Chapter 5

5 3 3
                                    

CHAPTER 5

After all the meetings, plans, and preparations, the project and construction started hectically.

Ilang araw ang nakalipas ay bumalik ako sa Makati dahil sa iba ko ring hinahawakan at binabantayang projects, idagdag pa ang bundok ng paperworks. 

Marami naman akong iniwang tauhan na magmomonitor at mag-u-update sa akin sa Zambales.

Hindi na rin ako ganoon ka-active sa social media. Minsan ay nakakapagpost pa ako sa Insta kapag nakakalabas ako ng Metro pero madalas ay nakakalimutan ko na ring buksan 'yon.

Madalas nga ay sa post ng mga kaibigan ko sa social media nalang ako nakakakuha ng balita sa kanila. Doon ko nalang malalaman na nasa ibang bansa na pala 'yung iba.

'Yung iba naman sa high school barkada namin ay kinasal na, yung iba ay may anak na. Habang 'yung iba sa kanila, successful na sa kani-kanilang career.

Hindi na rin ako ganoon nakakasagot sa messages pero nung sinabihan ako ni Cleo na may handaan sa makalawa ay agad kong sinabi na makakadalo ako.

"Ha?" gulat niyang tanong at napatayo sa kinauupuan niya.

Weekdays at day-off naming dalawa. Paggising ko ay nandyan na siya sa sala dahil may spare key naman siya ng unit.

Kumunot ang noo ko dahil sa inasta niya.

"Sasama ako," ulit ko.

Nanlaki ang mga mata niya at ilang beses na napakurap.

"Dude, sa Zenithal yung handaan. Hindi sa Manila."

"Kaya nga," 

Hindi ko malaman kung isa ba sa amin 'yung bingi at hindi namin naiintindihan ang isa't isa.

"Weh?" ulit na naman niya.

Binato ko sa mukha niya 'yung binabasa kong magazine dahil sa pagkabwiset. Paulit-ulit naman 'to. Parang sirang plaka.

"Woah," buga niya pagkatapos tumama sa mukha niya ang magazine.

"Parang kailan lang isinumpa mo na hindi ka na aapak ng Zenithal. Halos magmakaawa pa nga si Tita Leilani sa'yo na uwian mo naman sila kahit tuwing bagong taon lang pero nagmatigas ka na tanggihan ang Mama mo."

Napangisi ako nang maalala 'yon. Grabe ang tampo ni Mama noon pero nasuyo ko naman kalaunan.

Tumayo ako at naglakad papasok sa kwarto.

"Kaya mo na, Nick?" he asked. Half concerned. Half teasing.

"Yeah." I shortly replied.

But the truth is, I am not even sure. But to be able to say that I could do it now is a very obvious progress.

Let's see how this will turn out.

I believe the last time I visited Zenithal was two years ago. Almost three. 

Parang ang haba ng tatlong taon na 'yon. Not gonna lie, the first year was excruciatingly painful.

But surprisingly, it became bearable overtime...

Pagkatapos ng trabaho ay bumyahe ako patungo sa Zenithal. Nauna na si Cleo doon kaya mag-isa akong bumyahe ngayon.

When I arrived at Zenithal, everything reminds me of her.

Every corner is her: Costa Cafe, Fort, Central, Symnial Hill, Home of the Clouds, Maria Leticia Academy, and my parent's house are her footprints. 

Even the harsh wind embracing my whole body feels like her. And the smell of fog, grass, and coffee of the cafes taste like her.

In Zenithal, everything is her. And that was why I couldn't bring myself home because... Zenithal is her.

SA PAG-UGNAY (Soul Ties 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon