𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 𝓢𝓮𝓿𝓮𝓷: Interested

604 21 7
                                    

" Did I meet her before, Luigi?"

Tanong niya kay Luigi na hindi niya hiniwalayan hanggang hindi nakukuha ang nais niyang impormasyon. Paglabas kasi ng magkapatid, sumunod din si Luigi at sumunod din siya dito.

At nandito siya ulit sa bar counter katabi si Luigi na malikot ang mga mata.

" I don't think so. Mukhang intresado ka."

Nakangisi nitong sabi na matapat niyang sinagot.

" Parang ganun na nga."

Ewan niya kung bakit malakas ang hatak ni Dahlia sa sistema niya. Parang bumalik ng pagnanais niyang maikama ang dalaga at baguhin nito ang na i sét na niyang satisfaction sa kama.

" Gusto mo siyang ibilang sa mga babae na ika kama mo para mahanap mo ang mystery girl
mo? Tigilan mo ako, Alfie. Kaibigan ko ang mga iyon. Saka baka ipahatak ka ni Ianthe sa mga alaga niyang stallion."

Hinampas siya ng mahina nito sa likod na bahagyang natapon ang laman ng brandy sa kanyang baso.

" Alam kung hindi siya iyon, hindi kulot ang buhok niya."

Sabi niya na halos ang naka sex niya ay puro mga wavy at curly hair. Nagpawala siya ng buntong hininga.

" Pero Luigi, baka siya na ang hinihintay kung babae na hindi magpapa bagsak sa expectations ko sa bed."

Hindi niya alam ang dahilan kung bakit lumabas sa bibig niya iyon.

" Tsk! Halos ganyan naman ang sinabi mo simula ng mag give up ka paghahanap sa first love mo. Alfie, she's a friend. Don't add her to the list of the girls you've taken to bed. Dahl deserves a man who will love her wholeheartedly. At hindi panakip butas lang katulad ng ginagawa mo sa babae na dumaan sa buhay mo."

Mahaba at seryoso nitong sabi. Tiningnan niya ito ng matiim.

" Do you like her too?"

Tanong niya. Lumingon ito sa kanya na matapos siyang titigan ay tinawanan siya.

" Of course, I like her. I like Heather, Maxine, and Anne. At lahat ng kapatid na babae ng elite. I like them and I will protect them from a horny playboy like you."

Hinampas niya ito sa hita. Saka tumayo.

" I will find my way then."

Sabi niya at tinalikuran ito. Bumalik siya sa loob ng VIP room. Ang pagiging makulit niya ay nauwi sa pagiging seryoso at tahimik.

" Mukhang may gusto kang iuwi na hindi mo maiuwi ah."

Lasing na din na sabi ni Alessandro sa kanya.

" Yeah, nauna ng umuwi."

Sabi lang niya at uminom ng alak.Sumulyap ito sa gawi ni Adamson na katabi si Samantha.

" Akala ko ang secretary ni Adamson ang iuuwi mo. Pero parang nabakuran na."

Umiling lang siya na sinulyapan ang dalawa.

" The goddess who came?"

Untag naman ni Nikolai na laging huli dumarating.

" Tinabla ako ni Luigi. Walang tiwala sa akin."

Mahinang natawa naman ang mga kaharap sa kanya

" Kaya tayo magpipinsan sa grupo na ito. Dahil hindi din namin ipagkakatiwala ang kapatid namin babae sa iyo o kahit sino sa inyo."

Iniisa isa ni Angelo na ituro sila. Pasulpot sulpot lang ito upang magdala ng alak at pulutan.

" Maybe, he can help."

Bulong ni Nikolai sa kanya, habang nakatingin sa personal bodyguard nito. Sumilay ang ngiti niya sa ibig nitong sabihin.

" Bro, come here."

Alok niya sa bodyguard ni Nikolai na member ng Elite na si Luigi ang boss.

" It's okay, I'm okay here."

Sagot nito, bago pa siya magpilit ay nagsimula na magsalita si Nikolai na nakapag patuwid dito ng tayo.

" Matutulungan ka nito kay Guila. Pinakamalapit si Guila kay Alfie."

Tumingin siya kay Nikolai.

" Si Guila ang weakness niya."

Bulong ni Nikolai sa kanya.

" I can set you a date with her."

Agad niyang alok dito. Napa kamot ito sa batok.

" Think about it. A date with Guila in exchange for just a few information."

Sinamahan niya ng ngiti ang sinabi. Sinigurado niya magmukhang harmless ang pakay niya.

" What information?"

Kuryusidad nitong tanong. Lihim siyang nagdiwang.

" Cellphone number and where I can see Dahlia again."

Agad naman itong napangisi sa sinabi niya at mas tumuwid ng tayo.

" Alam ko kung saan sila nakatira. Pero never nag entertain ng bisita si Dahlia."

" That's good! There's always a first time. And I will be her first time."

Masaya niyang sabi na pinalapad ang mga ngiti. Naging extra masayahin yata siya mula ng makilala si Dahlia.

" Just give it to him, Max. So you can have a date with Guila. Kayang gawan ni Alfie ng paraan na ma solo mo si Guila."

Sabi ni Nikolai na agad niyang siniko.

" Bro, basta good intentions. Katulad ng intention ko kay Dahlia."

Napatingin sa kanya ang mga kaharap na halos magtaasan ang kilay. Kaya tumaas ang dalawang kamay niya sa mga ito.

" I want to know her. Masyado akong na curious sa kanya. Swear!"

" Oy, after nang victory ball mo five years ago. Ngayon lang ulit namin nakitaan ka ng interes sa babae. That's a good sign. Seryoso siya bro, pagbigyan mo na."

Sabi ni Adamson na maligaya siya sa pag back up nito sa kanya. Tumingin ito kay Nikolai na tumango at nag thumbs up pa.

" We will not tell Luigi."

Pag kumbinsi pa niya. Kinuha nito ang cellphone at saka ibinigay ang numero nito sa kanya na siniguro niyang tama ang bawat number.

" She's starting to manage their company business. Import and export of goods mostly galing sa kanilang hacienda. Sa US siya naglalagi, I'm not sure kung hanggang kelan siya mag stay siya dito."

Sabi nito na napangiti lalo siya.

"Hmm, thank you. Mas mainam siguro na ma bisita ko na siya agad para magkaroon siya ng dahilan mag stay dito sa Pilipinas."

Aniya na minimemorya ang address ng opisina nito.

" Magtigil Alfie! Mag stay sa Pilipinas o mag stay sa piling mo?"

Pambubuska ni Adamson na ikinasaya niya.

Bakit kinikilig siya sa isipin na mag stay ang dalaga sa piling niya?

"Masayang isipin ang sinabi mo Adamson. I like her to be by my side."

Lalo siyang inasar ng mga kaharap sa kanyang sinabi.

" Sus, ilang beses mo na iyang sinabi. Pero pagkatapos mong matikman, naghanap ka na naman ng iba."

Komento ni Angelo sa kanya na may kasama pang pag taas ng kilay. Mabait lang talaga ang pangalan pero suplado naman sa totoong buhay.

" Dahil may hinahanap ako. At feeling ko siya na ang hinahanap ko."

Kumpyansa niyang sabi at tinapik ang dibdib na parang siguradong sigurado siya sa sinabi.

𝓗𝓸𝓻𝓷𝔂 𝓟𝓵𝓪𝔂𝓫𝓸𝔂: 𝓐𝓵𝓯𝓲𝓮 𝓢𝓸𝓵𝓮𝓻Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon