Chapter 32

9 1 1
                                    

Song of the chapter: Oceans & Engines by Niki.

CHAPTER 32

RYAN NICKOLAS

"You guys worked hard today. See you tomorrow!"

"Thank you, Engineer Montazon! See you tomorrow po!" they chanted as they waved their hands.

I smiled as I waved back to them. Umalingawngaw pa ang tawanan nila habang naglalakad palabas ng opisina. I sighed when they are gone and looked at my wrist watch.

Mukhang napahaba ang meeting namin, ah?

"Yare na ako..." bulong ko sa sarili at napakamot sa akin sentido.

It's been four months since I started my own company after I destroyed La Moire. It was a rocky road to get to where I am today. Pero hindi ko naman magagawa ito nang ako lang dahil maraming tumulong sa akin.

Damang dama ko na ang pagiging lihitimong CEO ng kompanya para mapatayo ang Clara Stella sa sarili nitong mga paa. It's not yet as big as La Moire, but it's doing well with its pace. Marami pa akong kailangan gawin at patunayan sa industriya.

Nakakapagod, pero napaka fulfulling.

My father was sentenced to more than ten years in prison for tampering with evidence and obstruction of justice, while his best friend was sentenced to life imprisonment.

Isang beses ko lang yata siya nadalaw sa loob ng kulungan pero hindi niya ako pinayagang makita siya dahil umayaw siyang tumanggap ng bisita. Simula noon ay hindi ko na ulit sinubukang dalawin siya.

At apat na buwan na rin siyang wala sa tabi ko.

I miss her so much.

Napalingon ako sa pinto nang muli iyong bumukas at sumalubong sa akin ang mukha nina Jerry at Cleo.

"Tara na," nagmamadaling aya ni Cleo. "Kinakabahan na itong si loverboy at baka daw pumalya ang pa-surprise niya kay Sheenly dahil ang bagal-bagal mo!"

Siniko siya ni Jerry dahil sa matabil niyang dila. Jerry's obviously not used to it yet. Bahagya akong natawa at mabilis na sinuot muli ang aking coat na nakasampay sa likod ng swivel chair. Madali kong kinuha ang aking bag at nilapitan na sila upang lumabas na ng opisina.

"Tara,"

"Baka andoon na siya, hindi ko pa naayos yung pasurprise ko!" Jerry ranted as we walked on the hallway.

"Sisihin mo yang boss mo! Nagpaantay pa!"

"Nauna na sana kayo!" patol ko.

"Ay! Ewan ko sayo, Kolas!" iritang singhal ni Cleo habang nagmamadali kaming pumunta sa parking lot.

Natawa ako. Isa na sa board of directors ng Clara Stella si Cleo kaya ganyan na siya umakto sa harapan ko. Pero sa bagay, kahit naman nung tauhan pa lang siya La Moire, masama na talaga ugali niya.

Pagdating namin sa venue kung saan planong surpresahin ni Jerry si Sheenly ay mabilis namin siyang tinulungan. Habang ang mga babae sa grupo namin ay nasa daan na para ihatid dito ang birthday girl na si Sheenly.

"Andyan na siya! Huwag kayong maingay! Shh!" malakas na bulong ni Cleo.

Mabilis kaming nagtago habang hinihintay na makapasok si Sheenly sa loob. Takang-taka siya dahil pagpasok niya'y walang ilaw, ngunit halos mapaigtad siya sa gulat nang biglang lumiwanag ang buong paligid nang buksan ko ang ilaw.

Nasapo niya ang kaniyang bibig sa gulat nang pinasabog ni Cleo ang confetti sa kaniyang mukha habang hawak ni Jerry ang cake na may kandila.

The girls clapped their hands as they laughed loudly with Sheenly's aggressive reaction. Sabay sabay namin siyang kinantahan ng happy birthday song. Halos mapunit ang labi ni Jerry habang pinapanood ang reaksyon ng kaniyang nobya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 22, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SA PAG-UGNAY (Soul Ties 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon