CHAPTER 10
Kanina, bago kami sumakay ng bangka patungo sa isla ay binilin ni Taliya na bumili muna kami ng kakainin namin para sa dalawang araw at isang gabi na mananatili kami rito.
Kaya naman dumaan muna kami sa supermarket para mamili ng pagkain.
Iniihaw na nilang tatlo ngayon ang biniling isda sa supermarket kanina. Halos lahat ng pagkain ng mga taong pumupunta rito ay mga luto nang pagkain pero may mga iilan rin na dito bumibili at nagluluto.
Kailangan nga lang matipon nang maayos ang mga basurang maiiwan. Dahil konting basura lang ay maaaring mapunta sa dagat. And we don't want that.
Taliya still feels guilty about what happened earlier, kaya naman hanggang ngayon ay sinusuyo niya pa rin ako. I find it cute and want to keep acting like it still bothers me so I have all her attention on me, but I immediately said that it's okay, and so she stopped with a light heart.
Dahil ang bumabagabag na sa akin ngayon ay ang sinabi ni Altheria.
Gusto ko munang umiwas kay Taliya.
I feel like I need to do it, to clear my head and arrange my thoughts, somehow. Because weirdly enough, my sister put something inside my head, and she's good at making me wonder things.
She's cruel and heartless.
But I think I can't do it. I can't avoid Taliya.
Bumagsak ang tingin ko sa lamesa at nakita ang ulam namin.
Bangus.
Hindi marunong kumain ng Bangus 'yung isa d'yan.
I exasperatedly sigh.
"Teh, gusto mo ng toyo na may sili?"
Agad kong pinigilan ang kamay ni Hester sa pag-abot niya ng sawsawan kay Taliya.
"Ayaw niya ng maanghang," saad ko, kahit wala naman silang narinig mula sa Taliya. "Ibigay mo nalang sa kaniya 'yung bote ng toyo mismo."
I knew her for years. Sa lahat ng kainan, mapa-birthday party, inuman at handaan, hindi 'yan kumakain ng maanghang.
Maybe because she's too much of a sweet tooth type of person, she can never handle spicy food.
Nung kasama ko nga siyang kumain sa isang Japanese food nung high school, first time niya yata 'yon, una niya agad na kinain 'yung wasabi kasi akala niya ice cream. Halos hindi na siya nakakain sa inorder niya dahil umiyak nalang siya sa anghang.
I remember her red traumatized face that day. Halos hindi na rin tuloy ako nakakain dahil naiiyak na rin ako sa itsura niya habang tinatawanan siya ng barkada.
Good old days.
"Oh," natigilan si Hester at nagpabalik-balik ang mata niya sa amin ni Taliya. "Okay..."
Tumango si Taliya at nagpasalamat kay Hester—na biglang natahimik.
Kinuha ko ang tyan ng Bangus at agad na nilagay 'yon sa plato ni Taliya. It's her favorite part of the milk fish. The belly fat.
Tumango siya't agad na kinain 'yon bago sumubo ng kanin.
"Thank you!" aniya habang may laman pa ang bibig.
I grinned and nodded. Kinuha ko ang isda sa plato niya at taimtim na tinanggalan 'yon ng tinik.
The problem about her is that she doesn't know how to properly eat this kind of fish. Akala niya wala ng tinik at kakainin niya 'yan, mamaya ay magugulat ka nalang mauubo na siya. Nasa lalamunan niya na pala 'yung tinik.
BINABASA MO ANG
SA PAG-UGNAY (Soul Ties 2)
RomanceShe literally watched him fall deeper in love with someone else. She is the friend, but she's not even in the choices. She is the one who's beside him most of the time, but his eyes are only set to the girl with the beautiful heterochromia eyes. Lia...