Chapter 15

8 3 1
                                    

CHAPTER 15

I don't know when was the last time I felt my heart peacefully beating, but since that night, my serene, peaceful days have come.

But I guess a peaceful life is not for someone like me.

Magsisimula na ang construction sa watch tower kaya naman umuwi ako ng Zenithal para sa sight seeing at mamonitor ang lahat ng operasyon doon.

Bata pa lang ako, ang una ko yatang natutunang salita imbes na Mama at Papa ay engineer. Bakit? Dahil sanggol pa lang ako lagi nang sinasabi ni Papa na magiging engineer daw ako.

Syempre. Panganay. Tagasalo ng negosyo niya dahil iyon yata ang responsibilidad ko. Pero hindi ko naman maitatanggi na pangarap ko talagang maging inhinyero dahil si Papa ang tinitingala ko mula noon pa man.

Pero simula nang pangarapin kong maging kagaya niya, doon na nagkanda leche-leche ang lahat. Doon na siyang nagsimulang mangialam sa mga gusto naming magkakapatid sa buhay namin.

Doon na nagsimulang umiral ang pangongontra niya sa mga bagay na gusto naming gawin. Na kapag ayaw niya, dapat hindi namin gawin kahit hindi naman masama ang gusto namin.

Dumating sa punto na halos sumpain ko ang sarili dahil lang sa pag idolo ko sa kaniya. Nakakaguilty. Pakiramdam ko kasi ako ang dahilan kaya naghihirap din sila Altheria at Khiel dahil kay Papa.

I feel like my desire to be like him makes him think he has some strings to control me—control us.

Kung hindi ko kaya pinangarap na maging kagaya niya, magiging ganoon pa rin ba si Papa?

Buong buhay ko, kahit kailan ay hindi nakuntento si Papa sa mga nagagawa ko. Bata palang ako, goal ko nang makuha ang validation niya sa field na 'to. But he's always unsatisfied.

"I wish you could do more than this. Kung ganito lang ang kaya mong gawin, hindi ka karapat-dapat na maging tagapagmana ng La Moire. Show be that you deserved to be my son."

'Yon lagi ang mantra niya. Nakakadugo ng tainga.

In order to lessen the burden I felt in the past, hindi ko binigyang interest maging tagapagmana ng La Moire. Sabi ng iba, dapat daw ay magpasalamat pa ako dahil secure na ang future ko.

Pero nakakairita tuwing maririnig ko 'yon, lalo na nung college. Sobrang naiinvalidate 'yung hirap ko dahil dapat ay 'magpasalamat' nalang ako.

Iyon lang naman ang ugat sa lahat ng paghihirap ko. Bakit ko gugustuhang hawakan ang bagay na dahilan kaya lagi akong nasa kompetisyon ng tatay ko?

Dahil doon, hindi anak ang turing niya sa'kin kundi taong kailangang umagaw ng posisyon niya sa kompanyang pinagpaguran niya.

Ever since, I have always had an unstable relationship with my father because of La Moire.

But since I started to work at La Moire, I've learned to care about it. 

Syempre kung hindi, dudugo na naman ang tainga ko sa lahat ng panunuya ni Papa sa'kin. Sa tuwing binabaon ako ng mga masasakit niyang salita, doon ko laging inaahon sarili ko pataas.

Kaya sa tingin ko hindi naman masamang hangarin at isipin na lahat ng narating ko ngayon ay dahil sa pagsisikap ko at hindi dahil kay Papa.

I wanted people around me to appreciate my hard work and efforts if I had achieved something. And stop discrediting my blood and sweat just because I am the son of Rionicko Morella. I've been discredited my entire life.

Matalino raw ako kaya hindi na ako nahihirapan, hindi nila alam na lagi akong subsob sa libro at notebook kahit saan ako pumunta para lang mag-aral. Matalino raw ako kaya di ko na kailangang mag effort.

SA PAG-UGNAY (Soul Ties 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon