CHAPTER 37

1.7K 53 0
                                    

KARINA POV

NAGTATAMPO siya ngayon dahil sa nalaman niyang bawal Naman talaga Yung gusto niyang mangyari. Hindi ko daw sinabi agad At inuto ko pa daw siya which is totoo Naman. Nagluluto ako ng mga paborito niyang pagkain para na din sa aming almusal. At pagkatapos ay ipinatawag ko na si Clyde. Nagpunta naman ako sa room namin ni Yasser. Hindi niya ako pinapansin.

"Hon sorry na please"ani ko.

"Alam mo ba niluto ko lahat ng favourite mo"ani ko.

Huminga siya ng malalim bago nagsalita.

"Fine!!"napilitang sambit niya.

"Galit ka parin ba?"tanong ko at ngumuso.

"No. Let's go"tugon niya at ang almusal na nga kami.

ONE WEEK AGO

"KAMAHALAN may naghahanap sa inyo sa labas. Gener ang pangalan"ani ni Mira.

"Sige bababa na ako"ani ko at nilabas siya.

"Papasukin siya"utos ko sa imperial guards kaya binuksan nga nila.

Nagtungo kami sa hardin at naupo.

"May natuklasan ka na ba?"tanong ko.

"Meron kamahalan"tugon niya at may isang brown envelope na iniabot sa akin.

Binuksan ko Ito at may tatlong profile akong nakita. Isa kay Avenir at Yung dalawa naman ay matandang lalaki at babae. May pictures din na kasama ni Avenir ang matandang lalaki.

"Anong ibig sabihin nito?"tanong ko.

"Ang lalaki at ang Babae na iyan ay sina Mr at Mrs. Chua. Mayayamang negosyante din sila kagaya mo. Aking napag-alaman na si Avenir ay kabit ng matandang lalaking iyan. Sa kanya nagmumula ang kayamanan nito. At heto pa kamahalan"ani niya at kumuha muli ng isa pang brown envelope sa suitcase niya at iniabot sa akin.

"Para saan naman Ito?"tanong ko.

"Iyan ang mga kayamanan ni Avenir na pinakikinabangan niya ngayon. Wala siyang alam na kay Mr. Chua parin nakapangalan ang lahat nang iyan at hindi sa kanya!"ani niya.

"So pati pala ang bahay niya ay hindi rin sa kanya nakapangalan. T*nga naman Pala ang isang Ito"ani ko habang sinusuri ang mga papel.

"Siyang tunay"tugon niya.

"Alam ba Ito ni Jerome?"tanong ko.

"Hindi dahil palihim ang nagiging pagkikita nina Avenir at Mr. Chua. At isa pa ang alam ni Jerome ay pinaghirapan ni Avenir lahat ng iyon"ani niya pa

"Mabuti kung ganon"nakangiting Turan ko.

"Anong balak mo Mahal na Prinsesa?"tanong ni Gener.

"Basta Gener. Mag-abang ka nalang sa mga susunod na mangyayari"tugon ko.

Pababagsakin kita Avenir....

--

KARINA POV

NAKAformal attire lang ako ngayon at sandals. Nakared lipstick at expensive na shoulder bag na bigay ni Yasser dala ko Rin ang dalawang brown envelope na iniabot sa akin ni Gener. May kasama din akong sampung imperial knights. Wala si Yasser. Nasa headquarters nila. Patungo ako ngayon sa bahay ni Mrs. Chua. Tatlong kotse ang dala namin at lulan ako ng nasa likod. Pagkababa ay kaagad Kaming nagdoorbell. At may guard naman na nagbukas.

"Mahal na Prinsesa? Ikaw Pala!"nagugulat na Turan niya.

"Nandyan ba si Mrs. Chua? Nais ko siyang makausap"ani ko.

"Nasa loob siya kamahalan. Halika pasok kayo! Ate Thess patawag si Madam may naghahanap sa kanya!"ani ng guard.

Pinaiwan ko na ang mga kasama ko sa labas at mag-isa akong pumasok. Pinaupo nila ako sa salas. Tunay ngang maganda ang pamamahay nila. Hanggang sa maya-maya, ay may isang babaing may edad ang bumaba sa hagdan.

"Magandang umaga kamahalan. Ano ang sadya mo?"tanong niya at naupo sa harapan ko.

"May nais akong ipaalam sa inyo tungkol sa inyong asawa at sa babae niya"tugon ko.

"Babae? May babae ang ASAWA ko? Nasaan ang katibayan mo??"nagugulat na tanong niya.

Iniabot ko sa kanya ang brown envelope at kaagad niya itong sinuri. At napaiyak siya.

"MGA H*YOP SILA!!! MGA H*YOP!!"umiiyak na Sigaw niya.

"Ipanatag mo ang iyong sarili Ma'am Stella. Magpakatatag ka"ani ko.

"Oo at magbabayad ang babaing iyan! Hindi ko nga lang alam kung paano"naluluha paring turan niya.

"May idea po ako"Turan ko.

"Ano?"tanong niya.

"Bukas ay magkakaroon ng kasiyahan sa palasyo. Maghahanda ng piging ang Hari para sa batang ipinagbubuntis ko. Doon natin ilulubog!"Turan ko

"Ngunit paano? Hindi sila basta basta nagpapapasok doon?"tanong niya.

"Heto po! Invitation card! Ipakita ninyo lamang Ito sa mga bantay at sabihin ninyo na personal ko kayong inimbitahan! Tiyak na papapasukin nila kayo"ani ko.

"Maraming salamat Prinsesa! Kundi dahil sayo ay hindi ko malalaman ang ginagawa ng aking asawa at ng malanding secretary na iyan na kanyang kabit!"Turan pa niya.

"Wala pong anuman"tugon ko.

Humanda ka bukas Avenir! Dahil titiyakin kong Ito na ang magiging pinakamasayang araw mo!

Mafia lord anakan mo akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon