CHAPTER 19
Tinext niya sa akin ang address ng location kung saan sila nags-shoot ng music video ng banda. The name of the band sounds familiar, minsan ko nang narinig 'yon sa kanila Hester at Altheria. I guess, they're popular most to girlies.
Bago makapasok ay natigil pa muna ako sa mataas at malaking grilled gate. Hindi agad ako nakapasok dahil strikto ang nagbabantay, kaya naman hinintay ko pang dumating si Dalia at binigyan ng senyas ang bantay na kilala niya ako.
Nang makapag-park ay sinalubong ako ni Dalia. She scrutinized my outfit.
I was told I should wear simple outfit, dahil ayon sa kaniya, lahat daw yata ng suot ko ay may Mr. President vibes na napapansin.
I was honestly puzzled about what outfit I should think about wearing to get rid of that vibe she was talking about. So I came up with this one.
White round neck t-shirt with printed design in front, denim pants, white shoes, and a black cap to somehow cover my face.
Dahil ayon ulit kay Dalia, kailangan ko raw matakpan ang mukha ko kahit papaano dahil agaw atensyon daw masyado.
Sinabi niya ring huwag ako magsusuot ng kahit anong accessories, kahit simpleng wrist watch ay bawal.
Actually ang dami niyang sinabi bago ako nakapag-ayos ng sarili. Ang dami niyang gusto. Pero kahit walang sense ay sinunod ko pa rin.
"Ayos na ba? Okay lang?" I asked, honestly expecting her to say 'yes, okay na.'
"Y-Yeah. I mean simple na 'to. Ang layo na 'to sa old money vibes mong pormahan mo," Ngumiwi siya. "Ewan ko. Kahit ano yatang gawin mong pag-iiba ng style sa sarili mo, ang lakas pa rin ng dating mo," umikot ang mata niya.
"Tara na, nasa gitna na sila ng shooting. But we still have a lot of things to do."
She led the way, so I followed her. I looked around at the villa while listening to her list of what I should do today.
Based on the architectural design, they probably shot the music video inside of an ancestral house with an old Spanish era style. Bahay na bato, but compared to the common style, this one is very Spanish.
As I entered the house, I immediately understood that most parts of the ancestral house were said to be avoided.
Ang tanging maaring okupahin lang ay ang sala, balcony, harap at likod ng bahay. I couldn't help but notice the rare design and style of the house.
I appreciate its beautiful curved corner with only Capiz windows. Especially the intricate woodwork, corbels, and leaf and floral sculpture on the upper stucco between the wooden upper floor and lower wall.
Nasa likod sila naka-set ngayon ay nang makarating kami roon ay kasalukuyan pa rin silang nags-shoot. May iilan na napapalingon sa akin at nagtataka. Siguro ay iniisip kung sino ako.
Yumuko ako nang maramdaman na nagsisimula na akong umagaw ng atensyon.
And I feel like it would be bad. Dahil kung makakaagaw ako ng atensyon ay baka malaman agad ni Taliya na nandito ako. Baka hindi pa ako nagsisimula na lapitan siya ay nakalayo na agad siya sa'kin.
Mas lalo akong yumuko. I pulled down the cap even more, trying to cover my face. And to be honest I don't know if that helped at all.
"Dal, sino 'yan?" rinig kong tanong ng isang babae kay Dalia.
"Ah, ito? PA ni Taliya." dahilan niya. "Sige na, tuloy mo na 'yang ginagawa mo, mhie. Huwag mong pansinin 'to!"
"Ay. Akala ko inis-scout mo! Gandang lalake naman ng PA ni Tamara?"
BINABASA MO ANG
SA PAG-UGNAY (Soul Ties 2)
RomanceShe literally watched him fall deeper in love with someone else. She is the friend, but she's not even in the choices. She is the one who's beside him most of the time, but his eyes are only set to the girl with the beautiful heterochromia eyes. Lia...