YASSER POV
NGAYONG araw itinakda ang araw ng piging. Karamihan sa mga imbitado ay mga mayayaman talaga. Matapos na ako ay maayusan ay kaagad akong nagtungo sa kwarto namin ni Karina. Nais kong makita kung gaano kaganda ang aking asawa. Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko siya na kasama si Clyde. Tapos na din pala silang ayusan at nakalagay sa kanyang ulo ang korona ng Prinsesa.
"You're so pretty Mrs. Quarles"Turan ko.
"And you're so handsome honey"tugon niya.
"Dad okay lang po ba itong suot ko?"tanong ni Clyde.
"Oo anak sa totoo Lang bagay na bagay sayo! You're so cute baby!"nakangiting Turan ko sa aking anak.
KARINA POV
"Ahm Excuse me po magsisimula na ang event!"ani ng organizer.
"Let's go"Turan ko sa mag-ama ko.
Naupo na ang lahat. Naririto kami ngayon sa unahan. Ang buong imperial family at ang mga miyembro ng gabinete.
"Sa ating pag-uumpisa, bibigyan natin ng pagkakataon upang magsalita at rumampa ang mga magagandang kababaihan dito na may katungkulan sa palasyo. Simula sa mga babaing cabinet member hanggang sa Prinsesa"ani pa ng organizer.
Sampung kababaihan ang sasampa sa entablado kasama na ako. At isa-isa na ngang rumampa ang lahat at nagsalita. Maya-maya pa ay nagkaroon na ng pagkakataon si Avenir.
"Hi Ako si Avenir Vergara! Ang secretary ng hari for almost two years. Nagpapasalamat ako sa Hari at reyna dahil sa opportunity na ibinigay sa akin at natutuwa din ako na makisalamuha sa inyo sa gabing Ito. Nagpapasalamat din ako sa boyfriend ko na si Jerome! Salamat sa lahat I love you! And btw congratulations kay Prinsesa Karina! That's it"aniya at tumabi sa iba pa.
"At heto na nga. The last but not the least! Ang ating napakagandang Prinsesa! Si Princess Karina!"ani ng organizer.
Tumayo ako at nagkaroon ng pagkakataon para humarap sa lahat bago rumampa at nagsalita.
"Hello po sa lahat! Magandang Gabi. Una sa lahat nais kong pasalamat ang Hari at Reyna dahil tinanggap nila ako ng buong puso dito sa palasyo I love you both Mom and Dad! Nagpapasalamat din ako sa inyong lahat dahil pinaunlakan ninyo ang aming invitation. Salamat sa pakikisaya. Kay Clyde salamat sa pagiging malambing at masunuring anak. I love you baby sana ipagpatuloy mo lang iyan. Mommy is always here for you! At sa aking asawa kay Yasser, thank you sa pagmamahal at patuloy na pagpapasensya mo sa akin. Salamat sa pagiging mabuting asawa at ulirang ama. Pasensya na kung minsan ay makulit ako at pasensya narin kung hindi ko naisuot ang ipinagawa mong sapatos para sa akin"mahabang Turan ko.
"Ngunit bakit kamahalan?"tanong ng isang reporter. Yeah may mga reporters din sa loob at nakatutok ang camera nila sa akin habang si Yasser naman ay nakatingin at halata sa mukha niya na dismayado siya
"Iyon ay dahil may nagtangka ng masama ss akin at sa aking dinadala. May sumira ng sapatos ngunit kaagad din itong nakarating sa aking kaalaman kaya nagawan ko agad ng paraan"ani ko.
"SINO ANG MAY GAWA NON KARINA? SINO ANG TAONG MAY GUSTONG MANAKIT SAYO?"nanggagalaiting sigaw no Yasser.
Halata sa mukha niya ngayon ang sobrang galit. Galit na kailanman ay hindi ko pa nakikita sa mukha niya habang halata naman sa mukha ni Avenir ang labis na kaba.
"Ang taong may gawa nito, ay walang iba kundi ang secretary ng hari! Si Avenir!"derektang pagturo ko sa kanya.
"SINUNGALING!"Sigaw ni Avenir at akmang susunggaban ako pero dahil sa pagnanais ng treasurer na maawat siya at nahila nito ang kanyang gown at nagulat ang lahat sa sumunod na nangyari. Unti-unti siyang nahubaran ngunit pilit niyang kinuha ang ilang tela na nalagas at itinakip sa kanyang katawan.
"WALA KANG KARAPATANG SAKTAN ANG ASAWA KO AT ANG MAGIGING ANAK NAMIN!"Sigaw ni Yasser.
Akmang sasaktan na niya si Avenir nang makiawat na sina Jerome at si daddy.
"Tama na iyan Yasser! Huwag kang mag-alala dadaanin natin Ito sa legal! Ako na ang bahala"ani ng Hari.
"H*YOP KANG BABAE KA NAPAKALANDI MO! PATI ASAWA KO PINATULAN MO PARA PERAHAN HIGAD!!"sigaw ni Mrs. Chua at agad na sinunggaban si Avenir na ngayon ay wala nang ibang magawa kundi ang umiyak.
"Okay ka lang ba honey?"nag-aalalang tanong ni Yasser sa akin.
"Yes hon. Okay na okay ako"tugon ko.
"Buti nalang at nalaman mo agad dahil kung nasaktan ka ay baka nakap*tay ako ngayon!"tugon niya.
"Calm down okay?"ani ko
"H*YOP KA! H*YOP KA!"ang patuloy na pagsigaw ni Mrs. Chua habang inaawat nila.
Ang mga reporter ay patuloy paring nakatutok. Gusto mo palang mas mapansin ka kaysa sa akin hah! Pwes nagtagumpay ka!
Inalis nila si Avenir at idinetain pansamantala sa isang silid at pinagbihis. Hihintayin munang matapos ang kasiyahan at kinabukasan ay tiyak na matatanggal na siya. Nakaalis na siya at lahat ay patuloy parin ang bulung-bulungan sa loob.
"Ipagpatawad ninyo kung kailangan pa ninyong masaksihan ang lahat. Sa totoo lamang ay nagulat din ako at hindi na nakapagtimpi pa ngunit kaysa paulit-ulit na isipin ang mga nangyari ay mabuti pang ipagpatuloy na lamang natin ang kasiyahan"ani ko at bumaba sa entablado kasama ang asawa ko.
Bumalik kami sa aming pagkakaupo.
"Pasalamat talaga siya dahil kung hindi nila ako naawat ay mabblack eyean ko siya! H*yop!"nanggagalaiti paring turan ni Yasser.
"Hayaan mo na. Ipaubaya na lamang natin sa Hari ang magiging pasya niya tungkol sa bagay na Ito"tugon ko at hinawakan ang kamay niyang nakakuyom.
MIRA POV
NAKITA ko ang buong pangyayari at hindi mapigilang mapatawa. Biruin mo ang babaing hambog at madalas mambully sa akin napahiya pa ng todo? At may sugar daddy din pala ang br*ha. Nandito ako ngayon sa may tapat ng kwartong pinagkukungan sa kanya at biglang bumukas ang pinto.
"Ms. Vergara bawal kang lumabas!"sambit ng isang nakabantay sa pinto.
"Hoy! Sec ang itawag mo sa akin! Secretary parin ako! Teka Mira ikuha mo ako ng cupcake nagugutom ako bilis!"maawtoridad na utos niya. K*pal ng mukha talaga!
"Masusunod po Sec!"tugon ko.
Kaagad akong nagtungo sa kusina at nakita ko ang mga cupcake. May nakita akong ipis sa dingding. Maganda siguro kung makaganti din ako sa sarili kong pamamaraan. Kaagad kong hinampas Yung ipis dahilan para mamatay Ito. Maingat kong inislice ang isa sa mga cupcake at isiniksik ang Ipis sa loob. Bale Lima ang dinala ko. At ang isa nga ay may lamang ipis.
"Heto na po ang cupcakes Sec!"malakas na Turan ko at bunuksan niya ang pinto..
"Ang bagal bagal!"angal pa niya at kinuha ang mga Ito.
AVENIR POV
LABIS na kahihiyan at gutom ang inabot ko. Wala akong ibang magawa kundi ang mag-iiyak. Inilapag ko ang cupcakes sa side table at kinain ang mga Ito. At ang huling natira at kakainin ko na din h*top na Mira iyon Di man lang dinamihan! At ANG tagal pa! Pagkagat ko sa cupcake ay biglang may nanguya akong malutong at sobrang sama ng lasa kaya nailuwa ko Ito. At Doon ko napansin na may slice Pala ang cupcake! Binuka ko ito at may nakita akong...
"IIIPPPPPIIISSSSS!!!! KYYYYYAAAAAAHHHH!!!"
BINABASA MO ANG
Mafia lord anakan mo ako
RomanceSi Prinsesa Janina ay ang nag-iisang anak nina Haring Armeo at Reyna Halisha. Siya ay ang Asawa ni Yasser Theodore Quarles na isang Mafia lord. Nagluksa ang lahat dahil sa biglaang pagkawala niya. Hanggang sa paglipas ng halos apat na taon ay napagd...