CHAPTER 50

1.6K 61 0
                                    

JANINA POV

NAKA red dress ako ngayon at nakasandals na three inches ang heels habang si Yasser ay nakaformal attire. Dala din namin ang ireregalo namin sa kanya.  Nasa biyahe kami ngayon.

"Buntis kamusta ang pakiramdam mo?"nakangiting tanong ni Yasser habang kami ay nasa biyahe patungo sa venue.

"Mabuti Naman"sagot ko.

At nung makarating kami, ay kaagad na bumaba si Yasser upang ako ay pagbuksan at alalayan pababa ng kotse.

"Thanks hon"ani ko

"You're welcome"tugon niya.

Magkahawak kamay kami at papasok na sana nung sinalubong kami ni Avenir.

"Mabuti at nakarating kayo"aniya.

"Oo naman. Why not,?"tugon ko.

"Congratulations Avenir!"ani ni Yasser.

"Thanks"tugon nito

"Congratulations! Biruin mo from Mistress to fiance?? Kung sa bagay hindi din naman biro ang naging effort mo"nakangising Turan ko

"Ahm Avenir mauna na kami"ani ni Yasser at halos hilahin ako papasok.

"Hon alam kong malaki ang kasalanan niya sayo pero pakiusap huwag kang mag esk*ndalo ngayon maraming Tao at engagement party din Ito ng kaibigan ko"ani ni Yasser.

"Whatever"

At iyon na nga. Naupo na Kaming lahat at naganap na ang engagement nila. Tuwang tuwa ang br*ha. May oras ka din. Nag-umpisa na ang pagbubukas nila ng regalo. May isa silang nabuksan.

"Heto ang natanggap naming regalo mula kay Ms. E. Sino Ito?"tanong ni Jerome pero walang sumagot kaya binuksan niya ang gift at isa itong couple ring. Kita sa mukha ngayon ni Jerome ang labis na pagkagulat. Bakit kaya?

"Sino si Ms. E?? Nasaan siya??"nabibiglang tanong niya.

Sinong Ms. E? Biglang may apat na lalaki ang pumasok na may dala-dalang napakalaking box at dinala Ito sa unahan.

Nagulat kami nang biglang bumukas ang kahon at iniluwa nito si.. Emma?? Gusto ko Ito..

"Emma? Anong ginagawa mo dito??"inis na tanong ni Avenir habang si Jerome Naman ay tulala habang nakatingin kay Emma.

Pansin ko na parang pumayat na siya ng kaunti. Pumuti at lalong kumunis ang balat. She's so pretty with her blue dress! I love it!

"Congratulations Jerome and Avenir! BTW long time no see Sana nagustuhan ninyo ang regalo ko."nakangiting ani ni Emma.

"Guard! Guard! Palabasin ang babaing Ito!"ani ni Avenir.

Pero wala ni isa man sa mga guard ang gumalaw.

"Huwag kang mag-alala Hindi ako naririto para manggulo. Naririto lang ako para ipaabot ang aking pagbati at ang aking regalo. Iyan ang couple ring namin ni Jerome, itatapon ko na nga Sana ang basurang iyan pero naisipan ko na maganda Kung ibibigay ko sa inyo. Tutal basura na nga iyan. Kagaya ninyo!"Turan niya.

Tama iyan Emma.

"HOW DARE YOU!'sigaw ni Avenir at akmang sasampalin si Emma ngunit naawat Ito ni Jerome!.

"Umalis kana Emma!"madiing sambit ni Jerome.

"Mamaya atat naman kayo masyado"nakangiting Turan ni bff.

Nagulat kaming lahat nang biglang umulan ng maraming pictures. Mga larawan nina Jerome at Emma nung ikasal sila.

"Makinig kayong lahat! Ako si Emma Rosales- Fuentabella ngunit Hindi KO na ginagamit ang basurang apilyedo nayan! Ako Ang dating asawa ni Jerome Fuentabella! Bakit kami nagkahiwalay? Dahil sa hig*d at desperad*ng Ito!"aniya sabay turo kay Avenir.

"Nilandi niya si Jerome! At nagpalandi naman ang kup*l!"ani pa niya.

"Ano ba iyan?? Hindi ba iyan Yung nagtangkang manakit sa Prinsesa? Kabit lang pala!"

"Malandi"
"B*tch"
"Deserve"
"Go Ms. Emma"

Iyan ang Ilan sa mga usap-usapang naririnig ko. Hanggang sa nag-uwian na ang dumalo. Maya-maya lamang ay nagyaya na si Yasser na umuwi. Nais ko sanang makausap si Emma pero bigla siyang nawala matapos ang ginawa niya. Nakaalis na siguro

EMMA POV

MATAPOS ang kahihiyang idinulot ko sa dalawa ay pasimple akong dumaan sa back stage. Paano ko Ito nagawa? Matapos na magdesisyong sumama kay Brandon ay kaagad din kaming nakapunta dito dahil sa private plane niya. Isang bagay pa. Ang hotel na Ito ay pag-aari niya. Ngunit nung nawala siya dito ay staff nalang niya ang namahala.

"Bakit kapa nagbalik?"malamig na tanong ni Jerome.

"Bakit? Hindi ka ba masaya sa muli nating pagkikita? Ako kasi masaya. Sobrang saya ko"Turan ko at inayos ang necktie niya. Titig na titig siya ngayon sa akin habang ginagaws ko iyon.

"Matapos mong sirain ang Engagement party ko lal*ndiin mo ang fiance ko??"galit na tanong niya.

"Huwag kang mag-alala hindi ko siya aagawin sayo. Hindi ako mak*ti kagaya mo. Kung gusto mo pa nga ehh is*ksak mo siya sa baga mo"nakangiting tugon ko.

Galit na galit siya ngayon. Dinampot niya ang isang malaking flower vase at ihahampas sana Ito sa akin pero nakaiwas ako.  Nung hindi niya ako tinamaan ay na out of balance siya. Napasusob siya sa tiles.

"Okay ka lang ba?? Nakakainom ka yata?"ani ko.

"GET OUT!!!"Sigaw niya.

"Okay bye hanggang sa muli"nakangiting Turan ko bago lumabas.

Mafia lord anakan mo akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon