" Daddy!" sigaw ni Dylan at patakbong siyang sinalubong. Malaki naman ang ngiti niyang binuhat ito saka hinalikan sa pisngi.
"Did you wait for me?" Tanong niya at nilingon ang mga nasa mesa.
Lahat ng mga ito ay nakatingin na parang naaawa kay Dylan.
" Yes, po! Gusto ko sabay tayong kumain ni Mommy." Masaya nitong sabi.
Nagtuloy siya sa mesa at ibinaba si Dylan sa bakanteng upuan katabi ni Dahlia. Naupo naman siya sa kabilang gilid nito kaya napagitnaan nila ang bata na malaki ang ngiti.
" Ang saya naman ni Dylan. Gusto mo ba kasabay lagi si Daddy Alfie mo pagkain?" tanong ni Heather na kaharap nila sa mesa.
" Syempre!" Mabilis nitong sagot.
" Sa kanya ka titira?" Tanong muli nito na hindi pinansin ang pasaring na tikhim ni Dahlia.
"Of course!" Napangiti siya sa sagot ni Dylan. Saka bumelat pa kay Heather na alam marahil na inaasar ng huli.
" Paano si Mommy mo, aber?" taas kilay na tanong ni Heather.
" Heather, will you stop annoying Dylan?" Hindi na nakatiis na sabi ni Dahlia sa kapatid.
" Kay Daddy na kami titira. Di ba Daddy?" Baling ni Dylan sa kanya. Sumulyap siya kay Dahlia bago sagutin ang tanong nito.
" Syempre." Maikli niyang sagot at saka hinaplos ang buhok nito.
" Yehey!" Itinaas pa ang kamay nito na nagdiwang sa kasiyahan.
"Dad, look what Heather did?" naiinis na baling ni Dahlia sa ama na bagong dating at kasama ang asawa nito.
" Hindi mo ba pagbibigyan ang magpapasaya sa anak mo?" Sa halip sagot nito na nakapag pasinghap kay Dahlia. Lihim naman siyang nagdiwang.
" Pero, Daddy..." hindi natuloy ang sasabihin ng dalaga ng muling magsalita si Dylan.
" Malaki ang bahay mo, Daddy? Meron ka din horses?" Excited nitong tanong.
" Eroplano ang marami sa kanila, Dylan." sagot ni Heather na mas nanlaki ang mata ng bata sa excitement.
" Really?" baling nito sa kanya na natatawa siyang tumango.
" We need to talk after this." Sabi ni Dahlia. Saka binalingan si Dylan." Kumain ka na kung gusto mong makasama ka ng Daddy mo pagbalik niya sa bahay niya."
" Okay!" Pagkasabi noon ay agad na hinarap ang pagkain.
" Wow!" Reaksiyon ni Ianthe. " You used to eat for two hours, Dylan." natatawa nitong sabi. Hindi din makapaniwala si Dahlia sa gana nitong kumain.
" Hindi ka na maiiwan sa hapag kainan." natatawa naman na hinagod ni Dahlia sa likod ang anak.
"Kahit Ikaw Masaya na may Daddy na si Dylan." Tukso ni Heather.
" Umayos ka! May atraso ka sa akin." piksi ni Dahlia sa kapatid na tinawanan lang sila.
" You should be thankful." ani Heather.
"Heather, stop annoying your sister." sawata ng ina nila na ngayon lang niya napagtanto na berde ang mga mata.
" Sorry!" Nakangisi na sabi ni Heather at nag peace sign.
" Behave, baby." sabi ni Bassy na malapit sa tenga ni Heather. At kasunod na noon ang paghalik sa sentido ni Heather na pinamulahan ng mukha.
" Tsk, OA." Ani Dahlia.
" Bakit ka niya k- kiss, gwapo?" tanong niya Dylan habang ngumunguya.
" Kasi Mag asawa kami at Daddy siya ng baby ko sa tummy." Masaya na sabi ni Heather. Ngayon nga lang din pala napunta si Bassy dito.
BINABASA MO ANG
𝓗𝓸𝓻𝓷𝔂 𝓟𝓵𝓪𝔂𝓫𝓸𝔂: 𝓐𝓵𝓯𝓲𝓮 𝓢𝓸𝓵𝓮𝓻
RomanceAng dahilan ng kanyang pagiging playboy ay ang pag asa niyang muling makaniig ang babaeng nagdala sa kanya ng masarap na alala na iyon. He is looking forward to making love with her again. The beautiful stranger he spent a magical night during his c...