KARINA POV
"KARINA totoo bang sabay kayong dalawa ni Sir Yasser na pumasok? Nabalitaan KO lamang kasi"nahihiya pang tanong ni Mariel.
"Oo",walang ganang tugon ko.
"Paano nangyari iyon?"tanong niya pa.
"Ahh nakita kasi niya akong naglalakad kanina tapos ayon pinasakay ako"ang pagsisinungaling ko.
"Ahh ganon ba? Buti naman okay na kayo"nakangiting sabi niya.
Hindi na ako umimik pa. Okay ba ang tawag Doon ehh halos pamatay nga ang tingin sa akin nung lagyan ko ng asin ang kape niya.
Dumating na siya hayy nako heto naman kami sa subject niyang nakakaantok at walang kwenta. Bakit ba kasi kailangan may history pa ako ehh engineering Naman ang kinukuha kong course?"Good morning class"ang pagbati niya.
"Good morning Mr. Quarles"ang pagbati namin.
"Okay class our topic for today Is all about Dr. Jose Rizal's life"ani nito at nagdiscuss na naman. Ano ba naman ang mapupurat ko sa subject na Ito?
"Ms. Aquino nakikinig ka ba?!"may diing tanong niya.
"Oo naman Yas- Sir"ani ko.
"Kung ganon kailan at saan ipinanganak si Dr. Jose Rizal?"seryosong tanong niya.
"December 30. Ohh Diba sir ang galing ko kaso Hindi ko tanda ang taon ka-"Hindi na naituloy ang sasabihin ng muli itong sumigaw.
"SINONG PONTIO PILATO ANG NAGSABI SAYO NG PETSANG IYAN MS, AQUINO?"Sigaw niya.
"Nakita ko po kasi sa kalendaryo na may Pula at ang nakalagay ay Rizal day?"taas noong sagot ko.
Nagtatawanan ngayon ang mga kaklase ko. Ano Naman Kaya ang nakakatawa Doon? Tama naman ahh holiday nga iyon ehh.
"STOP!"Sigaw nito Kaya tumigil sila.
"Saan ipinanganak si Dr Jose Rizal?"mahinahon ngunit nagtitimping tanong ni Yasser.
"Sir ang alam ko po kasi ung birthplace niya ay nagsisimula sa letter C. Hindi ko lamang kung Caloocan ba o sa Camiguin Tarlac"nalilitong tugon ko
NAGTAWANAN na Naman sila. Hindi ba nangangalay ang mga bunganga nitong sila katatawa? Ehh kung sa hindi ko alam ehh.
"WHAT THE F*CK MS. AQUINO ALAM MO BA NA KAHIT ELEMENTARY ALAM ANG TUNAY NA SAGOT DIYAN??"nanggagalaiting sigaw niya habang patuloy na nagtatawanan ang mga kaklase ko.
"MS. AQUINO GUMAWA KA NG SUMMARY TUNGKOL SA BUHAY NI DOCTOR JOSE RIZAL. KAILANGAN ABUTIN IYON NG TATLONG PAHINA NG NOTEBOOK MO!"saad pa nito.
"Sir tatlong pahina? Summary pa po ba iyon??"tanong ko.
"Magrereklamo ka o ibabagsak Kita?"tanong niya pa.
"Gagawin ko na po"sagot ko.
"Kailangan maipasa mo agad yon sa akin sa araw ng huwebes"saad pa nito.
Huwebes? Teka martes ngayon ahh isang araw lang ang palugit?
"Karina makinig ka kasi kaya ka laging pinag-iinitan ni Sir ehh"ani ni Mariel.
"Ang sabihin mo nireregla lamang ang isang iyan"inis na sambit ko pero ganon na lamang ang pagkagulat ko ng biglang may nagsalita sa tabi ko
"Sino ang mukhang may regla Ms. Aquino?"seryosong tanong niya. Madilim ang mukha niya.
"Ahh si Hillary po sir. Dinig ko kasi may regla siya"mahinang saad ko.
"Buti pa ang regla ng iba nasa isip mo pero kung makakapasa ka o Hindi sa subject ko hindi mo naiisip"sambit nito.
"Baka naman sa ipinagagawa ko sayo kahit menstruation ni Ms. Fuentes ilagay mo?"ani pa nito.
Aba ano ang palagay sa akin nito. T*nga?
--
NAKAKASAKIT ng ulo ka Yasser! Ano ba ang ginawa ko sayo para parusahan ako ng ganito? How dare you! Sa totoo lang, okay naman talaga ako sa ibang subject maliban lamang sa history. Kasama ko ngayon sa cafeteria si Mariel. Ito na ang last vacant namin.
"Alam mo ba ang sarap niyang tirisin"nanggagalaiting sambit ko.
"Lagi ka kasing makinig. Napakadali lamang naman ng history. Ahh teka alam mo na ba ang bagong chika?mainit init pa to bes"nakangiting ani niya
"Ano Naman iyon?"tanong ko
"Narinig kong nagkukwentuhan sina Sir Jerome at Sir Yasser kanina. Alam mo ba? May panibagong asawa na pala si Sir? Kasama na niya ang Babae sa bahay ngayon!"ani pa niya.
Asawa? Sino? Ehh bukod sa akin, mga katulong lang naman ang naroroon.
"Sigurado ka ba sa sinasabi mo?"tanong ko.
"Oo nga"ani nito.
Hindi na ako nagsalita pa. Nakakapagtaka baka naman... Teka hindi kaya ipinangangalandakan ng isang iyon na mag-asawa Kami? Hanggang sa nag-uwian na ay magulo parin ang aking isip. Kaagad akong pumasok sa kotse niya na nakaparada. Mayamaya pa ay dumating na siya at pumasok. Wala namang masyadong estudyante sa paradahang Ito kaya tiyak na walang nakakita sa akin.
"Yung ipinagagawa ko sayo. Gawin mo na pagkauwi natin"seryosong sambit nito at nag-umpisa nang magmaneho.
"Ahhm may itatanong lamang sana ako"ani ko
"Ano iyon?"tanong niya.
"Narinig kasi kayo ni Mariel na nag-uusap kayong dalawa ni Sir Jerome. Sabi niya may asawa ka na daw? Totoo ba iyon?"tanong ko.
Ngumisi Ito bago sumagot.
"Hindi ka lamang pala madaldal tsismosa at usisera ka rin. Iyong ipinagagawa ko sayo ang intindihin mo huwag ang Kung anu-ano. Si Jerome ang nag-asawa hindi ako"tugon niya.
Pakiramdam ko para akong nabunutan ng tinik sa narinig. Naging tahimik kami pareho hanggang sa makauwi.
"Hi mommy!"pagbati ni Clyde at kaagad akong niyakap.
"Mommy pwede po ba ulit tayong magplay?"tanong niya.
"Ah anak Kasi"
"May ipinagagawa ako sa mommy mo anak. Kailangan niya itong tapusin"sabat ni Yasser.
"Alam mo ba anak pinahihirapan ako ng daddy mo?"ani ko.
"Dad? Totoo po bang pinahihirapan ninyo si Mommy? Bakit?"naiinis na tanong ni Clyde sa ama niya.
"Kailangang matuto ng mommy mo anak. Ikaw ano ba ang gusto mo yung wala siyang alam o Meron?"tanong ni Yasser sa anak.
"Syempre po yung Meron. Ahh sige po mommy Kami na lamang po nina ate Faye at Ate Anne ang maglalaro. Mag-aral ka pong mabuti,"ani niya at nagtungo sa mga kasambahay na nais niyang kalaruin.
Ano ba iyan? Akala ko magkakaroon na ako ng kakampi.
"Kung inaakala mong maiisahan mo ako nagkakamali Ka"ani ni Yasser at pumasok ng bahay habang patawa-tawa.
Whatever..
BINABASA MO ANG
Mafia lord anakan mo ako
RomanceSi Prinsesa Janina ay ang nag-iisang anak nina Haring Armeo at Reyna Halisha. Siya ay ang Asawa ni Yasser Theodore Quarles na isang Mafia lord. Nagluksa ang lahat dahil sa biglaang pagkawala niya. Hanggang sa paglipas ng halos apat na taon ay napagd...