CHAPTER 30
RYAN NICKOLAS
Habang inaayos ang tuluyang pagsara ng La Moire, marami pa rin ang kailangan asikasuhin. Ang huling bayad na matatanggap ng mga empleyado, lalo na ang mga hindi pa tapos na projects.
It was stressing everyone out. Ilang araw na rin akong walang maayos na pahinga, wala na ring tulog si Jerry dahil sa lahat ng 'yon. Kasama ko rin sina Ate Yzza sa lahat ng pag aasikaso.
Ngunit sa gitna ng kaguluhang 'yon ay nakatanggap ako ng isang tawag.
"There was a shooting incident happened in Zenithal. Tito Laurence was shot in the chest. And... Tita Leilani was included. They are both in the critical condition right now."
'Yon ang sinabi sa akin ni Ziemlich sa tawag.
Tito Laurence tried to assassinate Fernando Ramirez with his own gun. He think that's the best way to avenge his wife's brutal death. He lost faith in justice system of this country that the kind of justice he can only think about now is to kill him with his own hands.
And my mother heard about his plan so she tried to stop him. Tito Laurence failed with his plan and got shot instead, together with my mother who tried to save him.
Humahangos akong tumungo sa ospital. Iniwan ko muna ang pag-aasikaso sa La Moire sa kamay nila Ate Yzza at Jerry.
Malakas ang pagkalabog ng dibdib ko habang mabilis na tumakbo kung nasaan ang operation room. Naabutan kong nakaupo ang dalawa kong kapatid habang nakaabang sa pinto ng operation room.
"Kuya..." nabasag ang boses ni Altheria nang makita niya ako.
Agad ko silang nilapitan at agad akong niyakap ni Altheria. Khiel was suppressing his tears from falling. Yumuko siya at huminga nang malalim nang makita ako. Until he finally broke down.
Niyakap ko rin siya at tumingala upang pigilan ang sariling maging emosyonal. I rubbed their backs.
"Everything's going to be alright. Mama will be okay, hmm?" I whispered to them multiple times until they both calmed down.
They've calmed down because they have someone to rely on, now that our mother is in the critical situation. So I need to strengthened of role of being the pillar. Because if I fall apart, no one can hold the two of them together.
Ziemlich wasn't here. Probably she's somewhere else. I hope she's somewhere safe...
Dumating si Cleo habang hinihingal pa. Nakagat ko ang ibabang labi ko nang magtama ang mga mata namin. Agad niyang naintindihan ang mga mata ko kaya naman nag-iwas siya ng tingin at tinapik lang ang aking balikat.
Mensahe na nariyan lang siya.
Huminga ako ng malalim at bumagsak ang mata sa aking sapatos. Ilang oras na silang nasa operation room at wala pa ring lumalabas na doctor. Habang humahaba ang oras ng paghihintay namin ay mas lalong napupuno ng takot ang aming dibdib.
Napalingon kaming apat sa malakas na yapak ng kung sino sa pasilyo. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Taliya 'yon. Nasa likod niya nakasunod si Venus at sabay silang humahangos na lumapit kung nasaan kami.
Tumayo ako upang magsalita at ipaalam sa kaniya ang nangyari. Ngunit nagulat ako nang kabigin niya ako para isang mahigpit na yakap.
When I finally felt her warmth, I feel like I was melting. Para bang 'yon ang tamang oras upang hayaan ko ang sariling manghina habang nakakulong pa ako sa kaniyang bisig.
"I've heard about what happened..." she whispered. Humiwalay siya sa yakap. "Are you okay?"
I looked at her. Nag-init ang sulok ng mga mata ko. I can't believe she can even ask me that when her father is also in the operation room. Nauna niya pa talagang tanungin kung kumusta ako imbes na tanungin kung kumusta na ang Papa niya.
BINABASA MO ANG
SA PAG-UGNAY (Soul Ties 2)
RomanceShe literally watched him fall deeper in love with someone else. She is the friend, but she's not even in the choices. She is the one who's beside him most of the time, but his eyes are only set to the girl with the beautiful heterochromia eyes. Lia...