CHAPTER 4
Bumyahe ako patungo sa Zambales dahil doon ang location ng isa sa malalaking project site para sa buwan na ito. I'll go there to lead the team.
As the CEO and member of the board, this project is big deal for me. It is my pride and personality.
Maaga kaming bumyahe ng iilan sa mga kasama kong construction engineer at hapon na ng matapos kami sa sight-seeing kaya naman napagdesisyunan namin na kumain sa labas.
Kumain kami sa isang kilalang resto at nagplano sila na sulitin ang pagpunta rito. Dito naman sila mags-stay ng mga ilang linggo, lalo na ang mga na-assign na mag on-site bago bumalik sa Metro, at baka bumalik din ulit sila hanggang sa matapos ang proyekto namin dito.
Lumabas ang ilan sa kanila pagkatapos kumain para masigarilyo at ako naman ay bumalik sa sasakyan para kunin ang naiwan kong cellphone. Ngunit napalingon ako nang may kung sinong tumawag sa akin.
"Oh? Architect De Chavez? Andito po pala kayo." bati ko sa kaniya at nilapitan siya.
Isa siya sa mga kaibigan ni Papa sa industriya at minsan ko na ring nakatrabaho.
Ngunit mabilis na napadako ang mga mata ko sa kausap niyang babae. A familiar pair of hazel eyes met mine. Parehas na namilog ang mga mata namin nang makita ang isa't isa.
"Oo, ihahatid ko lang 'tong pamangkin ko. May event kasi siyang pupuntahan ngayon d'yan sa Subic." aniya.
Ngunit agad na natauhan ang matanda nang akalahin na hindi kami magkakilala dahil nagsalita si Taliya.
"Engineer din, Uncle?"
Biglang tumaas ang isang kilay ko nang marinig ang tanong na 'yon mula sa kanya. What is this behaviour?
Why is she acting as if we don't know each other? We're literally high school friends! For I don't know how long!
"Ah! Sorry about that," paumanhin ng matanda. "Engineer Morella, this is my niece. Lia Tamara Hernandez. Taliya, si Engineer Ryan Nickolas Morella. The CEO of La Moire Group."
I know her name very well, sir. For a decade now.
Ngunit umaakto talaga si Taliya na tila ito ang una naming pagkikita. She even bowed her head and smiled at me.
"It's nice meeting you, Engineer Morella."
So what is this formal greetings at each other for? Are we some sort of actors here?
"Yeah, same here," walang buhay kong tugon.
Bigla niyang tinakpan ang kaniyang bibig nang bumanghalit siya ng tawa. Halos umikot ang mata ko. Akala ko ba aktor kami rito? Bakit nawawala siya sa karakter niya?
"Maiwan ko muna kayo saglit. Tumigil lang kami rito dahil magsi-CR ako." paalam ng matanda.
"Sige po, samahan ko na kayo papunta roon. Nasa loob po kasi ng resto 'yung ibang kasama ko kaya babalik rin po ako." sabi ko.
"Ah, may project kayo rito sa Zambales, ano?"
I nodded as a response. "Yes, Architect."
Tinapik niya ang balikat ko at hinatid ko na siya sa tapat ng restroom. Bumalik ako sa sasakyan ko para sana kumuha ng bagong damit at magpapagpalit na lang rin, nang tawagin ako ni Taliya.
"Morella!"
Hindi ko 'yon pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Akala ko ba aakto kaming hindi magkakilala? Bakit bigla niya lang akong tinatawag ngayon?
"Kolas!" she shouted.
Napabuga ako ng hangin nang bigla niya na naman akong tinatawag sa pangalan na 'yon. It's her pet name to me since high school.
BINABASA MO ANG
SA PAG-UGNAY (Soul Ties 2)
RomanceShe literally watched him fall deeper in love with someone else. She is the friend, but she's not even in the choices. She is the one who's beside him most of the time, but his eyes are only set to the girl with the beautiful heterochromia eyes. Lia...