KARINA POV
NAGLALAKAD na ako pabalik ng room namin ni Yasser nang bigla akong tinawag ni Mira.
"Mahal na Prinsesa!"tawag niya.
"Ano iyon Mira?"tanong ko.
"May importante akong sasabihin. Diba may ipinagagawa si Yasser na sapatos para suutin mo bukas?"tanong niya.
"Oo bakit?"tanong ko.
"Narinig kong may kausap sa phone si Avenir kanina. Binayaran sila ni Avenir para sirain ang takong ng sapatos mo nang hindi halata upang matapilok ka"ani niya.
"Mabuti at napag-alaman mo ito. Salamat Mira. Bibili na lamang ako mamaya ng ganong design"ani ko.
"Sandali lamang heto pa. Nanggaling dito ang designer niya kanina. Ipinadala din ni Avenir ang dress niya. At naoulot ko ang calling card ng designer niya. Narinig ko din sa kwentuhan nila na ang designer na iyon ay nangangailangan ng malaking halaga upang maipagamot ang ina niyang may sakit. Ngunit kulang ata ang maibabayad ni Avenir"ani pa ni Mira.
"Akina. Salamat sa mga impormasyong ibinigay mo Mira. Makakatulong Ito sa akin"ani ko at kinuha sa kanya ang calling card.
Kaagad akong dumeretso sa room at tinawagan ang number.
"Hello?"ani ng nasa kabilang linya.
"Hello good afternoon Ito si Prinsesa Karina. Nais ko sanang makausap si Ms. Jean Morrone"ang panimula ko.
"Ako po si Jean kamahalan. Ano pong maipaglilingkod ko?"tanong niya.
"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Napag-alaman ko na kailangan mo ng malaking pera para maipagamot ang iyong ina. Handa akong tulungan ka kung gagawin mo ang iuutos ko sayo"ani ko.
"Kahit na ano po handa kong gawin kamahalan!"desperadong Turan niya.
"Simple lang. Sirain mo ang gown ni Avenir. Sirain mo ang mga tahi at paglalagyan mo ng pin. Nais kong mapahiya siya bukas. Magkano ba ang kailangan mong halaga?"tanong ko.
"20k dollars po"tugon niya.
"May cheque ako dito. Ayos ba sayo? Bukas ko din ibibigay?"tanong ko.
"Ayos na ayos po"tugon niya.
"Malinaw ba sayo ang ipinagagawa ko?"tanong ko pa.
"Opo kamahalan! Malinaw na malinaw"aniya.
"Good"nakangiting Turan ko bago ibinaba ang phone ko.
Kaagad akong umalis nang may kasama muling mga alalay at palihim na bumili ng sapatos sa mall.
At dahil ginalit mo ako pahihiyain kita ng todo Avenir!
KARINA POV
MATAPOS bumili ng sapatos, ay kaagad ko itong itinago. Bago muling lumabas. Nakita ko si Clyde na nag eenjoy sa pskikipaglaro sa ibang bata habang si Mommy naman ay natutulog kaya napagpasyahan kong pumunta sa garden. Tumingin ako ng mga magagandang bulaklak. Nakakarelax ngunit Hindi ko alam na may isang toxic na naroroon.
"Balita ko ay napakaexpensive daw ng sapatos mo na ipinagawa ni Yasser"nakangiting turan niya.
"Ahh iyon na? Siyang tunay! Ganon ako kamahal ng aking asawa alam mo kung bakit niya ako minahal? Dahil kahit papaano ay may delikadesa hindi kagaya ng iba diyan na desperada"nakangising tugon ko.
"Oooppps sorry. Huwag kang mag-alala hindi ikaw ang pinatutungkulan ko"Turan ko.
"Alam ko. Kasi hindi naman ako yung tipo na hinihiwalayan na ay nagmamakaawa pa. Iyon ang tinutukoy mong desperada diba?"ang mapang-asar na ani niya.
Umiinit ang ulo ko pero hindi ko pwedeng ipahalata.
"Siguro. Pero kabilang na din yung mga babae na makakati. Yung tipong nang-aagaw ng asawa at nagpapakamot sa iba dahil sa kating-kati na"ani ko.
"Siya nga pala. Siguro napakaganda ng gown mo"Turan ko.
"Oo maganda. Baka nga sa sobrang ganda, ay mas bigyan nila ako ng pansin kaysa sayo"ani niya at tinalikuran ako.
Talagang sisiguruhin ko na sayo mapapako ang atensyon ng lahat ..
Hanggang sa sumapit na ang Gabi at nakapaghapunan na kami ngunit wala parin si Yasser. bumibili siya ng bagong coat at ayon sa kanya ay sa labas na din siya kakain. Nanood muna ako sa Netflix habang nakaupo sa kama. Maya-maya lamang ay bumukas ang pinto at iniluwa nito si Yasser at nagbihis sila. Pagkahubad ng t-shirt niya ay nakita ko ang matipuno niyang dibdib at may naisip ako. Nilapitan ko siya at hinaplos ang kanyang dibdib.
"What are you doing?"tanong niya.
"Hinahaplos ko ang dibdib mo bakit may problema ba Mr. Tigang?"ang pang-aasar ko.
"Anong tawag mo sa akin??"nanggagalaiting tanong niya.
"Mr. Tigang. Diba halos mag-iisang buwan na tayong hindi nag-aano? Anong tawag sayo? Diba tigang?"ani ko pa.
"Shut up Karina! Kapag ako hindi nakapagpigil, makikita mo ang hinahanap mo" ang pagbabanta niya..
"Hindi mo naman kailangang magalit ehh!"ani ko.
"STOP!"Sigaw niya.
"Narito lang naman ako para pawiin ang pagkatigang mo"ani ko at ibinaba ang terante ng night gown at ng bra ko.
"I WILL F*CK YOU KARINA"Sigaw niya dahilan para mapatakbo ako palabas at hinabol niya ako.
YASSER POV
HINAHABOL ko ngayon si Karina. Inasar niya ako at pinag-init ang aking katawan. Kasalanan niya Ito! Nakita ko siyang pumasok sa room ni Clyde at sinudan ko ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakapasok ay itinulak na niya ang pinto para isara dahilan para tumama ang pinto sa mukha ko....
BINABASA MO ANG
Mafia lord anakan mo ako
RomanceSi Prinsesa Janina ay ang nag-iisang anak nina Haring Armeo at Reyna Halisha. Siya ay ang Asawa ni Yasser Theodore Quarles na isang Mafia lord. Nagluksa ang lahat dahil sa biglaang pagkawala niya. Hanggang sa paglipas ng halos apat na taon ay napagd...