CHAPTER 6
Hindi nagtagal ay bumalik ako sa Zambales para ma-assess ang nangyayare doon. But after days of staying, kailangan kong bumalik ulit dahil sa firm, bigla kasi akong pinatawag ni Papa para padaluhin sa board meeting na mangyayari sa susunod na araw.
"Urgent, kailangan kong bumalik sa firm." pagpapaalam ko sa ilang tauhan.
"Ay oo nga pala, rinig ko may meeting na mangyayari sa pagitan ng board members." anang isa.
"Ingat ka, Engr. Ryan."
"Sige, salamat!"
"Dala ka po ulit ng pizza, pasalubong!" hirit ng isa, kaya nahampas siya ng katabi nito.
Ngumisi ako. Hindi naman sa akin galing 'yon.
"Okay!"
Makalipas ang ilang oras na byahe pauwi ay nakarating na rin ako sa condo.
Pagkatapos magluto at kumain ay balak ko na sanang magpahinga muna nang biglang tumunog ang telepono ko sa tawag mula sa dating org mate noon sa college.
"Hello, Belle?"
"Hi, Yannick! Si Belle 'to!"
"Yeah, I still have your number. What's up? Napatawag ka?"
"Nasa Manila ka na ba ngayon?" she asked.
"Yes. Kababalik ko lang, actually."
"Oh shit, akala ko nasa Zambales ka pa."
Napatigil ako sa paglalakad papunta sa kwarto ko at kumunot ang noo.
"Bakit?"
"Balita ko kasi sa batchmate natin nasa Zambales ka raw kaya ikaw ang una kong naisip na tawagan. Sa Subic kasi ang location ng runaway show nila Taliya ngayon. On the way na kami papunta sa venue kaso naaksidente kami at na-confine rito sa ospital."
"What? Okay lang kayo? Nasaang ospital kayo ngayon?" nag aalala kong tanong.
Right. Siya nga pala ang manager ni Taliya.
"We're okay. Minor injuries lang pero hindi talaga 'yon ang itinawag ko, Yannick." sabi niya na tila may mas emergency pa sa pagkaaksidente nila.
"Oh, what is it?" I asked.
"Pwedeng humingi ng medyo malaking favor? Gustuhin ko mang makisuyo sa kaibigan niyang si Venus, wala naman siya sa bansa ngayon. Wala din kasing maasahan na ibang tao sa agency dahil busy din silang lahat."
"It's okay, ano 'yon?"
"Pwedeng ikaw ang maghatid ng mga gamit na kailangan niya for the show?" she hesitantly asked.
"Paniguradong siya lang ang nag aasikaso sa sarili niya doon dahil wala kami, kaya baka sobrang busy niya na at hindi na maaasikaso ang pagkuha ng mga ito." she sighed.
"Pasensya na talaga, Yannick. Alam kong kakagaling mo lang sa Zambales tapos pinapabalik naman kita roon,"
Mahina akong natawa. "No. It's okay. Ihahatid ko lang naman sa kaniya 'yung mga gamit niya, 'di ba?"
"Yes, 'yon lang talaga. Taliya can figure everything out on her own about the fashion show."
I nodded at myself and she gave me where the location of the hospital they are being confined so I immediately went there to pickup the things I needed to deliver.
Pero bago ako bumyahe pabalik sa Zambales ay tinawagan ko ang kapatid ko.
"Yes, why?" Altheria asked as soon as she picked up the call.
BINABASA MO ANG
SA PAG-UGNAY (Soul Ties 2)
RomanceShe literally watched him fall deeper in love with someone else. She is the friend, but she's not even in the choices. She is the one who's beside him most of the time, but his eyes are only set to the girl with the beautiful heterochromia eyes. Lia...