Chapter 26

4 1 5
                                    

CHAPTER 26

RYAN NICKOLAS

"Napadala mo na?" tanong ko kay Jerry pagkatapos ng meeting.

Ngumiwi siya.

"I did. Pinadala ko na 'yung coffee truck nung umaga. Nadeliver na rin kanina 'yung tanghalian nila mula sa Marriott."

"The flowers?" pahabol ko.

"Kanina pang umaga,"

I beamed a smile.

"Thank you."

Narinig ko ang malalim na pagkawala niya ng buntong hininga nang makaupo na ako sa swivel chair.

"Bakit hindi nalang ikaw mismo ang magpadala ng mga 'yon?" he asked. "You've been doing this for weeks now. Tingin ko mas mabilis mo siyang masusuyo kung ikaw mismo ang nakita niyang nagbibigay ng mga 'yon."

Ngumisi ako at binuksan ang kompyuter.

"Kung ako ang una niyang makikita sa umaga, sira na ang araw noon," banat ko. "Baka anino ko pa lang ang nakikita noon, tumakbo na 'yon palayo."

Ilang segundo ang lumipas nang hindi ko narinig na umimik si Jerry kaya naman binalingan ko siya.

"Bakit ginagawa mo pa 'to? Ayaw niya naman yata sa'yo. Baka imbes na masuyo mo siya, lalo lang siyang mabwiset sa'yo."

I was stunned for a second. Not because of what he said, but because he was putting his walls down to reach me.

Pinigilan ko ang magpakawala ng ngisi at binigay sa kaniya ang buo kong atensyon.

"I have just come to realize that trust comes before love," I quoted. "Trust is the pillar of love, without it, the love will only harm you."

He furrowed as he averted his gaze. He was like analyzing something inside his head.

"So she doesn't trust you?"

I did not respond and let him think that's my answer.

"Then, the reason why you're doing this...?"

"To assure her that I am all hers..." maikli kong sagot.

Na kahit anong pagtulak ang gawin niya, nandito lang ako, babalik at babalik sa kaniya.

Alam kong mahal niya ako, napagtibay na 'yon ng matagal na panahon. Mahal niya ako ngunit laging may 'pero' sa huli.

Her endless buts are always present at the end of the her train of thoughts. Because I failed to give her an assurance from the start.

He sighed once again and nodded. We looked at each other and I smirked when we could understand each other this way.

Narinig kong may kumatok sa pinto at nakitang si Sheenly 'yon.

Speaking of love birds.

Pumasok siya at unang nagtama ang mga mata nila sa isa't isa. They both stiffened.

Matunog akong ngumisi at napailing. Pwede sa susunod ay galingan nilang umarte? Napaka-obvious nila.

Hindi ko alam kung aware sila sa nararamdaman nila para sa isa't isa, ngunit ang tensyon tuwing nasa iisang lugar sila ay makapigil hininga.

Magkaibang magkaiba sila. Sheenly could easily connect with other people and is open about her feelings, while Jerry is the totally opposite of her. But whenever I see them... the intangible, unexplainable chemistry is always there.

They don't know how they looked at each other is making me uncomfortable.

"Salamat, architect." saad ko nang iabot niya sa'kin ang mga papeles na kailangan kong basahin.

SA PAG-UGNAY (Soul Ties 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon