𝓒𝓱𝓪𝓹𝓽𝓮𝓻 15 Who broke your heart?

436 14 1
                                    

" Who broke your heart, Dahlia? " ulit niyang tanong sa nakamasid din sa kanyang dalaga. Parang nagtatalo ang isip nito kung sasagutin siya o hindi.

" I don't know him and I don't want to talk about it." maya maya ay sagot nito at tumayo. Lumapit ito sa pinaka gilid na bahagi upang makita ang mga koi fish na lumalangoy sa bahagi nila.

Tumayo siya at tumabi dito. Sandaling namayani sa kanila ang katahimikan.

" Maybe, I feel less guilty if Heather and Bassy will eventually fall for each other." sabi nito at nagpawala ng buntong hininga.

"Why not share your burden with me? Maybe I can help?" pag kumbinsi niya ditong mag open up sa kanya.

" How you can help, Alfie? Nangyari na iyon at hindi na maibabalik pa. Saka, how I will share my misery? Nakita ko ang effect noon sa family ko, especially to Heather. Salamat, pero okay lang ako. Tanggap ko na ang lahat." nagpawala ito ng buntung hininga at saka muling bumalik sa upuan. Alam niyang iniiwasan nitong magka lapit sila.

" Maaring tanggap mo pero hindi ka pa din nakaka move on. Alam kaya ng lalaki na iyon na may isang babae sa bahaging ito ng lupa na hanggang ngayon ay naghihirap ang kalooban dahil sa kanya?" nakaramdam siya ng galit sa lalaki na sanhi ng kalungkutan ng dalaga.

" For sure he doesn't know. At maaring hindi niya alam na nag e exist ako." malungkot na sabi nito saka napakagat labi.

" It's all my fault. Kasalanan ko naman. I'm so careless." naging agitated nitong sabi. Lumapit siya sa dalaga at hinawakan ang kamay nito dahil hindi nito alam kung saan hahawak. Nagiging malikot ang kamay nito kapag hindi mapakali.

" Allow me to heal you, Dahlia. I will do my best para makalimutan mo siya at ang hindi magandang ala ala mo sa kanya." alok niya dito at pinisil ang palad niya.

" How do I believe you will heal me, Alfie? Or mapapabago mo ang pagtingin ko sa mga lalaki? I'm so scared of men because they are capable of giving me heartache that I wish not to exist anymore!" malakas nitong sabi at saka agad na tumulo ang luha.

" Damn!"  napamura siya dahil sa hindi inaasahan nitong reaksiyon. " What had happened to her why she is in so much pain?" hindi napigilan na tanong sa sarili dahil bakas sa mukha nito ang matinding sakit at galit.

"I'm really sorry Dahlia. Hindi ko alam ang pinagdaanan mo. And from what I see right now, no one can help you but yourself. You choose to be like that. You choose not to move on and accept the past that deprived you of your future happiness ." malungkot niyang sabi sa dalaga. He let out a heavy sigh and bid goodbye.

" Hindi ka naman siguro mawawala dito. You know your way inside the mansion. I will leave you alone and think about what I said." aniya at tinalikuran ito. Nakaka ilang hakbang pa lang siya ay muli siyang humarap sa dalaga.

" Pag handa ka ng mag entertain ng manliligaw. Sabihan mo lang ako. I will prove to you na hindi lahat ng lalaki ay sakit lang ang dulot sa iyo. I will vow to make you happy Dahlia." seryoso niyang sabi at tinalikuran na ito bago magpawala ng maanghang na komento.

Bumalik siya sa mansion at nagpaalam sa mga bisita at magulang.

Sa halip na sa opisina ay sa bar siya ni Angelo nagpunta.

" Lasingin mo ako." agad niyang sabi kay Angelo na nasa bar counter. Sinamahan pa niya ng hampas sa counter ang sinabi.

Taas ang kilay nitong tumingin sa kanya saka ngumisi ng nakakaloko.

" Katapusan na naman ng mundo mo?" natatawa nitong tanong at inilapag sa kanya ang mamahalin nitong brandy.

" Anong na naman?" pikon niyang sabi at nagsalin sa baso na agad niyang pinangalahati.

" Noong ma frustrate ka sa naka one night stand mo noong victory ball mo." paalala nito sa babaeng naging dahilan ng pagiging mahilig niya sa kulot na buhok.

" Tsk. Ibang level ang frustration ko ngayon!" pag amin niya sa nararamdaman. Kahit na alam niya na makakarinig siya dito ng di magandang komento.

" Karma!" sabi nito na nakangisi.

" Sabi ko na nga ba!" para sa sarili lang niyang sinabi pero dinig na dinig ni Angelo. Hindi nito pinigilan na pagtawanan siya. Binaliwala niya ang reaksiyon nito. Hinarap na lang niya ang paglalasing.

" You should have realized by now that neglecting women's feelings is not good. Maka karma ka, talaga." sabi nito sa kanya na hindi niya pinansin.

" Alfie, you have no idea how women are trying to get your attention. That's the reason kaya sila pumapayag to slept with you. Pero ikaw iba ang purpose mo. You only think of yourself, searching for the same feeling you had when you had that girl." anito saka naiiling itong pumalatak. " Such a lucky girl." dagdag komento nito.

Nakuha naman nito ang atensyon niya ng mabanggit ang babae na naka one night stand niya noon.

" Hindi ko din maipaliwanag. Bakit ganun?" iyon ang matagal na palaisipan sa kanya.

" Baka na love at first sight ka sa kanya. Maybe that's the difference." sabi nito na nakapag patiim lang sa kanyang mga labi.

" Sight? Wala akong chance na makita ang mukha niya ng maayos. It was just a glance." aniya sa malabong eksena na iyon ng buhay niya.

" Baka need mo ulit ng ecstasy? Maybe that's the difference." sabi nito na malapit sa kanyang tenga.

Isang kontrolado na pagsiko sa sikmura nito ang ginawa niya.

" Gago ka talaga, isumbong kita kay Tita Ara para ipasok ka sa simenaryo at mag pari." pananakot niya dito. Dahil nais ng ina nito na mag seminarista ito. At kalaunan ay mag pari.

Malakas naman itong tumawa sa sinabi niya.

" I already made a vow to Mom that I will behave. Wag lang niya akong ipasok sa simenaryo." sabi nito na naiiling. Tinaasan lang niya ito ng kilay. Kasi pag tulog lang ito behave.

" No drugs!" sabay nilang sabi saka nag toast at sabay na uminom ng alak.

He lost his thoughts. Mula kay Dahlia at sa babaeng kulot na naka one night stand niya.

Palaisipan sa misteryosong babae. At frustration para kay Dahlia. Paano niya mapapatunayan na seryoso siyang tulungan itong baguhin ang paniniwala nito sa mga lalaki?

A/N: AFH Muscat, Oman.
Feb. 20, 2024
1945H

𝓗𝓸𝓻𝓷𝔂 𝓟𝓵𝓪𝔂𝓫𝓸𝔂: 𝓐𝓵𝓯𝓲𝓮 𝓢𝓸𝓵𝓮𝓻Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon