Chapter 2

9 3 6
                                    

CHAPTER 2

I plan to stop being hard on myself when everything is hard for me already.

Pagbalik ko sa firm ay magaan sa loob kong tinanggap ko ang penalty mula sa pag alis ko ng walang paalam. The penalty was finalized by my furious father after discussing it with other people from higher ups.

"Lakas mo naman mag-AWOL porket anak ka ng tatay mo?" pang aasar sakin ni Cleo.

Binangga ko ang balikat niya at nilampasan siya.

Kakatapos lang ng meeting namin sa bagong kliyente at magiging busy ang mga susunod na buwan para sa'kin dahil tinambakan ako ng mga project mula sa taas bilang parusa.

Dahil kasi sa mga absent ko ay sinalo ng iilan sa mga engineer ang mga naiwan kong trabaho dahil sa deadlines, yung iba pa ay naiwang naka-tengga dahil ako dapat ang magtrabaho noon.

Pero para sa'kin, pabor ang maraming trabaho ngayon.

"Pasalamat ka nga at hindi ako anak ng tatay mo." bato ko.

"Aba, ang kapal naman ng mukha mo para isiping tanggap ka ng angkan ko."

"Syempre, kayo nga ni Thads hindi tanggap, ako pa kaya na hindi nila kadugo?"

"Kaya nga!" biglang natigilan si Cleo at binato ako ng T-square. "Tangina mo, ah. Pasmado 'yang bibig mong hayop ka."

Natawa ako at dinampot ang T-square sa sahig.

"Sorry, dude."

"Gago, ilibre mo ako ng alak ngayon." masama ang tingin niya sakin. "Labas tayo after work."

"Talagang niyaya mo ako kahit ang dami kong pendings?"

He barked a laugh.

Her mom is the second wife of his father after the first wife died in an accident. Cleo's family on his father's side didn't accept how his father moved on from his first wife that fast, they say.

Mas minahal daw kasi ng pamilya ng tatay niya ang unang asawa nito kaya hindi nila matanggap na nagkaroon ito ng bagong pamilya pagkatapos niya.

And that's fucking ridiculous, you see. Wala na bang karapatang sumaya ang isang tao pagkatapos nito mawalan ng kabiyak?

Loving someone new and moving forward in life doesn't mean you didn't ever love that person in the past. There is a version of love from the past and a version of love from the present.

Siguro, mahal niya pa ang una niyang asawa pero hindi na sa dating paraan. Kasi mas may nakahigit na doon. May nakalampas.

But I am just saying that without putting my feet in his shoes.

Kasi kung ilalagay ko ang sitwasyon ko sa tatay ni Cleo, hindi ko maimagine.

There's no one after her. 

After her is no one.

And I don't think I will get over her. Kahit hindi niya na ako mahal, mahal ko pa rin siya. Kahit hindi na siya maabot ng pagmamahal na 'yon. Kahit hindi na niya alam, kahit hindi niya na maramdaman, kahit hindi niya na marinig.

Mahal ko pa rin siya.

Kahit na ang ibig sabihin noon ay dalhin ko ang sakit ng pagmamahal ko sa kaniya araw-araw, until I just lived through the pain everyday, until I just get used to it.

Napatigil ako sa pagt-timpla ng kape sa counter kitchen ng opisina.

Walang araw na hindi ko siya iniisip, until one day I find it very unfair because while she's at ease, I'm in excruciating pain.

SA PAG-UGNAY (Soul Ties 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon