CHAPTER 16
Itinigil niya ang sasakyan nang makarating na kami sa tower ng condo.
"Pahinga ka muna. Gamutin mo din 'yang sugat mo. Hindi na kita mab-baby. Busy ako." bilin niya bago ako bumaba.
"Sige na. Ingat ka. Magreport ka nalang sa'kin pagkatapos niyo doon."
"'Ge, boss."
Tinanguan ko siya nang makababa na ako. Bumusina muna siya bago niya pinaharurot ang sasakyan.
Sa nanghihinang katawan ay sumakay ako ng elevator paakyat sa unit ko. Pagpasok ko roon ay pabagsak akong humiga sa kama pagkatapos kong mahubad ang sapatos at binuksan ang ilang botones ng aking longsleeve polo.
Hindi ko namalayan na nakatulog na ako dahil sa sama ng pakiramdam ko. Kalaunan ay naalimpungtan ako, I smelled a familiar scent. I slowly opened my eyes and Taliya's face welcomed me.
Dahil sa pagkabigla, akala ko ay nananaginip ako. Pikit matang nagkunot ang noo ko. Why would she be here? Imposible namang nakapasok siya nang hindi ko pinagbubuksan.
"Gising ka na?" I heard her soft spoken voice. "Kain ka na para makainom ka na ng gamot."
Ha?
I opened my one eyes but she's still there. Umahon ako nang makitang tumayo siya at tinaas ang blinder ng glass window sa kwarto. It revealed the massive city lights of the town this night. Gabi na pala.
"Taliya?"
Nilingon niya ako. She gave me a smile. Muli siyang umupo sa gilid ng kama at doon ko lang tuluyang napagtanto na totoong nasa harapan ko siya.
"Paano ka nakapasok? Ako ba ang nagbukas sa'yo?" I wasn't sure about what happened.
She shook her head. "Cleo handed me the key. May spare key pala siya ng condo mo."
When I looked down, I just realized I'm topless. Tanging ang itim na pantalon ko na suot kanina ang natitira. Sa gulat ko ay nasapo ko ang dibdib ko.
I looked up again to meet her eyes. Nadatnan kong nakatingin na rin siya sa aking katawan pero parang wala lang sa kaniya ang katotohanang hubad ako sa harapan niya.
Agad kong hinila pataas ang kumot at halos mabuhol ang dila ko nang subukan kong mag salita.
"H-Hinubaran mo a-ako?"
She nodded. "Basa ka na sa pawis kanina. I also wiped your body with cold water. Bakit?"
Nasapo ko ang bibig ko at hindi makapaniwala na nagawa niya 'yon nang hindi naapektuhan. Samantalang halos masunog ang mukha ko at lumabas ang puso ko nung ginawa ko yon sa kaniya.
"Panagutan mo ako!"
She scoffed when she realized why I'm suddenly being dramatic.
"Araw-araw akong nakakakita ng matipunong dibdib at matigas na abs sa trabaho. Huwag mo akong simulan."
I gasped dramatically. I almost swallowed her with that gasp. Lalo akong hindi makapaniwala.
"Hindi lang katawan ko ang nakikita mo?!"
Bumanghalit siya ng malakas na tawa, halos mawala na ang mga mata niya dahil banat na banat ng ngiti ang kaniyang labi. She cupped my face and pinched my cheeks.
"Out of all those Greek god-like bodies, yours is my favorite. So don't worry, okay?"
Bumusangot ako.
"It's still unfair." I whined.
Bigla ay namotivate akong mag-gym araw-araw kahit na pinabagsak ako ng lagnat ngayon.
BINABASA MO ANG
SA PAG-UGNAY (Soul Ties 2)
RomanceShe literally watched him fall deeper in love with someone else. She is the friend, but she's not even in the choices. She is the one who's beside him most of the time, but his eyes are only set to the girl with the beautiful heterochromia eyes. Lia...