CHAPTER 20
Gabi na nang matapos ang pagsh-shoot nila.
Inaya nila si Taliya na dumalo sa dinner party dahil matagumpay nilang natapos ang proyekto ng music video kasama ang buong team at myembro ng bandang Saturn's Ring.
Ngunit nagdahilan siya na may kailangan pa siyang gawin kaya naman humingi siya ng pasensya, at agad na nagsabing mauuna na kaya wala na silang nagawa.
Kinuha ko na ang mga gamit ni Taliya. Sinadya kong kunin sa kamay at braso ni Belle ang mga gamit niya, especially her bag that contained her clothes and skin care products.
Belle's eyebrows arched when she noticed I handed her mostly unessential things of Taliya.
Ngumisi lang ako sa kaniya at ibinaba ang sumbrero sa aking mukha.
Iuuwi ko 'yan sa akin ngayong gabi.
Sinundan ko si Taliya na ngayon ay kausap ang direktor. Busy halos lahat dahil sa pagliligpit ng props at equipment. Nag-usap sila saglit at nagpasalamat sa kaniya si Taliya. Tumama sa akin ang paningin ng babaeng direktor nang mapansin na nasa likuran ako ng kausap niya.
"Sino 'yan?" nguso niya sa'kin.
Nagulat si Taliya nang lingunin niya ako. Hindi niya alam na sinundan ko siya. Mahina siyang natawa at hinila ang kamay ko.
"Best friend ko po,"
Halos lumipad pataas ang kilay ko. What the fuck?
Natawa ang direktor nang mapansin ang ginawa kong ekspresyon dahil sa sinabi niya.
"I see," tango-tango ng direktor. "Pogi ng best friend mo, Tam. Bagay sa'yong maging best friend."
Taliya giggled.
Isa-isang pinasalamatan ni Taliya ang lahat ng crew at staff na nagtrabaho at nagpagod sa pags-set habang nags-shoot. Bakas sa mukha ng mga nakatrabaho niya na natutuwa sila sa dalaga.
The happiness on their faces made it very evident that this woman, who I am crazily in love with, had the biggest, warmest heart and a beautiful soul. That she's on her way to greatness but still manages to be down to earth. She is always thanking people who helped her get where she is now.
She's kind, which is why she will go on to greatness.
Sinundan ko si Taliya habang bitbit ko ang gamit niya. Nang makarating na kami sa parking lot, marahan kong hinila ang kamay niya. Pinipigilan siyang lumiko patungo sa itim na van kung nasaan sila Belle at Dalia.
Binalingan niya ako. But I did not look at her.
"Belle!" tawag ko sa kaniyang manager.
Ngumiwi ang babae at walang imik na nagthumbs-up sa akin mula sa malayo. Agad na naintindihan ang dahilan ng pagtawag ko sa kaniya. I grinned and gave her thumbs-up too.
Pinanood kami ni Taliya na walang ideya sa konteksto ng senyasan namin.
"Uwi mo na 'yan!" sigaw ni Dalia na biglang bumaba sa van. Kumaway siya sa amin habang natatawa.
I chuckled and looked at Taliya's clueless face. She creased her brows at Belle, and later, realization stamped on her face when she noticed her bag on my shoulder.
Hinigpitan ko ang hawak sa kaniyang kamay at naglakad na kami patungo kung nasaan naka-park ang sasakyan ko. Binuksan ko ang pinto ng shotgun seat para papasukin siya roon.
Nang makapasok na siya, hinila ko ang seat belt sa kaniyang gilid at ako na mismo ang nagkabit noon. Pinanood niya ang bawat galaw ko. Nang matapos sa ginawa ay nag-angat ako ng tingin sa kaniya.
BINABASA MO ANG
SA PAG-UGNAY (Soul Ties 2)
RomanceShe literally watched him fall deeper in love with someone else. She is the friend, but she's not even in the choices. She is the one who's beside him most of the time, but his eyes are only set to the girl with the beautiful heterochromia eyes. Lia...