" What can you say, Dahlia?"
Tanong niya sa kaharap na ini scan ang resume at picture ni Bassy. Bago pa man ito magsalita ay inilapag na niya ang pinag handaan na resume at picture ng kapatid na ilang linggo na niyang hindi nakikita.
Ang imbitasyon niya para pag usapan ang kasal ni Bassy at Heather ay lagi nitong tinatanggihan. Kaya sa opisina na lang ng dalaga siya pumupunta.
Masyado itong guarded at higit siyang nagiging interesado dito. Dagdag pa na kahit parang masama lagi ang gising ay maganda pa din ito.
" I will ask Heather. And if she agrees, tatawagan kita."
Malamig nitong sabi at naupo na sa swivel chair nito.
" I will coordinate the wedding planner now. Para ma schedule ang kasal as soon as possible."
Sabi niya na positibo ang pakiramdam. Sino ba naman ang aayaw sa kanyang kapatid?
" Hindi mo ba ako narinig, Mr. Soler? Ang sabi kakausapin ko pa sa Heather. Hindi ko nga alam kung papayag siya eh."
Naiinis nitong sabi na pinisil ang sintedo. He doesn't understand why he feels happy seeing her very annoyed. Dahil ba gusto niya maging apektado din ito sa kanya? Kahit na magkabaliktad sila ng nararamdaman?
" It's okay! Kung hindi sila pumayag. Tayong dalawa na lang ang magtuloy ng kasal."
Aniya na malaki ang ngiti at sure siya na kumikislap ang mata niya sa kasiyahan. Lalo na ng kumuyom ang kamao nito.
" Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob mo, Mr. Soler! What made you think magpapakasal ako sa iyo?"
Bwisit na bwisit nitong sabi sa kanya. Sa halip na ma offend ay malakas lang siyang natawa sa sinabi ng dalaga.
" Napaka seryoso mo. Tatanda kang dalaga sa ginagawa mo."
Sabi niya pero inihampas lang nito ang kamay sa mesa sa matinding inis sa kanya.
" Iyon ang plano ko! Saka wala kang pakialam!"
Sagot nito at ipinikit ang mga mata. Sigurado siya na nagbibilang ito sa isip upang mabawasan ang galit.
" Sayang naman ang maganda mong lahi kung hindi mo padadamihin."
Hirit pa niya na nakapag pamulat dito ng mata at idinuro sa kanyang dibdib ang hintuturo.
" Bakit ba ugali mo akong inisin? Akala mo ba hindi ko alam kung saan ako kumakain sumusulpot ka din? Maybe you forcing your brother into this arranged marriage just to have a reason for you to show up in my office. Dahil kahit anong gawin mo. I will never go out with you, Mr. Soler!"
Tuluyan na naputol ang pasensya nito sa kanya. Nag aapoy ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.
" Hindi kita iniinis. Ikaw lang ang naiinis sa hindi ko maisip na dahilan, Dahlia. Bakit nga ba?"
Tanong niya dito na hindi alintana ang pag a- alburuto na ng kaharap.
" Itinanong pa talaga! Your presence annoyed me, Mr. Soler! Ang akala mo yata lahat ng babae magkaka gusto sa iyo!"
Galit nitong sabi at padabog na tumayo sa upuan. Sinundan niya ito ng tingin na lumapit sa mini ref na andun at kumuha ng malamig na tubig saka uminom.
" Kung hindi ka naman pala magkaka gusto sa akin bakit sobra ka naman mag exert ng effort to push me away?"
Tanong niya na sinundan ito na naupo sa leather sofa na nasa gitna ng opisina nito.
" Di ba dapat balewala lang sa iyo ang presence ko? Kahit sayawan kita na labas ang six pack abs ko wala lang epekto sa iyo, kasi nga hindi ka naman magkakagusto sa akin."
Sabi niya na niluwagan ang necktie. Kunot noo naman tiningnan siya ni Dahlia. Maliban kasi sa nakangiti niyang aura na lagi niyang ipinapakita dito. Naging madilim ang kanyang anyo. Hindi siya galit pero gusto niyang lamukusin ng halik si Dahlia para mapawi ang mapait na salita na lumalabas sa bibig nito.
" Masyado kang bitter sa mga gwapo!"
Sabi niya sa nagtatampo na tinig.
" Umalis ka na nga lang, Alfie."
Pag dismiss nito sa kanya na nag iwas ng tingin. Baka ma realize nitong unreasonable na ang reaksiyon nito sà presence niya.
" First time."
Aniya na muling sumilay ang ngiti niya sa labi. Tumingin ito sa kanya at saka nailing.
" Sa ipinapakita mo,nagdadalawang isip ako kung dapat ko pa bang ituloy ang arranged marriage na ito between your brother and Heather. Baka katulad mo din siyang may something sa ulo."
Umismid ito sa kanya at parang pagod na pagod na hinilot muli ang sintido.
" Judgemental ka. Masayahin lang kaming tao dahil wala kaming hàng ups sa buhay. We have everything. Maliban sa babae na mamahalin namin habang buhay."
Pinasadahan siya ng tingin nito saka napailing na lang.
" Wala talaga yatang mananalo sa iyo, Mr. Soler."
" Mr. Soler na naman. Kanina lang tinawag mo akong Alfie."
Aniya na napakamot siya sa batok.
" You want me to call you by your name?"
Mabilis siyang tumango sa tanong nito.
" Of course. You have no idea, it sounds music to my ear."
" OA mo! Pero sige pagbibigyan kita. Kung pagbibigyan mo din ako."
Binitin nito ang sasabihin at tumingin sa kanya. Saglit silang nagkatitigan at ito ang umiwas.
" Depende. Ano ba ang kailangan kong gawin para tawagin mo ako sa aking pangalan?"
Tanong niya na mataman pinagmamasdan ang kabuuan nito. Bahagya niyang ipinilig ang ulo dahil sa pumasok sa isip.
" You're really a horny man, Alfie."
" Kung makatiis kang hindi magpakita sa akin ng kahit three weeks. I will call you by your name."
Tiningnan siya nito sa mga mata na parang nanghahamon. Nakikipag titigan siya dito hanggang siya ang sumuko at nagpawala ng buntong hininga.
" Paano ang arranged marriage nila Heather at kapatid ko?"
" Mahihirapan akong pakiusapan si Heather. At marahil matatagalan bago namin siya mapapayag."
Tumayo ito mula sa sofa at balak bumalik sa desk nito ng masabit ang heels nito sa carpet.
"Shit!"
Malakas nitong tili dahil nawalan ito ng balanse. Mabilis naman niyang nahawakan ang braso nito at hinatak niya sa gawi niya upang hindi tuluyan na masubsob sa carpet. Sa halip sa dibdib niya naglanding ang katawan nito.
" Shit!"
Malutong din niyang mura ng madikit ang katawan nito at maamoy ang bango nito.
Hindi alam ni Dahlia kung paano aalis sa kanya sa pagkawala ng panimbang nito.
" Easy!" Sabi niya dahil wala itong pakialam kung saan itutukod ang mga palad para lang makalayo sa kanya.
Mahigpit niyang hinawakan ang balikat nito saka niya inalalayan na makatayo. Hindi naman ito makatingin sa kanya na nagmamadali na bumalik sa desk nito at naupo.
" Umalis ka na. Tatawagan na lang kita kapag pumayag na si Heather." pagtataboy nito sa kanya.
" Okay. I will go. Sana maging positive ang outcome para naman mabawasan ang isipin mo. At matutunan mo na din ngumiti. Siguro lalo kang maganda kung ngingiti ka." sabi niya na mas sumimangot sa sinabi niya.
" Just go!" asik nito sa kanya at itinuro ang pinto.
" I will come back after three weeks. Sana may isa kang salita, Dahlia." Sabi niya at umalis na ng opisina nito.
A/N: Ang next update nito baka after three weeks din.😅
![](https://img.wattpad.com/cover/328804588-288-k628299.jpg)
BINABASA MO ANG
𝓗𝓸𝓻𝓷𝔂 𝓟𝓵𝓪𝔂𝓫𝓸𝔂: 𝓐𝓵𝓯𝓲𝓮 𝓢𝓸𝓵𝓮𝓻
RomanceAng dahilan ng kanyang pagiging playboy ay ang pag asa niyang muling makaniig ang babaeng nagdala sa kanya ng masarap na alala na iyon. He is looking forward to making love with her again. The beautiful stranger he spent a magical night during his c...