CHAPTER 9
Dahil sa nangyaring insidente ay biglang napagdesisyunan ng mga babae na pumunta ng San Antonio para doon magpalamig ng ulo.
Taliya was still shaking in anger because of what happened, and even I am too.
They were packing their things excitedly while I am sighing heavily.
"Sino ang maghahatid sa inyo papunta roon?" I asked them.
Pero halos hindi na nila ako pansinin dahil sa daldalan nila. I suddenly feel out of place with these three.
"Magc-commute, problema ba 'yon?" sagot ng kapatid ko.
Taliya, who was annoyed earlier, is now radiant with a smile while packing her things.
I looked away. Tumingin ako sa bintana at nag-isip.
I may be too old for this... but it's a bit unfair, don't you think? That they are going to have fun while here I am, going on my way back to Metro to work my ass off. Again. Ramdam na ramdam kong kahit CEO ako, alipin pa rin ako ng kompanya ng tatay ko.
Nang matapos na sila ay nagcheck out na kami sa hotel na tinutuluyan namin. Humampas ang hangin ng umaga nang makalabas kami sa building.
May kani-kaniya kaming suot na sunglasses at bitbit na mga bag.
Nagdadaldalan pa rin ang tatlo at halos kalimutan na kasama nila ako. I watched their backs as we walked to where my car is currently parked.
"Maghahanap ako ng pogi sa beach!" hiyaw ni Hester.
"Marami ngang pogi doon," tugon naman ni Taliya.
Halos mapasinghal ako sa narinig.
"Galing kami roon noong nakaraang linggo para sa photoshoot."
"Talaga?" Hester eyes sparkled a bit. "That's good, then!"
Ngumiwi ako at halos umikot ang mata. Then what am I here? You guys don't see me?
"Hester, honey, you're taken." Altheria butt in.
Hester sharply looked at her. "Huli ka na sa balita, single na ako."
Umirap ang kapatid ko at humarap sa akin.
"Una ka na, Kuya. We can handle ourselves."
I silently gritted my teeth.
"Sasama ako."
Sabay-sabay na namilog ang mga mata nila dahil sa sinabi ko.
"Akala ko ba may importante kang kailangan gawin sa Metro?" Taliya asked.
But I am in a bad mood to even care to explain.
"Sasama ako! Samahan ko pa kayo maghanap ng pogi doon!" diin ko.
Agresibo kong kinuha sa kanila ang mga gamit nila para ipasok sa compartment.
Kumunot ang noo nila, lalo na ang kapatid ko.
"What's with him?" Hester asked, confused.
"Ewan ko dyan," Altheria shrugged off.
Nakunot ang aking noo at matalim ang tingin ko sa daan habang nagmamaneho.
Tahimik lamang akong nakikinig sa usapan nila tungkol sa plano nilang pagpunta sa Capones Island. Taliya is seating on the front seat while the other two girls are on the back seat.
Para makapunta sa Capones Island ay kailangan namin sumakay ng bangka sa pamamagitan ng pag-book sa agency.
Si Taliya na rin ang nag-asikaso roon dahil may experience na siya, gaya nga ng sabi niya kanina, galing na sila doon at marami raw'ng pogi.
BINABASA MO ANG
SA PAG-UGNAY (Soul Ties 2)
RomanceShe literally watched him fall deeper in love with someone else. She is the friend, but she's not even in the choices. She is the one who's beside him most of the time, but his eyes are only set to the girl with the beautiful heterochromia eyes. Lia...