asawa.
" Dylan-"
" Dahlia, let's talk. I agree with Heather. Nakita mo naman kung gaano kasaya si Dylan." Putol niya sa anuman balak sabihin nito sa anak.
Kunot noo na bumaling sa kanya si Dahlia.
" Dylan, mag uusap lang kami ni Mommy mo." Pakiusap niya kay Dylan na agad tumango.
" Sasabihin ko kina Dadi Lo na may Daddy na ako." Masaya nitong sabi at agad na tumakbo palayo sa kanila ni Dahlia.
" Anong kalokohan iyon, Alfie?" Pinameywangan siya ni Dahlia at agad siyang tinanong ng mapag isa sila. Hindi pa din nawawala ang pagsasalubong ng maganda nitong kilay.
" Ipinakilala ako ni Heather na Daddy ni Dylan. Nakita namin kung gaano kasaya ang anak mo ng malaman niyang may totoo na siyang Daddy. Kaya sinabi ko din na ako ang Daddy niya." sabi niya na handang tanggapin ang bulyaw na ibibigay ng kaharap.
" My goodness! Bakit ninyo ginawa iyon? Naisip nyo ba kung gaano siya ma di -disappoint kapag nalaman niya ang totoo? Simula ng matoto siyang magsalita he is looking for a father. At naging matindi ang pagnanais niyang magkaroon ng ama ng magkaisip siya at magkaroon ng kalaro na kompleto ang pamilya!" Galit nitong sabi na pinipigilan sumigaw.
" Kaya nga nandito na ako, Dahlia. He will not be disappointed if you allow me to be his father."
hinawakan niya ito sa balikat." Ako ang ipakilala mong ama kay Dylan Dahlia."
Nakikiusap niyang sabi. Umatras ito at kumawala sa kanyang pagkakahawak." Nababaliw ka na ba talaga, Alfie?"
" Kabaliwan bang ariin Kong akin ang anak mo?"
Tanong niya na kumuyom ang kanyang kamao.
" Oo! Wala ka sa matinong pag iisip." Sagot nito na napahilamos siya sa mukha."Hindi ba sumagi sa isip mo na baka ako ang naka one-night stand mo noon?" tanong niya Kay Dahlia na nanlaki ang mata at biglang nawalan ng kulay ang mukha.
A/N: Tapusin na natin madaming nakapila😅
AFH, Muscat Oman
12 May 2024
0345H
BINABASA MO ANG
𝓗𝓸𝓻𝓷𝔂 𝓟𝓵𝓪𝔂𝓫𝓸𝔂: 𝓐𝓵𝓯𝓲𝓮 𝓢𝓸𝓵𝓮𝓻
RomanceAng dahilan ng kanyang pagiging playboy ay ang pag asa niyang muling makaniig ang babaeng nagdala sa kanya ng masarap na alala na iyon. He is looking forward to making love with her again. The beautiful stranger he spent a magical night during his c...