CHAPTER 1
RYAN NICKOLAS
"I fell out of love, Yan."
My world has crumpled down when I heard that from the only woman I want to spend my whole life with.
Hindi ko maintindihan. Ayos lang naman kami bago ako umalis para pumunta sa Makati at magtrabaho sa firm. Lagi rin kaming nag uusap sa tawag tuwing gabi, lagi ko rin siyang tini-text pagkatapos ng trabaho kagaya ng gusto niya.
Hindi naman ako nagkulang.
Kaya hindi ko maunawaan na nawala bigla ang nararamdaman niya para sa akin. Sa isang iglap, nawala agad? Dahil sa blueprint, bigla siyang natauhan na hindi niya na pala nakikita yung future niya kasama ako?
Parang kailan lang, excited pa siya nung malaman niyang sinisimulan ko na gawin yung blueprint na 'yon.
"Oh! You're finally making it? Send it to me immediately the moment you finished it, I will check it out!" I even remember she said those words enthusiastically.
Pero siguro ang pinaka masakit sa lahat ng 'yon, ang mapagtanto na... probably when I thought she was excited that time about the blueprint, pinipilit niya nalang pala ang sarili niya sa akin.
Hindi na pala talaga siya totoong masaya.
"Saan ba ako nagkulang? Bakit nawala?" nabasag ang boses ko.
"Sorry..." she whispered.
It felt like a doom has finally come to the world I thought was forever. Pakiramdam ko parang bigla ay katapusan na ng mundo. Na tila ba bumagsak na ang lahat ng uri ng bato sa kalawakan sa mundo at unti-unting pinatay noon ang lahat ng parte ng pagkatao ko.
Ilang taon... sa ilang taon na pinagsamahan naming dalawa, sa ilang taon na magkasama kaming isipin at planuhin ang lahat, matatapos nalang pala lahat sa isang sorry?
Na isang araw, sasabihin niya sa akin na hindi siya ang babaeng para sa akin?
What kind of bullshit is that?
"Bakit... bakit hindi pwedeng ikaw? You could be the girl you're talking about and fucking choose me!"
"Kasi hindi na kita mahal!"
Para akong sinampal ng mga salitang 'yon.
"Hindi ko na makita yung future ko sa'yo! And while I'm being like this, you're too fucking excited to plan your future with me and it's hurting me! Kasi nag-guilty ako! You're making me feel bad, Yannick!"
Umiling ako sa kaniya. Hindi ako naniniwala.
I don't believe her.
She's already too fucking cruel when she said that she fell out of love, na hindi niya na ako mahal. Kaya dapat hindi na siya nasasaktan dahil lang nag-guilty siya!
Mahal niya pa ako, alam ko.
Kasi kung hindi niya na ako mahal, dapat hindi na siya nasasaktan--na nasasaktan ako! Hindi na siya dapat nag-guilty dahil lang sa lintek na dahilan na 'yan!
Kaya mahal niya pa ako. Hindi ako naniniwala sa kaniya.
Binato ko ang baso ng alak sa pader ng aking kwarto dahilan kaya umalingawngaw 'yon nang mabasag.
But I still couldn't understand how she fell out love that fast?!
Maybe some asshole took her away from me. Baka bigla lang siyang naguluhan kaya nasabi niya 'yon. Maybe she was just shaken by some mediocre feeling.
BINABASA MO ANG
SA PAG-UGNAY (Soul Ties 2)
RomanceShe literally watched him fall deeper in love with someone else. She is the friend, but she's not even in the choices. She is the one who's beside him most of the time, but his eyes are only set to the girl with the beautiful heterochromia eyes. Lia...