Chapter 14

4 3 5
                                    

CHAPTER 14

Humampas ang malamig na simoy ng hangin ng Tagaytay sa aking pisngi habang umiinom ng kapeng barako. Birthday ng pinsan kong si Russel at sa Tagaytay Highlands nila dinaos 'yon.

Hapon na at malapit nang lumubog ang araw. Amoy na amoy ko mula rito ang binu-brew na kapeng barako mula sa kabilang ibayo. Dahil sa lakas at direksyon ng hangin, kahit mula pa 'yon sa malayo ay nakarating sa pang amoy ko ang kape.

Dahil tuloy doon ay nagcrave ako kaya naman kasalukuyan na akong humihigop ngayon ng mainit init pang kapeng barako.

"I heard about your new project, Kuya Yan." biglang sulpot ng birthday boy.

Pinsan ko siya kay Mama, so he's not a Morella but a Laurel.

"Saan doon? Ang dami kong new projects, Rus." baling ko sa kaniya.

Tumabi siya sa akin habang may hawak rin ng umuusok pang tasa ng kape. Hindi ko alam kung common thing na ba 'to, pero kapag may isang myembro ang nakitang nagkape, dapat ay may nakahanda na ring kape para sa lahat.

Matunog siyang ngumisi.

"Yung watch tower park sa Zenithal," sagot niya. "Mula nang lumabas ang balita na kayo ang magtatayo, naging maingay yun. Many people are looking forward to it." aniya at sumimsim sa tasa.

I silently nodded. "We knew it will catch people's attention that's why we agreed to do it."

"Pero alam mo ba kung sino inspiration ng design ng watch tower na 'yon?"

Nilingon ko siya umiling. "Sino?"

Nagkibit balikat siya. "Aba malay ko, kayo tumanggap ng project na 'yon tapos hindi mo alam?"

Tinadyakan ko ang binti niya dahilan kaya mabilis siyang umiwas. Humalakhak siya.

"Tarantado. Kung makapagtanong ka, akala ko naman may it-trivia ka." singhal ko.

"Pero seryoso, may rumor na kumakalat sa Zenithal tungkol d'yan sa watch tower," bawi niya.

Humigop ako ng kape at hinintay siyang magsalita.

"They said its design is inspired by a woman who is fighting against time."

"May taning na 'yung buhay?" I asked.

He nodded.

"The designer wished to build that watch tower to forever remember her once she took her last breath. Some say that the dying lady wished to take her last moments peacefully in the park. Pero baka daw hindi pa tapos 'yung tower, wala na siya."

"Is that even real?" I further asked.

Hindi ko alam na may malalim na kwento pala 'tong itatayong watch tower dahil wala namang sinabi ang architect na humawak niyan.

But, oh... I remember the line she said: we don't truly own our time, so we should savor it.

Tumango sa akin si Russel. "But I don't know, ha? Madami kasing rumors about d'yan sa watch tower kaya naging maingay talaga yan sa Zenithal. But some could be baseless rumors so just take it with a grain of salt."

I deepened my breath and nodded. The sun is on its way to settle. And the clouds started to bleed colors, but mostly pink and gold.

Tumaas ang gilid ng labi ko. Sunsets are starting to remind me of Taliya. Not because she loves it, but because it feels like her.

Peaceful, silent, serene, calm, and a sign that it's time to go home. That is what a sunset feels like.

And sunsets.... how oddly it could end, sunset feels like her.

SA PAG-UGNAY (Soul Ties 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon